Napailing sya.

"You got it reaaaallllyyyy bad."

"Tell me about it. I've entrusted everything to fate. " Tinignan ko si Manager. " Nagkamali ba ako? Should I have taken matters into my own hands? Should, I have followed her? "

Sandli syang nag-isip.

"Well, I think... kung kayo talaga ang itinadhana. I'm 100% sure na magkikita kayo ulit. Pero warning lang. When you already found her, don't waste it. Don't mess around."

Tumango na lang ako at tumayo na si Manager.

"Ok.. sige,, hindi naman pwedeng huminto ang mundo nang dahil sa hindi mo pa nakikita ang prinsesa ng buhay mo. Pull yourself together. Mag-concentrate ka sa trabaho mo. Maraming umaasa sa yo, yung mga kabanda mo, mga fans mo. "

"I'm doing my best..."

"Well, you have to do better. " Tinuro nya yung folder. " Gawin mo muna ito, Para maiba-iba naman. Baka sakaling mainspire ka. Maganda ang istorya nyan. Nabasa ko na at bagay na bagay sa 'yo ang role. "

"Hindi ako artista, singer ako."

"But you're a natural. Yung one time na lumabas ka sa isang TV special, kahit yung maikling role mo lang ay tumatak na sa publiko. Kaya nga ikaw ang gusto ng producer at direktor para sa role na yan. Ang tagal na ngang naka-pending nyang project na yan, dahil ikaw ang first priority nila at wala pa silang nahahanap na iba."

Sumandal ako sa upuan.

"I don't know."

"Hindi ka magsisisi sa project na yan, baka nga mas lalo ka pang sumikat! Base sa best selling novel yan. Maraming followers ang writer at lahat ng naisapelikulang nobela nya ay pumapatok palagi sa takilya."

Binuksan ko yung folder na nasa harapan ko.

'Half Crazy' yung title ng movie.

Natawa ako.

"Mukha ngang bagay sa kin itong movie na ito. Ngayon pa lang nakaka-relate na ako."

Natawa din si Manager.

"Oo nga ano. Tamang-tama nga sa 'yo yan. So ano? Payag ka na? para matawagan ko na yung producer."

Wala nama sigurong mawawala sa akin.

"Ok,, just to take my mind off Kyle. Go!"

Kyle

Naalimpungatan ako ng tumunog ang cellphone ko na nasa side table ko. Tinignan ko ang relo ko, it's only 6:00 am. You have got to be kidding me! Kinuha ko yung cellphone ko at tinignan ang caller id.

Anong problema ni Ate Jazzy?

Well, sorry na lang sya at wala pa ako sa mood makipag kulitan ngayon. Tinapos ko yung isang nobela ko at halos mag-aalas kwatro na ako nakatulog. Pinatay ko yung cellphone para hindi na sya makapang-istorbo. Kumuha ako ng unan para takpan ang mukha ko.

Ilang minuto lang ay biglang bumukas ang pinto ko at biglang nagulo ang mundo ko! Niyugyog-yupyog ako ni Ate Ja.

"My gosh naman Ate Ja! Ano bang problema mo! " Pero kahit na nagpo-protesta ako ay hindi pa rin sya tumitigil sa pag-yug-yog sa akin!

"Hindi ako titigil hanggat hindi ka bumabangon dyan!"

"haaaaiiiiiissssstttttt! Ang sakit naman sa ulo nyang pinag-gagagawa mo? Ano bang tinira mo at ang aga-aga ang hyper mo at dinadamay mo pa ako!"

Humiga sya sa tabi ko.

"Eh kasi naman e. Ang kulit nung producer at direktor ng imagine films. Alam mo ba na ilang araw na ako kinukulit ng mga yon para lang umatend ka ng story conference. Sabi ko nga na ako ang representative mo.. AYAW BA NAMAN PUMAYAG! Ayaw nila sa beauty ko!"

The AIR i BreatheUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum