Gusto kung malaman kung sino ang babaeng yun. Dahil pakiramdam ko parang may kakaiba sa kanya. Lalo na yung mga mata niya na parang nakita ko na talaga yun at hindi ko lang matandaan kung saan.

* Kristel POV *

" Sinabihan na kitang palitaan mo yang suot mo..hindi ka nakinig sa akin? Tingnan mo tuloy ang nangyari sayo! "  medyo pagalit na sabi ni Kuya sa akin.

" Ano bang problema sa suot ko, Kuya? Okay naman ha. "  inis ko ring sabi sa kanya.

Tiningnan niya ako sandali, saka tumingin ulit sa daan. Papauwi na kami ngayon ni Kuya sa bahay. At kanina pa kami nagtatalong dalawa, dahil sa nangyari sa akin. At Oo, pinagsabihan niya na ako kanina bago pa ako pumasok sa school na palitan ang suot ko. Pero hindi ako nakinig sa kanya, dahil wala namang problema sa suot ko.

" Tingnan mo nga yang suot mo.. sobrang luma na yan. At hindi nakakapagtaka, kung bakit binully ka nila kanina. " inis na nitong sabi.

Sobrang luma na talaga ang suot ko. Nawawala na nga yung tunay na kulay niya. At hindi ko alam kung ano ang pumasok sa kukote ko na ito ang naisipan kung isuot. Nakita ko lang kasi ito sa lagayan ng damit ko kanina. Kaya ayun, napagtripan kung isuot.

" Tsk! May basehan ba ang pag-aaral sa suot? Wala naman diba. Utak ang kailangan sa pag-aaral.. hindi ang kasuotan! Kung sabagay.. wala namang mga utak ang mga estudyante doon. " sabi ko. Naramdamam ko naman ang pagtingin sa akin sandali ni Kuya.

" Ihahanda ko na ba ang sarili ko na harapin ang Principal niyo? " sarcastic nitong sabi sa akin dahilan para matawa ako.

Nararamdaman niya siguro mapapaaway na naman ako. Hindi naman ako mapapaaway kung walang umaaway sa akin diba? At ako yung tipo ng tao na lumalaban at hindi nagpapatalo. Hindi nila ako pagmamay-ari para saktan nila ako. At mas lalong hindi nila ako laruan!

Nang makarating kami sa bahay. Agad akong umakyat papasok sa kwarto ko. Nalalamig na kasi ako kanina pa. Peste kasi yung bumuhos sa akin ng tubig kanina. Akala mo nasa beach kami para paliguan ako ng ganun? Makakaganti rin ako sa kanya.. lalo na sa pesteng Hugo na yun.

Lumabas na ako ng kwarto pagkatapos kung maligo. Agad kung hinahanap si Kuya Red pagkababa ko. Pero kahit anino niya hindi ko makita.

" Excuse me, Ms.KC. "  napatingin  ako sa katulong na bigla nalang sumulpot sa harapan ko.

" May kailangan ka? "  tanong ko sa kanya. Hindi ako nagtataray. Sadyang ganito lang talaga ako.

" Wala po! Gusto ko lang po sabihin sa inyo na, kanina pa po nakaalis si Sir Red. Pagkahatid niya po sa inyo. "  sabi nito sa akin.

Yung unggoy na yun! Hindi man lang nagpaalam sa akin kanina na babalik pa pala siya sa trabaho niya? Plano ko pa naman sanang doon nalang tumambay sa opisina niya, dahil wala akong plano na bumalik pa sa school namin. Bukas na ako papasok ulit.. at wala akong pakialam kung nagcutting classes ako sa first day of school ko. Hindi naman ito ang una na nagcutting classes ako eh.

Dahil wala naman akong gagawin dito sa bahay. At paniguradong mababagot lang ako dito. Mas mabuti pang gumala nalang muna ako. Para naring masaulo ko ang lugar dito kahit papaano.

Umalis na ako ng bahay at nagpaalam sa mga katulong na aalis muna ako. Baka kasi magtaka sila na wala ako sa bahay. Kaya mas mabuti na yung alam nilang umalis ako.

Naglalakad lang ako habang nakatingin sa mga bahay-bahay na nandito. At hindi mapapakaila na puro mayayaman ang nakatira dito. Bahay palang kasi pangmayaman nah. Naglibot-libot lang ako. Hanggang sa mapatigil ako ng magring yung phone ko. Kinuha ko naman ito at agad na sinagot yung tawag.

" Sino toh? "  tanong ko kaagad sa caller.

" Ugali mo ba talagang hindi tingnan ang screen ng phone mo? "  inis nitong sabi.

Napangiti naman ako at parang bigla akong naexcite ng makilala ko yung boses niya.

" Sam! "  nakangiti kung tawag sa pangalan niya.

" Abat! Ang saya mo yata ngayon, Kris.. ganun mo na ba ako ka miss? "  asar nitong sabi.

Kung nandito lang yun sa harapan ko ngayon. Malamang kanina ko pa sinuntok ang gagong toh.

" Anong namiss ka dyan.. kanina pa kasi ako nabobored dito. Kaya nong malaman kung ikaw yung tumawag? Malamang tatawa naman ako nito, dahil sa kayabangan mo."  pang-aasar kung sabi sa kanya.

Napangisi naman ako ng bigla siyang tumahimik. Pero naririnig ko yung malakas na tawa ni Nuel. Magkasama siguro ang dalawang toh.

" Hello! Kris. Si Nuel toh. Nabobored kaba ngayon? Tamang-tama.. nandito kami ngayon sa maynila. Aalisin namin yang pagkabored mo. "  masaya nitong sabi.

" Talaga! Nasaan kayo...pupuntahan ko kayo. "  masata kung sabi.

Mas lalo tuloy akong naexcite na nandito sila ngayon sa maynila. May silbi din pala ang pagcutting classes ko. At thanks kina Hugo.. dahil kung hindi nila ginawa yun. Malamang hindi ko ngayon makikita sina Sam at Nuel.

Pumunta ako sa lugar kung saan kami magkikita nina Sam. Pagkarating ko don.. agad ko silang nakitang dalawa habang nakasandal sa sasakyan na ginamit nila papunta dito sa maynila. At habang papalapit ako sa kanila, napapansin ko ang ilang kababaihan na tumitigil pa talaga para tingnan lang sila.

Kahit kasi taga probinysa kami, may ipagmamalaki din kaming kagandahan. Katulad nalang itong dalawa kung kaibigan na lalake. Daig pa ang mga model dahil sa tindig at porma nila. Isali mo narin yung kagwapuhang taglay nila na hindi na makakalayo sa itchura ng mga lalake dito sa maynila. Malakas din kasi ang appeal nilang dalawa.

" Feel na feel natin ang atmosphere ha. "  sabi ko ng makalapit ako sa kanila.

Sabay naman silang napatingin sa akin. At saka umalis sa pagkakasandal sa sasakyan at nakangiting lumapit sa akin. Nagulat naman ako ng bigla nila akong yakapin na dalawa. Nang ayaw pa nila akong bitawan. Pinagsuntok ko sila isa-isa sa sikmura...dahilan para humiwalay sila sa akin dalawa.

" Mga loko ba kayo? Parang patayin niyo ba ako sa yakap niyo ha! "  inis kung sa kanila.

Tumawa lang silang dalawa at saka naman kinuha ni Sam ang bonet ko sabay gulo nito ang buhok ko.

" Namiss ka lang kasi namin. "  natatawa nitong sabi.

" Tsk! "

Inis ko namang kinuha sa kanya yung bonet ko saka ito sinuot ulit at tiningnan silang pareho.

" Bakit kayo napadpad dito? May gagawin ba kayo dito sa maynila? "  tanong ko sa kanilang dalawa.

" Inutusan kasi kami ng Tatay mo na ideliver yung mga bagong pitas na prutas dito sa maynila. Napaaga yung delivery namin, kaya maaga kaming natapos. "  nakangiting sabi ni Nuel sa akin.

Napatango-tango naman ako sa sinabi niya. Kaya naman pala yung pick-up ang ginamit nilang sasakyan papunta dito. Bago kasi ako umalis ng probinsya, nagsisimula na silang pumitas ng mga prutas.

" Diba, bored ka? Aong gusto mong gawin natin? "  tanong naman sa akin ni Sam.

Napaisip naman ako sa sinabi niya. Ano kaya amg pwedeng gawin ngayong araw na toh? Iniikot-ikot ko yung paningin ko sa paligid, baka sakaling may makita ako. Nang nahagip ang mata ko ang court. Napangiti naman ako sa inisip ko.

" Lets play. "  nakangiti kung sabi habang hindi inaalis yung paningin ko sa loob ng basketball court.

" Game. "  sabay nilang sabing dalawa na paniguradong nakatingin din kung saan ako nakatingin.

Ang Probinsyanang PalabanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon