[ 15.1 ] Offer

2.9K 73 14
                                    

Chapter 15: Offer

"Anak. gising na. Male-late ka na sa klase mo," sabi sa kanya ng Mommy niya.

"Inaantok pa ko, Ma. Five minutes pa."

Napuyat si Kathryn kakaisip. Kahit na pinipilit niyang matulog at masakit na ang mata niya noong nakaraang gabi, di naman siya makatulog. Umaga na nang makatulog siya kaya naman antok na antok siya ngayon kahit na alas-dose ng tanghali ang klase niya. Alas onse na din kaya naman ginising na siya.

"Sigurado ka ba dyan? Mamaya hindi ka magising."

"Kapag hindi ako nagising, di na ako papasok sa una kong klase. Sige na, Ma. Iwan mo na ako dito."

"Batugan ka talagang bata ka! Tumaas lang ng kaunti ang grades mo, naging kampante ka na."

Lumabas na doon ang nanay niya at nginitian lang nito si Dale. Pumunta ito sa bahay nina Kat para sabay sila na pumasok sa school.

"Ayaw niya pa rin bang gumising, tita? Baka ma-late kami nito."

"Ewan ko ba sa batang 'yan kung ano ang pinagkapuyatan at hindi pa din bumabangon. Mauna na ako at ikaw na gumising sa kanya. Baka magbago ang isip kapag nakita ka."

Pagkaalis ng Mommy ni Kat ay pumasok si Dale sa kwarto ni Ayie at hinila nito ang kumot. Naasar doon si Kat kaya napabangon siya pero nanlaki ang mata niya nang makita si Dale. Ang akala niya ay Mommy niya iyon at pinipilit siyang gisingin. Agad siyang napatakip sa mukha niya.

"Bangon na. Baka ma-late pa tayo nito eh,"

"Anong ginagawa mo dito? Labas!"

Humiga ulit si Kat at nagtakip ng kumot. Hindi niya maintindihan kung bakit pero nakaramdam siya ng hiya kay Dale. Sanay naman siya na ginigising nito at nakikita sa oras na pinakapanget siya pero iba ang nararamdaman niya ngayon. Para bang ibang tao si Dale at ayaw niya na makita nito kung gaano siya kapanget tuwing umaga.

"Bangon na, Kat!"

"Lumabas ka na muna. Babangon na din ako maya maya."

Napakamot na lang ng ulo si Dale. Kilala niya si Kathryn at kapag sinabi nito na maya maya, aabutin pa ito ng tatlumpung minuto o mahigit pa. Mukha nga naman kasi itong puyat na puyat.

Hindi rin siya maaaring ma-late. Ayaw na ayaw niya na nalelate sa klase at sigurado siya na magtataka si Ayie kapag hindi siya nakapasok ng maaga. Palagi kasi siyang nauuna na pumasok dito at siya ang naghahanap ng pepwestuhan nila sa classroom.

Friend Zone (finished)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon