Nicolette ~
Matuturuan din naman ang puso diba?
Bakit ako hindi makatanggi kay Seth?
Mahal ko na rin ba siya?
Pero parang mali...
"Thank you so much darling!" Sabi ni Seth.
Bakas sa boses na masaya siya, ngiti lang ang isi-nukli ko sa kanya.
Tama ba ang ginagawa ko? Bahala na.
Si Fiola naman ay niyakap ako at bumulong siya. "Kahit ngayon lang bes magkunwari kang masaya, pag-uusapan natin kapag tayong dalawa na ang maiiwan."
Kilala talaga ako ng kaibigan ko, ang ginawa ko ay nagkunwari pero totoong pinadama ko kay Seth na masaya ako.
Dalawang araw ang nakalipas para akong isang reyna sa tabi ni Seth, ang sweet niya at alam rin sa buong Academy na kami na.
Hindi pa kami nag-uusap ni Fiola tungkol sa nararamdaman ko.
Kaya ito ngayon nandito kami sa students park, break time rin kaya ang halos lahat ng studyante ay nandon sa cafeteria may ilan rin ang nandito sa park.
"Bes, ano masaya kaba?" Nag-alala niyang tanong.
Bumili kami ng snacks at dito rin kami kumain.
"Alam mo bes sa totoo lang masaya naman talaga ako... Pero bes natuturoan naman ang puso diba?" Sabi ko.
Bumuntong hininga siya. "Oo bes, pero ang sa akin lang wag mong saktan yong tao alam naman natin kung sino ang laman ng puso mo eh." She chuckled.
She's right pero sa ngayon rin may nag-iba kay Zian minsan nginitian niya ako na ikinagugulat ko na lamang.
"Pero bes hindi naman mahirap mahalin si Seth eh." Saad ko.
Ang hirap lang kapag nag 'I love you' sa akin si Seth kasi ang tanging lumabas sa bibig ko parati ay 'Salamat' alam kong nasasaktan siya pero sinabihan ko siya na dahan-dahanin muna namin basta lang masaya ako sa piling niya.
Hindi rin naman siya nag reklamo basta raw ay sa kanya lamang ako.
"May practice mamaya sa gym bes, gusto mo bang manuod ng practice nila Zian." Ma pang-asar niyang sabi.
Umirap ako. "Wag nalang bes, mas gugustuhin ko pang sila Seth ang panunuorin."
Ayokong mag duda sa akin si Seth alam kong maypag ka seloso yon eh lalo pa't magkapit-bahay kami ni Zian.
"Tara na nga bes," tumayo na kami.
Habang naglalakad kami ay nakasalubong namin si Natalia. Tumingin siya sa amin at alam kong palihim siyang umirap, wala kaming paki sa kanya isa lamang siyang mapagkunwaring babae!
"Kala mo naman ikaganda niya ang pag-irap!" Inis na sabi ni Fiola.
"Pabayaan mo na ganon talaga ang mga peke!" Sabi ko sabay tawa.
Tumawa rin si Fiola hanggang sa huminto siya. Tinaasan ko ng kilay duh! Nandito kami sa clinic.
"Bakit tayo huminto?" Takang tanong ko.
"Teka sisilipin ko lang ang gwapong mukha ng Playboy." Aniya.
"Ikaw talaga bes wag ka nga!" Hinila ko na siya baka ano pang sasabihin ng doctor na yon! Naiinis ako ng may ginawa silang kababalaghan ni Natalia sa loob ng clinic.
"Ugh, sandali lang naman bes eh!" Alam kong ngumuso siya kahit nakatalikod ako sa kanya, hindi ko pinansin si Fiola sa ka dramahan niya noh!
Pinagtitinginan kami ng kapwa naming studyante sa hallway. May ilan ang nagbulong-bulongan.
YOU ARE READING
A Game Called Chasing
Teen FictionPaano kung ang palaging humahabol sa 'yo ay bigla nalang huminto, at paano kung bumaliktad ang sitwasyon ikaw naman ang hahabol sa taong unang humabol sa 'yo. Magulo diba?
