CHAPTER 35 ** Forgive and forget?! **

Začít od začátku
                                    

***

Nandito kami ngayon sa St. Kilda sa Tap house kasama sila Tricia at ang Twin cousins ko. Kumain kami dito and at the same time umiinom pantanggal ng stress.

" Uuwi daw kayo ng Pinas sabi ni tita Joecel? " Tanong ni Jomania habang kumakain ng southern fried chicken with cajun chips.

" Yup! Reunion ng batch namin, pero i'm planning to stay there for a while. " Sabi ko.

" Oh my gosh! Alam mo bang gusto ko din mag stay dun ng matagal para magpatayo ng boutique ko doon. Syempre dapat partner tayo bruh! " Tinaasan ko lang siya ng kilay. Alam naman niyang iyan ang business ko dito pero yan din ang ipapatayo niya sa Pinas. Engot talaga ang babae na ito pero sige pag bigyan natin mahal ko naman ang bruhang yan eh.

" I'm coming with you cousin! My contract kasi ako sa isang sikat na clothing line sa Pilipinas. " Nasabi ko na ba sa inyo na isang sikat na model si Jomania? Kaya kung umasta yan like a boss kasi sikat ang bruha. Hindi ko nga sukat akalain na sisikat pala siya kasi ang sungit niyan grabe, daig pa ang nag memenopause kapag tinopak siya.

Si Josh naman nagwowork sa isang company kahit na may sarili naman silang company na pwede niyang ihandle. Rason naman niya na gusto niyang magsimula mula sa mababang pwesto bago tanggapin ang pamamahala ng kompanya nila. Nagsisilbi din kasing training ground niya ang kompanyang pinagtatrabahuhan niya ngayon kaya sinuportahan nalang sila ng parents nila sa anumang desisyon ng kambal.

" Okay! But let me tell you this, if you're going to stay at my house you should follow my rules. Remember, my house my rules! " Nag belat lang si Jomania sa sinabi ko. Joke lang naman yun at alam niya na hindi ako seryoso sa sinabi ko.

" Ay bossy ka rin pala bruh, kunsabagay mana ka lang kay Jomania sa pagiging bossy. It runs from the blood. Tsk! " Binatukan ni Jomania si Tricia at napa aray ito dahil napalakas yata ang pagkabatok ni Jomania sa kanya. Nagtawanan nalang kami ni Josh sa ginawa ng kambal niya.

" Pero seryosong usapan bruh, handa ka na bang makaharap ang past mo? Kasi i'm sure mabubuklat yun once na umuwi tayo. " Nagkibit balikat lang ako sa tanong ni Tricia. Hindi ko alam kung dapat ko pa bang sagutin ang tanong niya kasi honestly, two years na ang nakalipas and i'm pretty sure na naka moved on na ako. I'm contented with my life now at wala na akong pakialam sa past ko.

" Bruh, ikaw yata ang hindi maka get over sa past ko eh?! Obvious naman na okay na ako at handa akong harapin ang past ko kahit na hindi ko naman kelangan gawin yun. " Tiningnan lang ako ni Tricia at tila parang may gusto pa siyang sabihin sa akin pero alumpihit siya kung magsasalita ba siya or hindi.

" Bruh, i want to tell you something. " Parang hindi mapalagay si Tricia kasi obvious na natetense siya.

" What is it? " Tanong ko sa kanya. Ngumiti siya na parang hindi abot sa mata.

" Si Harley--- Nevermind! " Pinutol niya ang dapat niya sanang sasabihin sa akin na ikinainis ko naman. Anu ba kasi ang sasabihin niya na hindi niya masabi-sabi sa akin?

" Trish, since when did you lost your tongue? Say it to me, you know how i hate when people hiding something from me. I have a trust issue remember?! " Pinatong niya ang kamay niya sa ibabaw ng table at tumingin siya sa mga mata ko.

" Fine! Si Harley, boyfriend na ni Celine and they're planning to get married. Kahapon lang sinabi ni JL sa akin eh. So i thought, you might need to know kahit na past mo na siya. " Pagkarinig ko ng sinabi ni Tricia biglang tumahip ang dibdib ko at napakuyom ako ng palad ko. Buti nalang nasa ilalim ng table ang kamay ko kaya hindi nila nakikita ang pag kuyom ng mga palad ko. Ngumiti ako sa kanya at nag taas ng kilay.

Mr. Heartthrob meet Ms. ScholarKde žijí příběhy. Začni objevovat