PO 8

518 30 11
                                    

Napalunok ng ilang ulit si Troy habang mahigpit pa ring hawak ang doorknob. Para siyang tuod doon na nanatiling nakatayo at ayaw na lumingon. Kahit pa ramdam niya ang presensiya ni Amaris sa kaniyang likuran.

"Ano, Troy? Itinuring kitang kaibigan, pero pinatay mo ko! Pinatay n'yo ko!"

Dahil sa narinig mula kay Amaris, agad na lumingon na may halong gigil si Troy. Hindi siya dapat magpatalo sa takot. Patay na ito at wala na itong magagawa. Siya ang buhay. Tinatakot lang siya nito panigurado.

"Wala akong kasalanan! Tanging si Michael lang ang may gawa ng lahat! Siya lang!" Halos maglabasan na ang litid sa kaniyang leeg at mamaos dala ng malakas na pagsigaw.

"Wala ka ba talagang kasalanan, Troy?"

Laking gulat ni Troy ng isang bote ng gamot ang biglang bumagsak sa kaniyang paanan. Napaatras pa siya at hindi binalak na damputin iyon. Dahil kahit walang label iyon, alam niya kung ano iyon.

Angel Dust.

Umiling-iling si Troy habang parang may sariling utak ang mga kamay na kahit ayaw niya, pilit siyang pinapayuko at pinapadampot ang bote ng drugs.

Sarap na sarap na si Troy sa paghalik sa leeg ni Michael at pababa na sana siya sa dibdib nito nang pigilan siya ng huli at ilayo. Nagtatakang umayos ng upo sa passenger's seat si Troy at sumimangot.

"Ano na naman ba? Lagi mo na lang ako ibinibitin." Tinangka pa muling halikan ni Troy si Michael subalit naiinis na tinabig siya nito.

"Alam mo ang kasunduan natin para iyong-iyo na ang katawan ko."

"Si Amaris na naman? Kaya ko naman gawin ang gagawin niya. I can do better pa nga." Inis na inis at selos na selos na talaga siya sa babaeng gusto nito.

"Nah, if I can't get her. You will not get me."

"Pero ang usapan natin ha, isang beses lang tapos kapag nakuha mo na ang gusto mo sa kaniya, tayo na?"

"Oo. Sa 'yong-sa 'yo na ako." At hinawakan pa ni Michael ang baba ni Troy at pinisil. Kinilig naman siya sa isiping pagkatapos niyang tulungan itong makuha si Amaris ay magiging sila na.

Sa wakas!

Mabilis niyang dinukot sa bulsa ang isang botelya. Angel Dust daw ito ayon sa nakuhaan niya. May kamahalan dahil nagbayad pa siya ng mga taong magbebenta nito at sobrang higpit pa dahil baka magkahulihan. At dapat daw, hindi ma-overdose ang pagbibigyan dahil kung hindi, maaari niyon ikamatay kung sakali or coma kaya.

"I'm sure, this is what you need, babe." At iwinagayway ni Troy ang maliit na botelya sa harapan ng ngayon ay ngiting-ngiting si Michael.

Kinuha nito iyon at ipinaliwanag ni Troy ang epekto sa pagbibigyan. Hallucination. Maaaring makalimutan na nito ang lahat ng nangyari pagkatapos na maisagawa ni Michael ang nais kay Amaris.

Niyakap ni Michael si Troy bilang pasasalamat at dala na rin katuwaan. Gumanti naman si Troy subalit isang plano ang binuo niya.

Hindi na maaaring mabuhay si Amaris pagkatapos ng lahat!

At ngayon, umiiyak siya habang tikom na tikom ang bibig. Dahil sa hindi niya malamang kadahilanan, kusa niyang binuksan ang botelya ng natirang angel dust. At ngayon ay pilit niyang iniinom ng hindi ayon sa kaniyang kagustuhan.

"Damhin mo ang kalupitang ginawa mo sa akin. Selfish ka at mas gusto mo ang pansariling kaligayahan. Ngayon, kung ano ang nangyari sa akin, mangyayari rin sa 'yo."

Umiiling-iling si Troy habang walang humpay ang pagbalong ng kaniyang luha. Subalit, hindi niya mapigilan ang mga kamay na pilit siyang pinaiinom sa botelya.

Para siyang nakikipaglaban sa sarili mismo. Isang hiwa sa binti niya ng basag na salamin ang nakapagpasigaw sa kaniya. Kaya iyong pagbuka ng kaniyang labi ay siyang pagpasok ng lahat ng laman ng botelyang hawak niya.

Pinilit niyang iluwa lahat subalit, parang may sariling utak din ang lalamunan niya at nilunok iyon. Halos mabilaukan na siya subalit tuloy-tuloy ang drugs hanggang sa kaloob-looban niya.

Mayamaya pa, naramdaman niyang parang umiikot ang buong paligid niya. Naglakad siyang parang lasing hanggang marating niya ang kama.

Doon ay nakita niya si Michael, prenteng nakahiga, walang saplot. Napangiti si Troy at dali-dali nilapitan ito. Sabik na sabik siyang umibabaw sa lalaki at pinaghahalikan ito. Tawa naman ng tawa si Michael at niyakap pa siya.

"Mahal na mahal kita, Michael. Akin ka lang."

Subalit, nang hahalikan na niya ang mga labi nito, nag-iba ang itsura nito. Naging si Amaris. Nanlilisik ang mga mata at nang itinaas nito ang dalawang kamay, diretso sa kaniyang leeg.

Hindi makahinga si Troy sa higpit nang pagkakasakal nito. Hinawakan niya ang mga iyon at pilit na tinatanggal, hanggang ito na ang nakapaibabaw sa kaniya.

"Mamamatay ka! Mamamatay kayong lahat!"

Halos mabingi si Troy sa lakas ng boses nito. At hindi na rin siya makahinga!

"I'm so-so-rry..." pilit niya pa ring sinasabi kahit pa gahibla na lang ang hininga niya. Subalit, hindi pa rin nagbago ang anyo ni Amaris at mas lalong diniinan nito ang pagsakal sa kaniya.

Nangisay-kisay pa ito hanggang mawalan na tuluyan ng buhay.

***

Malakas na sigaw ng kapatid ni Troy ang gumising sa kalaliman ng gabing iyon. Naisipan niyang i-surprise ang kapatid. Gamit ang duplicate key nito ay marahan niyang binuksan ang pinto, upang siya lang pala ang masorpresa sa tumambad sa kaniya.

Nakahandusay at wala ng buhay ang kapatid na tanging mga panloob lang ang suot sa sarili nitong kama. Nakadipa at bumubula pa ang bibig. Sa kanang kamay nito, hawak ang isang botelya.


I'm Sorry:
Puzzled Out
Jhavril
2019

04-25-19

I'm Sorry: Puzzled OutWhere stories live. Discover now