Poetry #4

348 62 8
                                    

"Hindi Ako Siya"

Sana ako nalang siya,
Para lagi tayong magkasama,
Yung hindi nagbibitaw ang ating mga kamay kahit saan man tayo magpunta.

Sana ako nalang siya,
Para aalagaan natin ang isa't isa,
Yung magkasangga tayo sa hirap at ginhawa.

Sana ako nalang siya,
Para may masaya tayong alaala,
Alaalang mababalikan natin kapag tayo'y matanda na.

Sana ako nalang siya,
Para nakakadama din naman ako ng saya,
Yung sayang hindi ko matatagpuan sa iba.

Ano bang meron ako na wala siya?
Masakit. Kase lahat ng salitang binibitawan ko may SANA,
Alam mo bestfriend ko na nga ata ang pantasya,
Dahil lagi ko siyang takbuhan, malungkot man ako o masaya,
Yung pantasyang magbibigay sakin ng pag asa.

Masaya ako kapag masaya ka,
Kahit yung ligayang yon ay nanggagaling sa iba,
Kahit masakit ng sobra,
Tinanggap ko parin talaga,
Para naman makalaya na ako sa hinagpis na aking nadarama,
Wag kang mag alala,
Tanggap ko nanaman na HINDI AKO SIYA.

Miss Pader/AZ♡

When Miss Pader HurtsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon