R

10.3K 573 79
                                    

"Bro!"

Dati okay pa sa akin ang bro na word. I mean, anong mali d'yan, di ba? Tawagan lang. Endearment.

Then I started to hate that word when when you called me bro.

Ikaw: Bro na lang tawagan natin!

Ako: Ahehe, okay.

Noong una, okay lang sa akin. Ang cool kaya. Kinikilig ako sa tuwing tinatawag mo akong bro. Kapag nagtutweet ka tungkol sa 'bro', alam kong ako 'yun. It was some kind of our own endearment. Our little secret. Pero pagtagal, naiirita na ako. Inabuso mo ata ang tawagan na 'bro'?

Anong akala mo sa akin, TOMBOY?! I am not. Pero hindi ka tumigil nung sinabi kong ayaw ko na nang tawagan natin. Parang sinasadya mong tawagin akong 'bro'. Para asarin ako. Para ipamukha sa akin na 'bro' mo lang ako.

Then malalaman ko na lang na may mga babae kang kausap sa twitter.

Alam mo ang masakit? Close kayo. Alam kong tulad natin, hindi rin kayo magkakilala sa personal. Nagkakilala lang kayo sa online world. Paano ko nalaman? Oh please. Alam mo namang inaalam ko ang lahat tungkol sa'yo.

As if hindi mo alam. Maang-maangan.

I could remember the first time she tweeted you. Two years ago.

LiL_MhALDitAh
Hi Kuyaaaaaa!! Kamusta ka na? Ang tagal mo pong mag update, namimiss na kita ahihihi.

Malandi.

Inabangan ko ang reply mo. I was waiting patiently kung ano ang sasabihin mo. Nung nagtagal ng isang oras, I was all smile. Naisip ko, hah. Hindi pinansin ang malandi.

Pero ang nakakatawa?

Nagreply ka after.

Bhozxzsx_MapaqmahaL024
Sorry late reply. Sige mag update ako. Malakas ka sa akin eh ;)

Tungunuh?

Anong kalokohan 'yun? Paki sabi nga sa akin? Hindi ko magets koya. Anong kalandian ang nabasa ko? Sinasadya mo, eh no? Sinasadya mo talaga akong saktan. Sinasadya mong ipakita na andito man ako o wala, may ibang babaeng lalandi sa'yo.

Kinagwapo mo 'yan?

Oo nga. Gwapo ka nga. AND SO?!

Just like the word bro, I hated you. Yet I love you. So. . . so much. What the hell did you do to me, bro?

  

~ ~ ~

NOTE: Click external link to read the other side of the story.

Seren | CollaborationWhere stories live. Discover now