Chapter 10

755 20 1
                                        

Nicolette ~

Para akong nabuhusan ng mainit na tubig. Diring-diri ako sa nakikita ko!

Kaya pala dinala ako ni Zian rito ngayon alam ko na kung bakit.

Pero wala na kami ni Seth diba? Bakit masakit parin?

"N-Nicole.." Bakas sa mukha niya ang kaba, gulat at takot ng nakita niya ako.

Aakmang hahawakan niya ako ng umatras ako. "Don't touch me!"

"Kawawang Nicole! Bye bitch!" Sabi ni Natalia, hinila ko ang buhok niya napa-aray naman siya.

"Ikaw ang bitch! Hindi ako! Nakakadiri ka nakakadiri kayo!!" At umalis na ako don tapos hinabol ako ni Zian.

Mga walangya mabuti nalang talaga at naghiwalay kami ni Seth, akala ko iba siya sa lahat gago rin pala!

Huminto ako sa malaking puno hindi ko alam kung bakit ako umiyak, siguro sa galit?

Dahil walang tao sumigaw ako. "Aaaaahhhhh!!"

Alam kong nakatingin sa akin si Zian. Nilingon ko siya.

"Naaawa kaba sa akin?" Sabi ko.

Pero nagulat ako sa ginawa niya ang yakapin ako ng mahigpit sa mga oras na ito para kaming tao lang sa mundo.

Tumibok ng husto ang puso ko, niyakap ko siya pabalik.

Dinama ko 'yon nakakadala ang bango niya. Kumalas na ako at biglang nag-init ang pisngi ko.

Ngayon lang akong nahiya. Narinig kong tumawa siya ng mahina.

"Aba't!" Hinampas ko siya sa balikat.

"Para-paraan ka talaga." Sabi niya, gusto kong malaman bakit nag-iba si Zian. Lubos-lubosin ko na tutal nandito rin naman kami diba?

"Umamin ka nga Zian anong nakain mo bakit nagbago ka yata? Crush mo na ako noh?" Panunukso ko.

Ibubuka ko pa sana ang labi ko ng mabilis niyang hinalikan ang pisngi ko at dahil sa gulat nakanganga ako.

Ano yon?

"Ginayuma mo ako noh?"

Lokong 'to ah!

"Hoy ang kapal ng mukha mong bakulaw ka!" Singhal ko.

He frowned. "Bakulaw? Kailan pa ako naging bakulaw?"

Natutop ko ang bibig ko kami lang dalawa ni Fiola ang may alam sa bakulaw thingy na 'yan.

"Dyan ka na nga!" Iniwan ko na siya bahala siya sa buhay niya!

Masaya ako sa ginawa ni Zian.

"Hoy saan ka galing Nikolya!" Sabi ni Fiola ng makarating ako sa classroom kanina pa niya ako hinanap.

"Mamaya na tayo mag chika bes!" Sita ko sa kanya.

She rolled her eyes. "Fine!"

Sinabi ko lahat kay Fiola pati siya ay nandidiri, nong pumasok si Natalia ay parang wala lang sa kanya ang nangyari.

"Bes, dalian mo kasi si Seth sumusunod sa atin." Bulong ni Fiola sa akin.

Uwian na at nagpasyahan namin ni Fiola na pumunta muna sa mall kasi may bibilhin raw siya.

Lakad takbo ang ginawa namin ni Fiola at ng makarating kami sa parking lot ay natarantang kinuha ni Fiola ang kanyang susi.

"Shit bes! Hindi ko mahanap asan naba 'yon--- ay thanks god!" Dali-dali niyang binuksan ang pintuan ng sasakyan.

Pina-andar na ni Fiola ang kotse ng humarang sa daan si Seth.

"Baliw naba si Seth bes? Gaaad!!" Inis niyang sabi.

"Babanggain ko nalang kaya?" Sabi pa niya nanlaki ang mata ko.

"Baliw kana ba?" Bulyaw ko.

Tinutoo talaga niya at effective naman dahil tumabi si Seth. Salamat naman nakakatakot kaya yong ginawa ni Fiola.

"Ohmygaaad! Nakasunod siya bes!"

Doble ang kaba ng sumunod nga sa amin si Seth.

Sa sobrang taranta namin ay pinabilisan ni Fiola ang pagmaneho yong halos liparin na kami.

"Beeeeessss!! Itabi mo may ten wheeler truck!"

"Aaaahhh!!" Huli na ang lahat ng mabangga kami ng malaking truck at pagewang-gewang ang sasakyan hanggang sa mabangga kami sa malaking puno.

Nauntog ang ulo ko at tanging narinig ko ay basag saka nawalan ako ng malay.

-

Zian~

Shit! Bakit parang kinakabahan ako?

Nandito na ako sa bahay kanina pa ako umuwi malapit ng mag gabi.

"Ley, ikuha mo nga ako ng juice." Utos ko sa kapatid ko.

"Duh! Kuya ikaw ang kumuha I'm not maid noh!" Kainis talagang brat nato.

Nasa living room kami at iniwan ko muna si Zian at kumuha ng juice sa ref.

"Kuyaaaaaaa!!!" Narinig kong sigaw ni Ziana.

Nataranta akong binalikan siya. "Hey, what happened?"

"Look diba car ni ate Fiola yon? Omg!! Nabangga kuya!"

Pinanuod ko ang news sa TV at parang namutla ako dahil kotse yon ni Fiola, wait baka nandyan si Nicolette.

Magandang hapon sa mga manunuod, nandito po tayo sa blah blah.. Isang kotse ang nabangga sa malaking puno, basag ang kotse at ayon sa mga saksi malakas daw ang maneho ng naturang driver. At sabi nila isang truck ang nakasalubong nila at dahil nawalan ng preno kaya nabangga. Dalawa ang sakay sa naturang kotse at kapwa babaeng studyante. Nakita niyo yan kinarga sila ng mga rescue team.

Hindi ko na tinapos ang sinasabi sa balita.

Shit!

Pumunta ako sa bahay nila Nicole.

"Ano ang sa atin--"

"Manang si Nicole at Fiola naaksidente." Sabi ko.

"Anoooooo??" Sinabi ko sa kanya ang lahat at ang malas pa dahil nasa business trip ang mga parents ni Nicole.

Shiit! Shit! Shit!

Lumabas ako sa village at dumiritso sa hospital. Nakita ko si Seth nakatayo.

Nakita rin niya ako at may tumulong luha sa mga mata niya.

Nilapitan ko siya. "Bakit ka nandito?" Malamig kong sabi.

Narinig kong humikbi siya. "Shit! This is my fault! Kung sana hindi ko sila sinundan! Bullshit!!"

A Game Called ChasingWhere stories live. Discover now