"Ang haharot."

Naniningkit ang mga matang napatingin ako kay Athena nang marinig ko ang paghagikhik niya. Imbis na masindak ay umakbay pa siya sakin na parang close na close kami. Idinipa niya ang libre niyang kamay na parang pini-present sa akin ang tanawin sa harapan namin. "Namnamin mo ang vibes ng pag-ibig."

"Ayokong namnamin. Nauumay ako." panonopla ko sa kaniya.

Hindi niya pinansin ang sinabi ko at iginaya niya pa ako pasabay sa pag-sway sway niya na kulang na lang ay mga chant at magmumuka na siyang shaman na binebrain wash ako. "Lasapin mo ang simoy ng pag-ibig."

"Wala akong naaamoy. Pabango mo lang kasi ang lapit mo sakin." Pumiksi ako para makakawala sa kaniya at kinunutan ko siya ng ilong. "Ayoko ng pabango mo."

Imbis na ma-offend eh tinawanan niya lang ako. Kahit ata hamakin ko ang buong pagkatao niya ngingiti lang siya at mag go-glow parin katulad ngayon. Iba na talaga ang mga lango sa pagka-in love.

"Medyo bitter tayo ateng ah?" sabi ni Athena at inabot sakin ang isang kahon na kulay pink. "Kainin mo 'to para maging sweet ka."

"Mukha bang mahilig ako sa sweet?"

"Hindi pero isipin mo na lang medication mo 'yan. Para sa ikagaganda ng buhay mo."

I rolled my eyes at her. Kahit kailan talaga ang lakas ng fighting spirit niya. 'Yung tipong kahit na sinusungitan ko siya at gusto na niya akong tirisin, ngumingiti lang siya at pinababayaan ako. Gano'n na siya noon ano pa kaya ngayon na kasal na sila ni kuya? Baka kahit isakay ko siya sa rocket at ipadala sa outer space baka nakangiti parin siya pagbalik at bigyan pa ako ng pasalubong.

Kinuha ko na lang sa kaniya ang kahon at binuksan ko 'yon habang siya ay tumuloy sa kusina. Malamang duty rin pero for sure hindi 'yan magluluto sa kusina. Baka biglang magkaro'n ng emergency at matupok ng apoy ang buong Craige's.

Nagbaba ako ng tingin sa kahon sa harapan ko. Kulang na lang itapon ko pabalik sa kaniya ang kahon ng makita ko na cheesecake 'yon. Puno pa 'yon ng hearts na pinapana ng kupidong dekorasyon sa gitna no'n. Sa takip ng kahon ay may nakadikit na post-it note.

Sabi ni Archer gusto mo daw pasalubong galing sa Uncle Tetsu's.

Malapit lang do'n ang pinuntahan namin kaya binilan na kita.

-Kuya

Nanggigigil na binaba ko ang kahon ng cheesecake sa counter at pabalibag na sinarado ko ang takip no'n. Pinikit ko ang mga mata ko at pilit na bumilang ako ng sampu bago pa ako tuluyang ma-high blood at sumabog sa inis. Kahit kailan talaga walang magawa ang kulugong 'yon. I need to find his weakness hindi pwedeng ako na lang lagi ang pinagtitripan niya.

Kung bakit naman kasi nasasaktuhan niya ang mga katangahan moments ko. At kung bakit naman kasi siya ang laging nakakakita sakin. Katulad na lang no'ng kasal ni kuya at ni Athena. Masaya naman kasi ako para sa kanila. Pero sobrang close kasi namin ni kuya kaya hindi ko maiwasang hindi malungkot na magkakaron na siya ng pamilya. Weddings are like that. You lose a member of the family but you also gain new members.

Natagpuan ako no'n ni Archer na nagmumukmok sa isang tabi. And again we danced as if there's only the two of us in the world and he let me, cliche may it sound, cry on his shoulder.

Kung ano man ang trip niya ngayon, sisiguraduhin ko na may panglaban din ako sa kaniya. Bring it on. Wala akong balak umatras.

Tinawag ko si Layla, isa sa mga junior agent at pinabantay ko muna sa kaniya ang register. May determinasyon sa bawat hakbang na tinungo ko ang kinaroroonan ni kuya Thunder, isa sa mga pinsan ko. Oo, malaki talaga ang pamilya namin. Sa sobrang laki hindi na ata kasya ang family tree namin sa isang page.

BHO CAMP #7: The MoonlightWhere stories live. Discover now