Chapter 6 - AGENT MIDORI (The other side of Marianne)

382 6 9
                                    

CHAPTER 6 – AGENT MIDORI (The other side of Marianne)

 Tumango si Sicarius bilang senyas na sumugod na kami. At gamit ang Beretta 92 pistol ko, Binaril ko sa puso ang isang tauhan ng drug dealer dito.

(KY's note: Sicarius is a genus of venomous spiders, the best known being the six-eyed sand spider of southern Africa. It is also commonly known as assassin spiders for the relatively quick catching and killing of their prey.

-Thank you Wikipedia XDD)

Nakatago kami sa likod ng mga malalaking kahon dito. Nasa pier kami ngayon at tinutugis ang mga punyetang drug dealers na toh.

Dahil sa mga ugok na toh kaya hindi ako nakapagpahinga ngayong gabi. Nyeta kakapagod maging teacher.  Di ba pwedeng pag uwian na ng mga estudyante uwian nadin namin? NO! Kase kailangan mahuhuli pa kami. Asar lang! Tama na nga daldal, Bakbakan na!

Isa pang kasama nila ang binaril ko. At dahil dalawa na ang nababaril ko lumabas na kami Sicarius. Ngumisi kami.

Nang Makita kami, ngumiti nang mapang asar ang pasimuno sa operasyon. Mga nasa bente palang age niya. Imperness, Mukhang tao naman kesa sa ibang nakaenkwentro namin ni pakner.  Sa tingin pa lang niya sakin, Alam ko na na minamaliit niya ang aking kakayahan. Alam ko maliit ako pero hindi naman kailangan pati kakayahan ko maliitin diba? -________-

May mga tauhan na pumalibot samin ni Sicarius, sa bilang ko mga nasa 20 sila. Tsss -____________- Wala lang samin yan ni pakner! Kami pa >:D<

May isang sumugod sakin. Sinuntok ko siya sa tiyan at pinilipit ang leeg. Tumba. May isa pang sumugod susuntukin ako pero nasalo ko ang kamao niya.  Sinuntok ko ang kamao niya sa susugod sana sa likod ko. Mga walang binatbat! Mga sampo ang sumugod sakin at ganun din kay Sicarius.  Walang ka effort effort lang naming pinatumba ang mga yon.

“Tch! Mga walang kwenta naman ang mga tauhan mo Garcia!” sabi ni Pakner kay Garcia habang nakangisi. Mukhang mataas na tao din ang kadeal nito dahil wala man lang pangamba ang nakikita sa mukha nito pero obvious naman yon sa kanyang mga mata. Tss. Ulul! Pasimple pa, takot din naman.

Ngumisi lang din naman si Garcia at tumango sa dalawang malaking tao. Sa pagtango niya, Tinaas nila ang Armalite at pinaputukan kami. Syempre alangan naman steady lang kami don diba? Syempre inilagan namin ang mga bala non!

Sa pag ilag ko nilabas ko rin ang baril ko at pinatamaan sila. Mga mababagal sila hindi man lang nailagan.

Dun na naalarma si Garcia at tumakbo kasama ang ka deal niya.  I chuckled. Tatakbo pa sila, Mahuhuli din namin sila. Mga tanga.

Hinabol nadin naming sila hanggang sa nakarating na din kami sa daungan ng  mga barko. Sa dulo ay wala na, pag umatras pa sila, laglag na sila sa dagat.

“Wala na kayong tatakbuhan pa Garcia.” Sabi ko habang papalapit sa kanila.

Walang anu-ano ay naglabas ng baril si Garcia at itinutok samin. Ngumisi lamang kami ni Sicarius.

“Wag kayong lalapit!” sabi ni Garcia. Nasa information niya na gumagamit din ito ng mga pinagbabawal na gamot kaya siguro ganyan na siya magpanic. Tss. Nasisira na ang utak niya.

Naglabas ako ng dalawang shuriken at pinatama iyon sa dalawang binti din ng kadeal ni Garcia.Napaluhod ito.

 At nang nakita ni Garcia ang kasama niya, Binalik niya ang tingin sakin at pinaputok ang baril. Nakailag naman kami ni Pakner dun. Sunod naman ay binaril ko ang binti ni Garcia at nang mapaluhod siya lalo akong lumapit sa kanya at sinipa ang kanyang kamay na may hawak na baril. Pagsipa ko nun ay tumilapon ang baril sa dagat.

Kinuha ko ang posas at pinosas ang kamay ni Garcia at ganun din ang ginawa ni Sicarius sa nakadeal ni Garcia.

Hindi pa pwedeng patayin si Garcia dahil itatanong ko pa sa kanya kung sino ang pinakaboss nila.

“Tsk.. Tsk.. Sabihin mo Garcia kung sino ang boss niyo at nang hindi ka na mahirapan pa.” sabi ko habang sinasabunutan ang kanyang buhok.

“Wala kayong makukuhang kasagutan sakin” Pumipiglas pa siya sa pagkakahawak ko sa kanya. Sinuntok ko ang niya.

“Hindi ka magsasalita?” tanong ko sa kanya. Si Sicarius naman ay nanunuod lamang na may konting amusement sa mukha.

Ayy! Hindi nga nagsalita ang loko.

Kinuha ko ang knife ko na may nakaburdang “MIDORI” at itinapat ito sa mukha niya. Nanlaki ang mga mata niya sa pagkakakita dito.

“M-m-Midori?” mahinang pagkakasabi niya at tumingin sa mga mata ko. Lalo siyang nagulat dahil nakita niya ang mga mata kong green.

“The one and only.” Ngumiti ako sa kanya ng matamis at sinaksak na siya.

 Lumapit naman na ako kay dela Merced (ang kasama ni Garcia sa drug deal na to) at tinutok ko naman sa pisngi niya ang knife ko.

“Diba matalik kang kaibigan ng Boss nila, Sino siya?” tanong ko.

“HINDI KO SASABIHIN.”  Ngumisi pa ito. Dahil wala narin akong mapapala sa kanya, sinaksak ko na din siya.

Bago pa ito tuluyang malagutan ng hininga ay may binanggit siya. “S-sea Sn-nake” at nawalan na siya ng malay.

Sea Snake? Ano ang ibig niyang sabihin don? 

Inalis naman na naming ang posas nila. Bahala na mamaya ang mga tauhan ng agency para linisin ang mga naiwan namin.

Bumalik na kami sa sasakyan ni Pakner. Isa na lang dinala naming sasakyan para hindi na hassle. :3

“Bakit pa kasi kailangan isama pa ako? Yakang yaka mo naman tong mission na toh.” Sabi ni Sicarius habang nakangiti.

“Yaan mo na pakner. Bilib ka naman na masyado sakin!”

“Yabang mo talaga Pakner.” Iiling iling na sabi niya. Gwapo talaga ni pakner kaya medyo crush ko yan e! Uy, secret lang yon! Kras lang yon XD

SOMEONE’S POV

Agent Midori…

Umiling iling habang nakangiti ako at tinitingnan ang information ni Midori. Masyadong Classified. Magaling magtago ng mga impormasyon ng kanilang agents ang JDM Agency.

“Ano ang balak mo sa kanya Boss?”  

“Wala pa sa ngayon. Maghintay ka lang muna.” Sabi nang may malademonyong ngiti sa aking labi.

Maghintay ka lang Midori. Magkikita din tayo..

KY's note: Tenenennnn~ MIDORI means GREEN in Japanese :)

HI ate BABE CHUBBY! :D May madilim kang side huh XDD HAHAHA! :)

 Sana nagustuhan niyo kahit puchu puchu lang yan XD 

Goodnight! :) Nood pa ko Shugo Chara >:D< IKUTO♥

Holding On To A Stranger's PromiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon