Epilogue

3.9K 106 15
                                    

Epilogue:

Napangiti si Kathryn nang makita ang isang pamilyar na likod na naglalakad. Nakasuot ito ng school uniform na kaparehas ng sa school nila. Madali siyang tumakbo papunta sa taong iyon at inakbayan ito saka sunod na ginulo ang buhok nito. Mas lalo pa siyang napangiti dahil nakasalamin lang ito at walang kaayos ayos ang buhok. It is Dale. Si Dale na nakilala niya noon. Balik na ulit ito sa dati: studious at walang pakialam sa looks.

"Hindi mo man lang ako sinundo sa 'min," reklamo ni Kathryn.

"Required ba 'yon? Hindi ka naman chicks kaya hindi. Mauna na nga ako. Ang aga aga, reklamo mo na naman ang naririnig ko."

Nagmadaling maglakad si Dale pero agad rin siyang hinabol ni Kathryn. Kumapit siya sa braso nito ng mahigpit.

"Gusto ko lang naman sabay tayo eh. Naglalambing lang ang best friend mo sa 'yo kaya wag mo akong sungitan."

"Hindi na kailangan. Sanay na 'ko sa 'yo. Ano ba ang kailangan mo at ganyan ka?"

"Wala. Na-miss lang kita. I'm just trying to make up for the times na ibinubuhos ko kay Keano lahat ng oras at pagtingin ko. Oha, may english 'yon!" proud na proud na sinabi ni Kathryn.

"Baliw."

"Parang ikaw lang. Tara na nga. Late na kaya tayo!"

"Ikaw kasi eh. Bilisan mo nga!"

Hinawakan ni Dale ang kamay ni Kathryn at sabay silang tumakbo papasok ng school. Sobrang saya niya at nakangiti siya habang tumatakbo at ganoon rin naman si Dale. Everything is back to the way it used to be. Normal na ang lahat.

Friendship or love? Noon, I'll go for love pero ngayon, friendship is all that matters to me. Masaya na ako sa ganito. Dale is my best friend, crush and the one I love.

Masaya na si Kathryn sa setup nila and she can't even ask for more. Mahal niya man si Dale ng sobra pa sa kaibigan o kapatid, sapat na ang natatanggap niya na care at love mula rito so she couldn't ask for more. Hindi niya na kaya pang magrisk dahil baka kapag ipinilit niya ay mawala pa ang taong pinakamahalaga sa kanya, ang best friend niya.

Mahalaga man sa kanya ang love na hinahanap sa mga boyfriend, mas matimbang naman sa kanya ang friendship nila. Friendship na kailanman ay hindi mawawala sa kanilang dalawa. Friendship na hanggang sa pagtanda at pagkamatay nila ay madadala pa rin nila.

Minsan niya ng ipinaglaban ang pagmamahal sa kaibigan pero ngayon, kontento na siya sa kung ano ang mayroon sila. Who knows? Maybe, sila talaga ang para sa isa't isa. Bata pa naman sila at hindi pa minamadali ang mga ganoong bagay lalo na at parehas pa silang nag-aaral. Kung sakali man na dumating pa iyon, bonus na 'yon pero kung hindi man, okay lang din sa kanya.

Lovers? Hmm...

"Love, bilisan mo. Ang bagal mo naman eh," reklamo ni Dale.

Napangiti si Kathryn doon. Kung noon ay 'panget' ang tawagan nila, 'love' na ngayon. Ilang buwan na rin ang nakalipas at sa ilang buwan na 'yon, nabuo ang pagmamahal nila sa isa't isa ng sobra pa sa magkaibigan at mas lalong lumago at lumalim ang pagkakaibigan nila but in spite of that, they chose to be friends. Friends which could turn to be lovers... Well, not now but maybe in the right time.

Yes, I got friend zoned but at least I have my happy ending.

THE END.

Author's Note:

Salamat po sa mga sumuporta sa story na 'to mula pa noong umpisa hanggang sa ngayon na tapos na 'to. :) Sana po ay nagustuhan niyo ang story. Salamat sa mga nagvvote at nagcocomment. Sana patuloy niyo pong suportahan ang mga stories ko. Kung hindi niyo pa nababasa ang iba, feel free to read it here on Wattpad o kaya naman bumili kayo ng book to show your full support. :) Sana din po ay abangan niyo ang mga susunod ko pang mga kwento. Light lang ang story na 'to kaya medyo iba 'to sa other stories ko pero may nagbasa pa din.

Special mention pala kina ImLovelyPink, White_Amethyst, hubbychu_20, Chaselyn and bkeiram28. Sila yung mga masisipag na magcomment sa buong story na to. Nakakatuwa lang kaya salamat sa inyo! :)

I posted a new story entitled Satisfying Needs. Here is the link: www.wattpad.com/64330056-satisfying-needs-prologue Ito na po ang bago kong pagkakaabalahan na story ngayon. :)

-aine_tan

Friend Zone (finished)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon