Poetry #7

237 34 7
                                    

"Ang Ating Kwento"

Ang hirap pala talaga no?
Na ako yung kawawa sa kwentong 'to,
Ikaw yung tala tapos ako yung aso,
Yung asong hangal na naghahabol sayo.

Mahirap kase kahit anong gusto gawin,
Hindi ka parin mapapasaakin,
Sobrang hirap mong abutin,
Ako nasa lupa tapos ikaw kasama ng mga bituin.

Siguro nga dito na magtatapos yung kwento,
Kase kahit buhay ialay ko wala paring mapupuntahan to,
Pano pako makakasingit sa buhay mo?
Kung alam ko namang ibinaon mo na yung mga alaalang magkasama tayo.

Mahirap kasi umasa sa wala,
Lalo na sa taong hindi kana naaalala,
Yung kinalimutan kana,
At sa taong hindi ka na binibigyan ng halaga.

Ako ‘tong asong napilay, nasagasaan, nadapa at nasaktan,
Siguro nga ito na yung katapusan,
Yung ako yung luhaan,
Binuhos ko na lahat ng aking kakayahan,
Pero wala, Wala tong napuntahan.

Kase kahit anong pilit kong tumakbo papunta sayo,
Hindi yun uubra kase nga hanggang dito lang yung makakaya ko.

Kahit masakit, kahit mapait, Pilit kong ikinukubli itong hinanakit,
Sana ako nalang talaga si wonderwoman na naaabot ang langit,
Para naman mayakap kita,
makasama kita, at makausap man lang kahit isang saglit.

Miss Pader/AZ♡



When Miss Pader HurtsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon