(11:30 pm)
@ Resto Pub in Makati
"Hoy! Si gaga nakarating narin sa wakas!" - Sigaw ng kaibigan kong lasing na si Rian.
Oo, gaga ang tawagan naming mag babarkada tuwing mga lasing na kami.
Buti na nga lang ako hindi pa. Kakarating nga lang kase diba?
"Lasing na agad 'tong si bruha? Hina mo naman!" - Sabi ko sa kanila ng umupo ako't nagbukas ng isang beer.
"Eh paano ba naman, yung jowa niyang si Kyle, nakipag break na sa kanya." -Sabi ni Lara. (Isa ko pang ka barkada.)
"Eh diba... kaka celebrate lang nila ng monthsary nila last week?" - Tanong ko.
"Nako, di ka pa ba nasanay diyan kay Rian? Mamimili na nga lang ng jojowain, yung mga fuckboys pa." - Sagot naman ni Ana. (Kabarkada ko rin.)
"Nako, di niya na kasalanan 'yon. Yung may kasalanan talaga eh yung mga putang inang mga lalakeng 'yon!" - Sigaw ko sa galit.
"Haha oo nga... hoy... hehe... pahingi pa nga ng beer diyan oh..." - Sabi ng lasing na si Rian.
"Gaga, andami mo ng nainom. Anong balak mo? Ubusin yung beer supply nila dito ha?" - Sagot ko sa kanya.
"Wag mo ng kausapin 'yan. Eh, lasing na nga diba? Wala na sa sarili yan." -Ana.
"Alam niyo, i uwi na natin yang si bruha." - Lara.
"Hindi pa nga ako nakainom pero, sige na nga. Baka may tumira pa dito kay Rian eh." - Sabi ko sa kanila.
At ng nagbayad na kami, sabay sabay kaming tumayo at nagtulungang buhatin 'tong sabog na si Rian.
Dahan dahan namin siyang ilinakad papunta sa coche ni Ana...
.
.
.
"Oh Ana, ikaw na bahala diyan kay Rian?" - Tanong ni Lara.
"Sanay na akong i uwi 'to sa kanila. Lagi naman kasi siya ang nalalasing ng sobra sa huli. Mahina talaga." - Sagot ni Ana.
"O sya, mag ingat kayong dalawa sa daan ha?" - Payo ko.
"Sige. O paano, mauuna na kami." - Sabi ni Ana ng i beso niya kaming dalawa ni Lara.
"Mauuna narin ako mga bakla. Ingat rin kayo sa daan at make sure..." - Lara.
"Huwag papahuli sa pulis." - Dugtong ko.
At kaming lahat ay nagsi pasukan sa aming mga coche at nag drive papauwi...
Nakalimutan ko nanaman i pakilala and sarili ko...
Anyways, I'm Claire Soriano, currently 21 years old and studying in a International University in Manila.
Kilala rin nga pala kami ng mga kabarkada ko sa school as the "Mga napabayaang rich kids".
Which is sort of true for my opinion kasi... ayun nga... mahilig kaming mag party, uminom (pero no drugs), makipag hiritan with other boys and so on...
All of us don't really care about what people think of us kasi... first of all, it's just a waste of time. Secondly, we're so rich that people wouldn't even want to get close to us. (As in, Dumikit sa amin.)
So ayon, basically... we're all just living our lives. Spoiled na kung spoiled pero...
As we get older...
Mas marami kaming bad situations na na e'encounter.
Tulad ng breakups and...
Breakups ulit.
Lahat ng mga tao, iniisip na siguro, kaming mga anak ng mayayaman laging masaya.
When in reality...
Kami rin ang pinaka nakakadama ng lungkot. Which makes us to do things we're not supposed to do.
Tao parin naman kami. We still feel emotions. Sad or Happy? We feel them.
Anyways, ang dami ko ng naikwento. I'll just talk more about our lives later on...
Sige na.
.
.
.
To be continued...
========================
(Author)
Hello sainyo! First of all, just to make things clear, hindi po ito real life story. Again, made up lang ng aking utak haha. Ako as the author myself, hindi ako mayaman. Average lang.
•Disclaimer•
Hindi ko po sinasabi na lahat ng may mga kaya ay ganito ang mga ugali. To be honest, I also have so many friends who have parents na may kaya pero, sobrang bait nila at hindi mayayabang.
So ayon, I'm not trying to offend anyone as well. If you don't like this type of stories then, you can just read my other stories. ( WOW. Shameless self promo talaga? Haha.)
So yea, hope you guys enjoy reading this and remember, to just keep on achieving your goals yieee!
