Poetry #9 / 💌

161 22 2
                                    

"Pano Mo Nasabi?"

Pano mo nasabing tayo pa rin hanggang wakas kung ako lang yung kumapit at ikaw mismo yung pumipiglas.

Pano mo nasabing ako lang wala nang iba kung lahat pala sa babae sweet ka.
Malingat lang ako saglit, may iba ka na.

Pano mo nasabing "mahal na mahal kita" kung hindi mo naman ipinaparamdam at ipinapakita.

Yan yung mahirap sayo, yung hanggang salita ka lang tapos yung pangako mo, hinahayaan mong mapako.

Huwag kang magtaka kung palagi kong tinatanong sayo ang katagang
"Pano Mo Nasabi?" dahil mahirap maniwala sa salitang hindi tinutupad  pagdating sa huli.

Author's Note

          I just want to apologize to my readers dahil ngayon lang ako nakapag-update and minsan nalang ako maging active sa wattpad. Hehe busy si miss pader ngayon ih, projects, exams, assignments, reports. Walang katapusan na ganyan huhu i know na nakakarelate din kayo sakin, but i promise na babawi ako. I miss you and I love you my readers, Happy reading!❤

When Miss Pader HurtsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon