CHAPTER 38: Preparation

Start from the beginning
                                    

--------------

Rea's POV

AYOS may game ulit ang Jaguars, pera na naman ito. Balita ko sa Adaipmil University din gaganapin ang game. Hmmm kung magtinda kayo ako sa loob ng gym ng hopia, mani, mais, popcorn? Aba ayos 'yon dagdag kita.

BZZZZZZZZZTT

Biglang nagvibrate ang Nokia 3210 ko. Oo meron pa rin nito, feeling ko nga ako na lang sa mundo ang gumagamit nito e. Feeling ko lang naman.

Wag nyong tawanan ang cellphone ko, kahit luma na 'to karamay ko 'to sa lahat ng oras. Di ko nga lang nilalabas kapag kasama ko si mylabs, baka kasi ma-turn off, tatlong taon ko kaya 'yon tinurn on tapos mao-off lang?

Binasa ko kung sino ang nagtext, baka isa sa mga client ko. Naks lakas maka-client 'no? Tama nga ako isa nga sa mga kliyente ko.

From: Joys

Ui Rea, 'asan ka na? Ang handouts ko?

Aba maghintay ka, naglalakad pa ako ngayon papunta sa gym, aba syempre gusto ko munang makita si Johnny mylabs ko para kumpleto ang araw.

Di ko na sya ni-replyan, magkikita din naman kami sa room. Tinitipid ko nga ang load ko para kay Johnny mylabs ko kaya snobera ako sa text.

Teka tama ba ang nakikita ko? May mga nagpa-practice na ng cheerings? Ang alam ko suspended ang mga cheerers kasi nakipag away sila before the game of Jaguars last time kaya nga wala kaming kasamang cheering squad nung time na 'yon e, dahil wala sila.

I think, bad news ito para sa'kin, baka hindi na magpa-cheer ang jaguars sa'kin dahil andyan na ang cheering squad ng Montereal University. Anak naman ng tokwa o!

E kung awayin ko silang lahat para masuspend ulit sila? Teka, edi nasuspend din ako? Langya bawas kita ang mga babaeng ito sa'kin ngayon.

Di ko na lang sila pinansin, nagtuloy tuloy na lang ako sa paglalakad, mauuna kong madadaanan ang Jaguars headquarter bago ang gym. Pero sa gym na lang ako tumuloy. Pagpasok ko sa loob si coach lang ang nandito.

"Good morning Coach!" masayang bati ko.

"Uy! Rea Good morning din!" bati din nya, maya maya pa narinig ko na ang ingay ng jaguars, hanggang sa makapasok sila dito sa loob.

"Wohohohoy! Hello Rea, good morning!" bati nila sa'kin. Ngumiti lang ako sa kanila, mamaya ko na sila chichickahin si mylabs muna. Asan na ba 'yon?

Maya-maya pumasok na din sya kasabay si Joel. Tae eto na naman ang puso ko nagkakagulo, parang nagslow-mo pa ang pagpasok nya.

I smiled at him nang makalapit sya.

"Hinihintay mo ako mylabs?" tanong nya, after nya akong i-kiss sa pisngi. Takte kinikilig ako.

"Isa na lang naman ang hinihintay ko mylabs, ang maging parents ko din ang parents mo." Biro ko.

"Anak ng walang kupas ang mga banat ni Rea oh! hahaha kasalan na 'yan" sigaw ni Tristan. Narinig pala nila.

"Hoy Spencer oh gusto na daw maging parents sina tita! hahaha" sigaw naman ni Alfred.

Tiningnan ko si mylabs ko, seryoso ang mukha nya. Anong nangyari dito?

"Mylabs, okay ka lang?" tanong ko, tapos bigla nyang tiningnan yung sapatos ko. Yumuko naman ako para tingnan din 'yon, I wore rubber shoes pink, bigay lang to ni Hannah sa'kin.

Nagulat ako ng bigla syang umupo at hawakan ang sintas ng sapatos ko.

"Can I tie your shoes 'cause I don't want you falling for anyone else." sabi nya habang nakatingala sa'kin at nakatingin sa mga mata ko. There is a smile on his lips.

Kiss Back And You're Mine (PUBLISHED under PSICOM)Where stories live. Discover now