E

9.2K 513 42
                                    

"You like him don't 'you," a friend asked me once.

"Ha?" Natatawa pa ako. "Hindi ah, kadiri."

"Wooshoo! Sinong niloko mo?"

Napatitig ako sandali sa kaibigan ko. Gusto ko siya kutusan pero yung isang part, napaisip. Ako? Ako pa ang napaisip ng kaibigan kong to?! Pero sinong niloko ko? Sino nga ba?

Sarili ko.

Oo, niloloko ko ang sarili ko. Dahil nang malaman kong may iba kang gusto - pinipilit ko na ang sarili kong hindi kita gusto.

Ano ba naman kasi ang panama ko sa girl writer na kinahuhumalingan mo? Ano naman ang magagawa ko sa ganda nun kung simple lang ako? Alam mo kung ano ang lamang ko sa kanya? Siya, hindi tinitilian ng readers.

Ako, oo.

Pero aanhin ko ang pagtili ng readers kung siya naman ang gusto mo? Aanhin ko ang pagmamahal ng iba't ibang tao sa paligid ko kung ang gusto ko ay sa iba nahuhumaling? At sa akin mo pa ikukwento, bro? Gago ka..

"Lumayo ka kasi sa kanya," sabi ng echusera kong kaibigan.

"Lumalayo na nga!" sabi ko na dinagdagan ko agad ng, "hindi ko lang kaya."

I was fucked up. I knew that. Hindi ko nga alam kung ano bang nalaklak kong drugs o nakasinghot ba ako ng baygon at baliw na baliw ako sa'yo. Nananadya ka pa dahil sa akin mo kinukwento ang mga kalandian niyo ng girl writer na 'yan.

Ano bang nakita mo sa kanya?

Magkasing tangkad naman kami, ah?!

I don't mind being attached especially with you. I was more than willing. I was willing to fall hard. I was willing to crash. I was willing to catch you if you fall. But you never wanted to fall and be caught. By me atleast.

Sinabihan kita ng tangina nung sinabi kong mahal kita dahil nasasaktan na talaga ako. Pero tangina rin ako dahil kahit ginagago mo ang feelings ko, mahal pa rin kita.

  

~ ~ ~

NOTE: Click external link to read the other side of the story.

Seren | CollaborationWhere stories live. Discover now