Kabanata 6

3.3K 77 2
                                    

Kabanata 6


Ehdrey's Point of View

"Ma'am, lumabas po kayo bilis! Bilisan n'yo ma'am!" biglang sabi ng ka trabaho ko. Pinapamadali niya ako sa hindi ko malamang dahilan. Pero dahil kinakabahan ako kung ano man 'yon, mabilis akong lumabas ng office ko. Pero nagulat ako nang sa paglabas ko bumungad sa akin dito ang mag-ama ko na may hawak na isang bouquet ng flower at gitara. Tapos kumakanta pa. Hinaharana ako ni Zyren samantala si Rey naman 'yong may hawak ng isang bouquet ng flower.











Pagkatingin ko naman sa paligid ko medyo nahiya tuloy ako kasi parang sila 'yong kinikilig para sa akin. Pero sino ba naman kasi ang hindi kikiligin sa isang Zyren Do? May matipuno itong pangangatawan, guwapong mukha, desenteng pananamit, at nakakaattract na itsurang pagkaPlayboy niya.











Ang guwapo pa rin niya talaga.











Napapangiti tuloy ako habang pinapakinggan ang harana niya. Nakakatuwa rin 'yong gitara kasi halatang bago 'yon dahil wala namang gano'n sa bahay namin. Maya-maya pa, inabot na sa akin ni Rey ang hawak nitong isang boquet ng flower. Habang kinukuha ko 'yon napapangiti ako at inaamoy ko.











"I love you, Baby," sambit ko sa hangin habang nakatingin kay Rey.











"Ako ba walang I love you?" sabi ni Zyren kaya napayuko ako habang napapangiti. Itinigil na niya ang pagharana at naghihintay ng isasagot ko sa kanya.











Naghihiyawan na rin itong mga katrabaho ko bukod sa ilang tao na naririto sa loob ng bangko. Kinikilig tuloy ako. "I love you," sambit ko dahilan para lapitan niya ako. Hinawakan niya ang kamay ko at hinalikan niya 'yon.











Napuno naman ng ingay dito sa paligid dahil sa ginawa niya. Matapos ang pagpapakilig dahil tapos na ang trabaho ko, pa-out na ako. Nagyaya si Babe na magfamily dinner date raw kami kaya na-excite tuloy kami pareho ni Rey. Simula kasi ng ipinanganak ko siya, wala naman kaming nakakasamang daddy niya na kumakain sa labas.











Karga ni Babe si Rey habang ako nakasakbit sa kabilang braso niya. Papasok kami ngayon sa isang Mall at fast food habang nagkakangitian sa isa't-isa. Di ko tuloy lubos maisip na sa kabila ng lahat ng pangyayari, at pagtataksil ko sa kanya noon magiging ganito pa kami kasaya ngayon.











Sobrang sarap sa pakiramdam na sa kanya mismo nanggaling na gusto niya ulit buuin ang pamilya namin. Pero pasalamat din talaga ako kay Sophia dahil ibinalik niya ulit sa akin si Zyren alang-ala kay Rey, sa anak namin ni Zyren.











Pero speaking of Sophia, hindi ako maaaring magkamali na siya 'yong binanggit ni Zyren kaninang umaga habang hinahalikan niya ako. 'Yon ang dahilan kung bakit nagalit ako kanina sa kanya.











Alam kong wala akong karapatan na diktahan siya pero it hurts for me na habang ginagawa namin ang bagay na 'yon sa kama si Sophia ang sasabihan niya ng I love you. Paano naman ako? Alam kong mag-asawa pa rin naman sila hanggang ngayon dahil sa papel. At sa tingin ko wala rin naman akong karapatang magalit sa kanya dahil ako ang dahilan kung bakit sila naging mag-asawa, kung bakit naging malapit sila noon sa isa't-isa.











Pero ang sakit lang kasi sa puso ko, sobrang tagos na gagawin namin ang bagay na 'yon pero si Sophia ang nilalaman ng isipan niya? Napalalim tuloy ako ng hininga. Gusto ko na kasi sanang kalimutan 'yon pero natatakot akong baka maulit lang ulit 'yong pangyayaring 'yon.











"Babe?" Bumalik sa pagkatao ko nang hawakan ako ni Zyren sa balikat ko. "Are you done eating?" tanong niya kaya mabilis akong tumango. "Kung gano'n puwede na tayong umuwi. Nakatulog na kasi si Rey." Sabay kaming tumayo. Hindi ko namalayan ang oras. Gabi na pala. Nasa mga bisig ni Zyren si Rey at tulog na tulog na 'to.











Nang nasa kotse na kami ako naman 'yong kumarga kay Rey habang siya 'yong nagda-drive. Mabilis naming narating ang bahay. Dineretso ko sa kuwarto inihiga si Re, matapos ko siyang palitan ng damit niya. Tapos no'n iniwan ko na siya ro'n sa kuwarto niya.











Nang pumunta naman ako ng kuwarto namin ni Zyren naabutan ko siyang nagbibihis kaya muli kong nasilayan 'yong matipuno niyang pangangatawan. Napalunok tuloy ako sabay lihis ng tingin. "Okay na si Rey?" tanong niya.










"Umh," maiksi kong sagot sabay tumango ako. Pumunta na rin ako sa harapan ng aparador at namimili ng masusuot ko pangtulog. Nang bigla kong maramdaman 'yong mga braso niya sa tiyan ko. Pumalapot ang mga iyon habang nakalagay ang baba niya sa balikat ko.











Tila naglalambing siya. Ito talaga 'yong na miss ko sa kanya. "Babe..." sambit niya habang patuloy naman ako sa pamimili ng damit ko. "Ano 'yong kinagalit mo sa akin kanina?" aniya kaya nagulat ako.








"Ha?" ani ko.











"Sorry, kung may nagawa ako." Napangiti tuloy ako sa paghingi niya ng tawad sa akin. Hindi pa rin siya nagbabago. Ganon pa rin talaga siya, sobrang malambing.











"Wala 'yon, Babe. Ikaw kasi ang bagal mo."








"Ha? Mabagal saan?" pagtataka niya. Niligaw ko kasi ang usapan. Minabuti kong 'wag ko nalang sa kanyang sabihin ang dahilan. Pero paglingon ko sa kanya, tila naintindihan niya agad 'yong pahiwatig ko sa kanya.








"So, mabagal pa ako sa galaw kong 'yon?" Isinandal niya ako sa aparador habang ang lapit ng mukha niya sa mukha ko kaya inilagay ko 'yong mga kamay ko sa batok niya. Nagkatitigan kaming dalawa. Sa tingin ko kailangan ko nalang panindigan 'yong pagsisinungaling ko. Tumango ako habang nakangiti kaya mabilis niya akong hinalikan. Mabilis ko ring tinugunan 'yon hanggang sa may nangyari na ulit sa aming dalawa.











Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


(Book 3)
Written by MsjovjovdPanda
2017 All Rights Reserved
Target readers: R-18

Votes | Comments | are highly appreciated

Thank you so much, JOVinians

— Miss Jov 💕

When Our Destiny Breaks Apart (Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon