Paano ba matuto ang mga ito kung hindi niya sinasaway? Sigurado ba silang may pumapasok ito sa mga utak nila?

Tumingin nalang ako sa harapan na kunwaring nakikinig sa discussion niya. Hindi rin ako nakikinig. Pero, Hello! Kahit hindi ako makinig.. alam ko yung tinuturo niya! Tinuturo na kasi sa amin yung discussion niya doon sa probinsya. Kaya medyo nagsasawa na akong pangkinggan ang sasabihin niya.

Nong breaktime na namin, sumabay lang akong lumabas sa mga kaklase ko. Susundan ko lang sila, dahil alam kung papunta rin yan ang mga yan sa canteen. At hindi nga ako nagkamali sa inakala ko. Pumila na ako sa may counter saka namili ng foods na kakainin ko. Hindi paman ako masyadong gutom. Kaya junkfoods at softdrinks lang yung binili ko.

Pagkatapos kung magbayad, umupo ako sa bakanteng upuan sa dulo ng cafeteria. Yung hindi mapapansin. Umupo na ako doon tsaka kumain... Habang kumakain ako, inilagay ko yung earphones ko sa tenga ko saka nagpatugtog at naglaro ng games sa phone. Pangpaubos oras lang naman itong ginagawa ko. Wala naman akong gagawin at kakapasok ko palang at wala pang nakilala. Kaya magsasoundtrip muna ako habang hinhintay yung bell.

Pero napahinto ako sa paglalaro ko ng mapansin kung may umupo sa bakanteng upuan na nasa harapan ko. Habang kinuha yung pagkain na binili ko kanina at kinain ito. Napaangat naman ako ng tingin at tiningnan ang bastos na taong gumawa non. Nakatingin lang ako sa kanya habang nakangising nakatingin siya sa akin at kinakain yung junkfoods na binili ko!

" Anong tingin-tingin mo? " maangas nitong tanong sa akin.

Mukha palang...nakakatakot na.. at hindi man lang siyang nahiya sa kinakain niya? Akin kaya yun.. kunti pa nga lang yung nakain ko e.

Tiningnan ko lang siya sandali saka, yumuko ulit at saka nagsimulang maglaro. Hindi pa man ako nakakatouch sa screen ng phone ko at hindi pa nakakalahati yung kantang pinapakinggan ko? Nang bigla akong hilain ng taong bastos na yun. Dahilan para mapatayo ako sa upuan at maalis yung earphone ko tenga ko.

" Kapag kinakausap kita..huwag mo akong yuyukuan. "  galit nitong sigaw sa akin.

Hawak niya parin ako sa braso. At sobrang sakit ng pagkakahawak niya. First day of school.. ganito agad ang mangyayari sa akin? Ang hanep nila ha. At ang tanga niya.. at ang bobo niya pa! Akala ko ayaw niyang tingnan ko siya? Eh, bakit nagagalit siya ngayon.. itinago ko yung phone ko sa bulsa ng suot kung jeans. At hinayaan siyang patuloy akong hilain, hanggang sa makarating kami sa gitna ng canteen.

" Sya ba yung tinutukoy niyong transferee? "  sigaw nito.

" Oo! Sya yun. Tingnan mo nga.. sya lang yung nagsusuot ng barusang damit? " sabi nong isa para magsitawanan sila sa sinabi nito.

" Turuan mo na ng leksyon yan. Para matuto. "

A-anong turuan ng leksyon? Wala naman akong ginagawa sa kanila ha. Sila nga dapat ang turuan ng leksyon dahil sa ginagawa nila sa akin ngayon.

Malakas akong binatawan nong lalake, dahilan para mapabagsak ako sa sahig.

" Gawin niyo na kung ano ang gusto niyong gawin. "  sigaw nito.

Naghiyawan naman yung mga tao sa loob ng canteen. At nagsimula na silang kumilos lahat. Napabuntong hininga nalanga ako at hinayaan sila na tapunan ako ng kung ano-ano... Tinatapunan nila ako ng inumin.. yung mga pagkain na kinakainin nila kanina. Meron pang mga nakakumot na papel. At kung ano-ano pa. Pero ang mas matindi...tinapunan nila ako ng isang baldeng tubig. Dahilan para magmukhang sisiw ako! Kulang nalang bigyan nila ako ng sabon at shampoo para makaligo na ako sa ginagawa nila.

Buong oras ako nakayuko, habang ginagawa nila yun. Pero ganun nalang ang pagtataka ko ng biglang tumahimik ang buong canteen? Kaya napaangat ako ng tingin, para tingnan kung ano ang nangyayari. At ganun nalang ang pagkakunot ng noo ko ng makitang nakatingin silang lahat sa dalawang lalakeng, naglalakad papunta sa deriksyon nong lalakeng nanghila sa akin kanina.

" What are you doing, Hugo? "

Narinig ko lahat na nasa paligid ko ay napasinghap ng marinig nila ang malamig na boses ng lalakeng kakadating lang. Kahit ako ay natigilan dahil sa lamig ng boses niya. Parang mas malamig pa ito sa yelo? Yung mga balahibo ko sa katawan ay biglang nagsitayuan ng magsalita siya.

Napatingin ako sa kanya at kay Hugo na tinatawag niya. Yung mukha ni Hugo, halatang kinakabahan dahil sa lalakeng nasa harapan niya. Kung kanina, maangas ito? Ngayon, para na itong aso na biglang natahimik, dahil pinagalitan ng amo niya. Yung lalake naman, hindi ko medyo makita yung mukha niya, dahil bahagya siyang nakatagilid sa akin.

" S-sandoval. "  nauutal nitong sabi. At halata sa kanya na nilalaban niya ang takot niya. Para magmukhang matapang sa harap namin.

" Answer my question, Hugo...what are you doing? "  seryuso at diin nitong pagkakasabi.

*sigh*  Sa totoo lang, wala akong planong makinig sa kanila. At wala akong pakialam kung ano ang ping-usapan nila. Kaya bago pa makasagot yung Hugo na yun. Umepal na ako sa kanila.

" Tapos na ba kayo? "  tanong ko habang dahang-dahang tumayo.

Nang makatayo ako ng maayos. Humarap ako sa kanila, dahilan para makita ko yung mukha ng lalakeng kakadating lang, na nakatingin sa akin.

Tsk! Yung pakialamero na naman. Naalala niyo pa ba yung nasa mall ako, at may nangholdap? Siya yung lalakeng sinabihan ako na "Use your gun to shot your target. "  sya yun. At nangingialam na naman siya ngayon. Pakialamero talaga!

" What did you say? "  medyo iretadong tanong nito sa akin.

Sinalubong ko yung tingin niya sa akin. Na akala mo, matutunaw ako sa pagkatitig niya.

" Ang sabi ko.. tapos na ba kayo? Kung hindi pa, pwede pa akong magstay dito. Pero kung oo! Pwede na ba akong umalis? "  tanong ko sa kanya.

Pansin ko naman yung pagkakunot ng noo niya na para bang nagtataka siya sa sinabi ko? Hay naku naman! Hindi niya ba naintindihan ang sinabi ko?

" Hoy! Babae. Tumahi-. " 

" You shut-up! Dahil hindi ikaw ang kinakausap ko. " pagpuputol ko sa sasabihin ni Hugo. Natahimik naman siya, at halata sa mukha niya na nagulat siya sa inasal ko.  Tingnan ko siya sandali, saka tumingin ulit sa taong nasa harapan ko.

" Ano nah! Magtitinginan nalang ba tayo dito? " tanong ko pa sa kanya.

At ng hindi siya sumagot agad. Kusa na akong umalis sa harapan nila. At walang pakialam sa mga taong nakatingin sa akin ngayon. Wala akong balak mastay doon noh. Lalo nat, ganito ang ayos ko?

Kinuha ko yung phone ko sa bulsa ng pantalon ko. At mabuti nalang hindi ito nabasa. Kaya matatawagan ko pa si Kuya...nakakailang ring pa, bago niya sinagot ang tawag ko.

" Napatawag ka, Kris. May problema ba? " tanong nito sa akin.

" Malaking problema! Kaya sunduin mo na ako ngayon din. "  inis kung sabi sabay baba ng phone ko.

Unang pasok ko palang dito. Ganito kaagad ang maabutan ko? Ano ba ang problema ng mga tao dito. May mga sapak yata sila eh. Pinagtatapon nila ako ng wala akong kasalanan. Eh, kung saktan ko kaya sila, para may dahilan sila kung bakit ginawa nila yun sa akin. Sa susunod na uulitin nila yung ginawa nila sa akin? Makikita talaga nila, ang dahilan kung bakit ako nagtransfer sa school nila.

Ang Probinsyanang PalabanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon