Prologue

15 3 0
                                    

"This is a work of fiction. Names, characters, businesses, songs, places, events and incidents are either product of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental."

~
Hinuli niya ang kamay ko  at mahigpit na hinawakan ito. 

"Hmmmm. 5 minutes please" Nakapikit niyang sabi. Kinurot ko ang pisngi niya na nagpadilat sa isa niyang mata.

"Umayos ka na nga. Punta ka na sa upuan mo!" Inirapan niya ako. Aba! Ang lakas ng loob umirap. Tumawa ako ng mahina.

"Baka nakakalimutan mo binibini, tabi tayo. Dito ako nakaupo sa tabi mo?" Sasagot na sana ako ng pumasok ang aming guro. Walang dalang kahit ano. And I think I know why.

Agad kaming napabusangot ng magpalabas ito ng isang buong papel. Walang nagreklamo ngunit makikita mo ang pagkairita sa mukha ng mga kaklase ko. That's it. I knew it, kung wala itong ibang dala isa lang ibig sabihin. Quiz!

Bitches, surprise!

Natapos ang aming klase na puro reklamo ang naririnig ko. Natatawa nalang ako. Who wouldn't? Kahit ako ay gustong magreklamo pero pinili ko nalang sarilihin ito.

"Bea, tara na?" Sabi ni Cen, tumungo ako at sumabay na sa paglabas. Bumungad samin ang mga estudyanteng nakatambay malapit sa may gate. Uwian na ng hapon kaya hindi na makapagtataka. Maliit lamang ang aming paaralan ngunit masasabi kong wala itong katulad. Simple ngunit maganda, maliit lang ang espasyo ngunit kaakit akit.

"Cen, pag ako ba nawala, mamimiss mo kaya ako?" Wala sa sarili kong tanong.

"Gaga, syempre! Akin nalang si Johan ha? Pag nawala ka." Mahina akong natawa. "Cen, masaya ka ba na nakilala mo ako?" Dagdag na tanong ko habang nakatingin sa mga estudyandeng nag-aantay malapit sa gate.

Kinapa niya ang noo ko, na agad ko namang inalis. Hindi makapaniwalang tingin ang pinukol niya sa akin. Maging ako ay hindi makapaniwala sa mga lumalabas na sarili galing sa sariling bibig.

"Of course, Beatrice! Ano bang nangyayari sayo?" Hindi ko siya sinagot.

Bumukas na ang gate at naglabasan na ang mga estudyante.

Lalabas na rin sana ako nang mapansin kong mag isa si Jeris na nakatayo at para bang wala sa sarili. Nung una ay nagalinlangan pa ako ngunit nang tignan ko si Johan ay tumungo at ngumiti kaya lumapit ako.

"Ayos ka lang?" Malumanay kong tanong. Lumingon siya saakin at napatitig. Siguro'y nagtataka kung bakit ko siya nilapitan.

Hindi kami ayos, bestfriend ko siya magmula ng kami'y nasa grade 7 palamang. Maliit lang na bagay ang aming hindi nagkaintindihan hanggang sa hindi na kami tuluyang nagpansinan. Masakit iyon para saakin. Mapride akong tao ngunit ngayon hindi ko alam, why I suddenly wanted to talk to my bestfriend. I missed him. Its been months.

"Uh? Yup. Ayos lang ako" sagot niya habang nakakunot ang noo. Ngumiti ako. Nangangapa ako ng sasabihin. Gusto kong matapos na ito. Gusto ko lang humingi ng tawad.

"Sorry." Sabay naming sabi. Nagkatinginan kami at sabay natawa. Ginulo niya ang buhok ko. I guess ayos na kami? Siguro, sana. Pinalo ko ang dibdib niya at pasugod ko siyang niyakap. Yumakap siya balik. "I missed you!" Bulong niya.

"Tsansing ka na brad!"

Agad akong kumalas. Tumawa kami ni Jeris. Sabay sabay kaming lumabas.

"Wala pa sundo mo?" Tanong ni Jeris. "Nakikita mo ba pre?" Pabalang na sagot ni Johan. Nagbatukan sila na ikinatawa ko. Inakbayan ako ni Johan.

"I love you." Bulong niya.

Tinitigan ko siya bago ko sinabi na mahal ko rin siya. "Ingat Bea!" Sigaw ni Jeris ng makasakay ako. Ngumiti ako at kumaway sa kanila. "Ingat rin kayo!"

Masaya ako sa hindi maipaliwanag na dahilan. Ngunit sa hindi inaasahan bigla nalang akong makaramdam ng kaba. Pinagpapawisan ako at pakiramdam ko ay nanghihina ako. Inilabas ko ang cellphone ko at nagtipa ng mensahe para kay Johan.

Ako:

I love you.

Binalik ko ang cellphone ko sa bag at tumingin sa harap. Na agad ko ring pinagsisihan. Para akong nabingi nang marinig ko ang napakalakas na busina ng truck sa harapan. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Lungkot, dahil ba alam kong ito na ang huli? O saya, dahil kahit sa huling pagkakataon ay maayos na ang lahat?

Binalot ako ng kadiliman hanggang sa hindi ko na alam ang sumunod na nangyari.


---
Jdcp ❤

Grateful Hearts (Leones Series #1)Where stories live. Discover now