58 - Narration

366 8 0
                                    

Hinihingal hingal pa ako nang makadating ako sa may harap ng gate ng school namin. Papasok na sana ako ng maharang ako ng guard.

"Teka lang, san punta mo?" tanong nito sakin.

"Sa loob po." sagot ko na parang wala lang. Totoo naman diba? Sa loob ako pupunta, alangang sa labas eh andito pa nga ako oh.

"At bakit?"

"May pupuntahan lang po ako sa loob. May nag-aantay sakin sa loob." patuloy kong sabi sa kanya.

Kumunot naman ang noo niya at tiningnan ang uniform ko.

"High-school ka palang, ah? Wala ng high-school sa loob." sabi pa niya.

Ha? Wala na? Ibig sabihin umuwe na si Renjun?

Bagsak ang dalawang balikat na tumalikod ako sa guard at nagsimula nang maglakad paalis sa school.

Hindi na niya ako inintay?

Napatigil ako sa paglalakad ng mauntog ako sa kung ano. Tumunghay ako agad ng maamoy ko ang pamilyar na pabango ni Renjun.

"Renjun!" sigaw ko at di ko alam kung bakit ko ginawa pero bigla ko nalang siyang nayapos.

Nanlaki ang mata ko at dahan dahang kumalas mula sa pagkakayapos sa kanya. "A-ah, s-sorry."

Dahil sa hiya ay umiwas pa ako ng tingin. Tahimik lang kami kasi di siya umimik pagkatapos ko siya yapusin. He sighed heavily at naglakad papunta sa likod ko.

Magtatanong na sana ako kung bakit pero kinuha niya lang yung bag ko at sabay hinawakan ako sa braso bago kami naglakad paalis sa school.

"R-Renjun." tawag ko sa kanya kasi hindi man lang siya umiimik. Sobrang tahimik niya.

Galit ba siya sakin?

Malamang, Nayeon! Ikaw kaya mag-antay ng ilang oras at paulit ulit na takasan, ha? Matuwa ka kaya? Ha? Tsk!!!! Ano ba yan, nababaliw na ako. Pati sarili ko kinakausap ko na din.

"U-uy sorry na Renjun!" sabi ko pa sa kanya nang hindi niya parin ako pansinin.

Napanguso ako kasi wala parin akong narinig na tugon mula sa kanya.

"Sorry if I kept avoiding you. Promise, di na ako uulit." sabi ko pa.

Iimik pa sana ako ulit ng mauntog naman ako ulit sa likod niya. Bigla ba namang tumigil sa paglakad.

"Who said I'll let you avoid me again?" he's voice sounded so serious kaya lalo ako kinabahan.

I gulped then cleared my throat. "Sorry na kasi."

He sighed heavily as he turn around to face me. Medyo napalayo pa ako kasi sobrang seryoso masyado ni Renjun.

"Huling beses na to Lee Nayeon. This will be the last time you'll do this to me." sabi niya. Parang ogag namam akong napatango tango.

The corner of his lips raised up for a couple of seconds bago niya ginulo ang buhok ko at hinila na ako ulit papunta sa sakayan ng bus.

Napakagat naman ako sa labi dahil sa pagpipigil ng ngiti. Shit, kinikilig ba ako?

alexithyma | h.rjTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon