[ 11 ] Reason

3.4K 74 8
                                    

Chapter 11: Reason

Magkasama ngayon sina Keano at Dale sa bahay nina Keano. Niyaya niya ito dahil wala silang pasok sa sunod na araw. Dahil bagong kaibigan, mas gusto niya itong makilala at ganoon rin ang gusto ng mga kaibigan niya. Nasa sofa sila ngayon at nanonood ng tv habang hinihintay ang iba nilang mga kaibigan.

"Matanong ko lang, pre. Anong nangyari sa inyo ni Kathryn?" out of nowhere na tanong ni Keano.

Kanina pa ito curious tungkol doon pero ngayon niya lang naisipan na magtanong dahil tahimik si Dale. Alam niya naman na hindi talaga ito madaldal kapag hindi ito kinausap o kaya hindi ito interesado sa pinag-uusapan. Isa pa, may iba kay Kathryn na gusto niyang malaman. Gusto niya itong makilala pa pero hindi rin naman siya nito binibigyan ng pagkakataon na gawin 'yon at itinulak lang siya nito lalo palayo kaya siya na mismo ang nagkusa na lumayo dito dahil baka galit ito sa kanya at nakukulitan na sa mga pinaggagawa niya. Hindi rin kasi siya ang tipo ng tao na mahilig manggulo ng buhay ng iba at para sa kanya, hindi cool 'yon kaya itinigil niya.

"Wala 'yon," pag-iwas ni Dale sa tanong nito.

"Nag-away ba kayo? Parang inis na inis ka sa kanya eh. Hindi rin kayo nagpapansinan pero napapansin ko na palagi siyang nakatingin sa 'yo. Halos isang linggo na kayong ganito."

Sasagot na sana si Dale sa tanong ni Keano pero napansin niya ang kakaiba sa pagtatanong nito. Concerned na concerned ito kay Kathryn at pati ang mga kilos nito, napapansin niya na.

"Pre, may gusto ka ba kay Kathryn?"

"Wala."

"Bakit ganyan ka na lang makatanong tungkol sa kanya?"

"Curious lang ako. Palagi kayong magkasama pero ngayon ang layo niyo sa isa't isa."

"'Yon lang ba talaga ang dahilan?"

"Oo naman."

"Bakit mo napapansin ang galaw niya?"

"Kailangan ko ba talaga sabihin 'to sa 'yo, pre? Interesado ako sa kaibigan mo. Hindi dahil may gusto ako sa kanya pero gusto ko siyang makilala."

"Bakit mo siya hinalikan? Alam mo ba kung ano ang mararamdaman niya sa ginawa mo?"

"Hindi ko alam na may gusto siya sa 'kin."

"Pero bakit mo ginawa 'yon?!"

"Kasi may pinagseselos ako."

"Ano?! Ginagamit mo lang siya?!"

"Pre, ganyan ka ba ka-apektado?! May gusto ka ba sa kaibigan mo na 'yon?!"

Natahimik doon si Dale. Sa pagkakarinig niya, ginamit lang nito si Kathryn pero para kay Keano, hindi naman iyon ang nangyari. Wala lang talaga siyang choice noon.

*flashback*

Magkakasama na kumakain sina Dale, Keano, Ayie at Kathryn sa party. Tahimik lang silang apat na kumakain doon at habang tumatagal ay mas lalong nagiging awkward para sa kanila.

"Excuse me. I have to go to the comfort room," pagpapaalam ni Ayie.

Pagkatayo ni Ayie ay nagpaalam din si Kathryn at sinundan ito doon. Naiwan doon sina Keano at Dale pero tahimik pa din sila.

"Bagay sa 'yo ang ayos mo, pre." sabi ni Keano kay Dale.

"Sa 'yo din," tipid na sagot nito.

"Want to hang out with me and my friends? Para naman hindi ka laging nag-iisa."

"Hindi naman ako mag-isa dahil lagi ko naman kasama si Kathryn."

"May gusto ka ba sa kanya? May kung ano ba na namamagitan sa inyo?"

Friend Zone (finished)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon