Kabanata 49

2.9K 47 6
                                    

Kabanata 49 : EPILOGUE

Pagkadating namin sa lugar na sinasabi ni Sheena kung saan nando'n siya kasama si Rey nagulat nalang kami nang maraming tao ang nandito sa isang apat na palapag na building sa isang public market. Pagkakita namin sa itaas hawak ni Sheena si Rey at anytime puwede niyang itulak 'yong bata para malaglag.







"D-Darren... ang anak ko!" Bigla kong nakita ang pag-aalala ni Ehdrey kaya kaagad kaming lumapit do'n.







"Sheena! Nandito na ako kaya pakawalan mo na si Rey!" sigaw ko nang hiramin ko 'yong megaphone sa mga pulis dahilan para mapatingin siya sa direksyon namin. Nagkatitigan kaming dalawa nang makita niya ako. Pero mayamaya pa umiiyak na siya at tumatawa.







"Sa tingin mo, maloloko n'yo ako?! Papatayin ko 'tong bata!"







"D-Darren, nakikiusap ako sa 'yo, si Rey nalang ang natitira sa akin kaya please, iligtas mo siya," umiiyak na sabi ni Ehdrey.







"Like what I said, hindi ko mahahayaang may masaktan sa inyong dalawa. Dito ka lang at kakausapin ko siya." Pero aalis palang sana ako nang bigla niya akong hawakan sa braso ko kaya napatigil ako.







"Darren, mag-iingat ka. Ayokong pati ikaw may mangyari sa 'yong masama." Kaagad akong napaharap sa kanya matapos niyang sabihin 'yon tapos napangiti ako. Ibig sabihin nito nag-aalala rin pala siya para sa akin. Tumango nalang ako at tuluyan na nga akong umakyat sa taas.







Habang paakyat ako humingi na ako ng tulong sa mga tauhan ko kaya nakakasigurado akong maililigtas ko ang bata. May mga pulis na rin sa ibaba at handang masalo si Rey kung sakali mang ilaglag siya ni Sheena kaya ang dapat ko namang gawin ngayon ay ang aliwin siya.







Nang matungo ko kung saan siya naandon sumenyas lang ako sa mga pulis na ako nang bahala kay Sheena at sila naman ang bahala sa bata.







"Sheena!" Mabilis siyang lumingon sa kinaroroonan ko. Kita ko namang umiiyak si Rey. Nakatali ang mga kamay niya at hawak lang siya ni Sheena sa pamamagitan ng lubid kaya anytime puwedeng malaglag si Rey.








"Sheena, calm down. Ako naman ang kailangan mo 'di ba? Puwede mo ng pakawalan ngayon si Rey." Sinusubukan kong maglakad papalapit sa kanya ng dahan-dahan.







"Pakawalan?" Bigla niya akong binigyan ng may maamong mukha kaya tumango kaagad ako. Pero maya-maya pa bigla na naman siyang tumawa. "Sa tingin mo ba gagawin ko 'yon, Darren!?"






What the f*ck nababaliw na ba siya?







"Sheena, mag-isip kang mabuti, kapag ginawa mo 'yang bagay na 'yan, ano nalang ang sasabihin sa 'yo ng mga tao? 'Yong sa industriya na pinasok mo? Makakasama 'to sa career mo kaya please, kapalit ng bata ako nalang. You can take me somewhere basta pakawalan mo na siya."







"T-Talaga? Sasama ka na ba sa akin? Pakakasalan mo na ba ako?"







"Oo, pakakasalan na kita kaya 'yong bata ibigay mo na siya sa mga pulis. Kung gusto mo ngayon na mismo pakakasalan kita rito."







"G-Gawin mo talaga 'yon para sa akin?" Para naman siyang naging bata ngayon.







"Oo naman. But please, bitiwan mo na si Rey."'Di siya tumango pero nag-iisip na siya. "Sheena, don't think twice. Gusto mo ba'ng lumapit na ako? Kukuhain ko lang si Rey tapos magpapakasal na tayo ngayon dito."







When Our Destiny Breaks Apart (Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon