Tama naman ang pagkakarinig ko diba?

"A-Anong sabi mo?."

"Tsk!.Bingi ka bah?.Hindi ko na uulitin yun , nagsasayang lang ako ng laway ko.." aniya at nag iwas ng tingin

Inirapan ko naman siya..

Bakit , mahal bah yung laway niya?.Tyaka naninigurado lang naman ako ah..

Hayst!.Hindi talaga siya matinong kusap! >.<

"Akin na nga yung remote.." bigla siyang nagsalita

Lumingin naman ako sa kanya at tinaasan siya ng kilay..

"Huh?" nakatingin lang ako sa kanya

"Sabi ko , akin na yung remote.." aniya

"Ba't ako inuutusan mo?Eh hindi ko naman alam kung saan nakalagay.."

"Nasa gilid mo lang naman oh!" aniya na parang naiinis na

Umirap ako at tiningnan ang tagiliran ko pero wala namang remote doon..

"Wala naman eh--" hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng bigla nalang lumapit si Ethan sakin at ikinulong gamit ang dalawang kamay niya na nasa magkabilang gilid ko na.

Napalunok ako habang hindi makatingin sa kanya ng diretso dahil sa oras na lumingon ako at harapin sya , baka..

Baka mahalikan ko na naman siya..

"Hindi ka naman bulag , pero ba't hindi mo makita yung remote?" aniya at may kinuha sa kabilang gilid ko at dun ko lang nalaman na nandun pala ang remote..

"S-Sorry naman...S-Sige na , l-lumayo ka na.." sambit ko dahil hindi na talaga ako mapakali lalo na ngayon na ang lakas na ng tibok ng puso ko

"Ba't ko naman susundin ang gusto mo?." aniya habang may ngisi

"L-Lumayo ka sabi..Baka kung a-ano pa ang sabihin ng g-girlfriend mo..Mapaginitan na naman ako ng ulo nun.." sambit ko at tiningnan siya sa mata

"Hindi ko nga siya girl--" hindi na siya natapos sa sinasabi niya ng bigla nalang kaming nakarinig ng pagkabasag sa kung saan..

Nang lumingon ako sa bandang kusina ay nanlaki nalang ang mata ko ng makita ko doon si Eliza na nakatingin sakin ng masama..

Agad akong kinabahan kaya tinulak ko nalan si Ethan at tumayo na..

"Mang aagaw ka talaga!" sigaw niya at agad na hinila ang buhok ko..

"A-Aray!" hindi ko na napigilan ang pag sigaw dahil sobrang sakit ng paghila niya sa buhok ko.

"Eliza!.Tumigil ka na!" rinig kong sigaw ni Ethan

Naramdaman kong binitawan niya na ang buhok ko pero nandun parin ang sakit ng ulo ko dahil halos kalbuhin niya na ako kanina..

Napaluha nalang ako at napa upo ulit sa sofa dahil sa sobrang sakit ng ulo ko..

"Anong nangyayari dito?" rinig ko ang boses ni ma'am Kyla na papalapit na.

Tumingin ako sa kanya at dun nalang nanlaki ang mata niya ng makita akong umiiyak at namimilipit sa sakit.

"Anong nangyari sayo?." nag aalalang aniya at inayos ang mahaba kong buhok

Umiling lang ako at pinunasan ang mga luha ko.

"O-Okay lang p-po ako.." sambit ko at yumuko

"Tita Kyla , alam mo bang may balak ang babaeng yan na agawin sakin si Ethan?!.Kung hindi ko talaga napigilan ang sarili ko , kinalbo ko na yan!" galit na sigaw ni Eliza.

"Eliza!.Calm down!" si ma'am Kyla habang hinahaplos parin ang likod ko

"No!.Hindi ako mag re-relax hanggat hindi naaalis na paningin ko ang babaeng yan!" sigaw niya ulit

Tumayo ako at tiningnan siyang mabuti..

"Wala akong balak agawin si Ethan sayo , Eliza...Kasi hindi ako mang aagaw.Kung gusto mo , magpabuntis ka sa kanya para naman hindi na siya makawala diba?Wag mo akong pagbintangan nang kung ano ano kung wala ka namang alam..Santa Maldita ka kasi , mabait ka lang sa harap ng iba pero ang sama mo naman talaga.." sambit ko at kinuha na ang bag ko at mga libro tyaka hinarap si ma'am Kyla..

"Saan ka pupunta , hija?" nag aalalang aniya

"Aalis na po ako.." sambit ko at naglakad na palabas doon

Bwesit ang abbaeng yun!

Akala niya bah hindi ako lalaban sa kanya?.Kung mataas ang sungay niya , pwes puputulin ko nalang para naman matuto na siyang rumespeto sa iba..



My Cold BoyFriend (COMPLETED)Where stories live. Discover now