Kabanata 13

2K 52 4
                                    

Kabanata 13



Ehdrey's Point of View

Kinabukasan, napahilamos ako ng palad sa mukha ko. Hindi ko na kinaya. 'Yong mga luha ko na mismo ang kusang gustong lumabas. Naiinis ako. Naiinis ako kasi bakit hindi ko mapantayan si Sophia? Bakit si Sophia ang laging naibubuka ng bibig niya sa tuwing gano'n ang gagawin naming dalawa sa kama?





Mauulit na naman ba ang nakaraan? Bumalik ba siya rito para lang saktan ako ng ganito? Ako ang pinili niya pero si Sophia ang iniisip niya. Kung sabagay mag-asawa pa naman sila hanggang ngayon sa papel. Wala akong laban. Wala akong magagawa. Wala akong kakayahan.






Nang biglang parang may papasok dito sa loob ng comfort room sa pinagtatrabahuan ko kaya mabilis akong pumasok ng cubicle. Hindi ako nagpahalata na umiiyak ako. Ayokong may makaalam sa ganitong sitwasyon ko. Ako lang ang mapapahiya at ako lang ang nakakahiya.







Gamit ang panyo kong hawak dito nalang ako napahikbi.








"Uy! Mare, may tsismis ako sa 'yo."






"Talaga? Ano ba 'yan, mare? Sige na, dali, makikinig ako."





"Uy! Basta, sa atin lang 'to ha?"





"Oo naman, mare. Ako pa ba?"





"Oh, ito nga kasing si ma'am Ehdrey."





"Si ma'am Ehdrey? Oh, bakit? Ano'ng nasagap mo tungkol sa kanya?"





"Oo siya. Ito na nga, alam mo ba nung umabsent ako nung nakaraang araw, nagpunta ako ro'n sa Mall malapit diyan sa postal. Tapos 'wag ka, nakita ko 'yong asawa ni ma'am Ehdrey na may kasamang magandang babae."





"What? Talaga? Sino naman 'yon?"





"Oo, tapos kasama pa nga 'yong anak nila. Pero ito ang mas nakakagulat. Alam mo ba'ng Do rin ang apelyido nung babae? Natatandaan ko 'yong pangalan no'n, e. Ano nga ba 'yon? Parang Sophie... Sophia... Sophia Zamora-Do yata. Oo, 'yon nga, mare!"





"Ay!Jusme! Ano'ng ibig sabihin no'n? At saka, paano mo naman nalaman ang pangalan niya? Baka naman kapatid o kaya pinsan lang."





"Ano ka ba, mare! Do'n sa kinainan nila sa restaurant, doon din kami kumain ng asawa ko, kaya nakita ko 'yong pangalan niya dahil do'n sa credit card. Mukha ngang yayamanin, e. Isa pa, may kapatid ba o pinsan na magkaholding hands, tapos mommy ang tawag ng anak niya ro'n sa babae?"





"Jusme! Parang isa lang ang ibig sabihin no'n, mare. Baka pinapalabas lang ni ma'am Ehdrey na anak niya 'yong bata? Hindi kaya?"





"Ewan ko rin, pero kasi tignan mo, hindi naman Do ang apelyido niya, Zapata 'di ba? Isa pa, hindi naman sila married? So, ano ang ibig sabihin no'n?"





"Jusko! Hindi kaya kabit si ma'am Ehdrey? Tapos na anakan lang siya ni sir Zyren?"





"Mare, ang gulo kaya. Mommy din ang tawag nung anak niya ro'n sa kasamang babae ni Sir."





"Kaya nga! Ay, naku! big issue 'yan, mare."






"Sinabi mo pa! Aksidente ko lang naman silang nakita. Ay, ito pa, napicturan ko 'yon, e."





"Talaga? Patingin nga."





"Oo, ito, oh! Ayan, tignan mo, magkaholding hands 'di ba?"





When Our Destiny Breaks Apart (Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon