"Siya yon diba?"
"Malandi talaga!"
"Bes, anong meron?" Kinakabahan kong tanong at nagulat ako ng may kumalabit sa akin.
Paglingon ko ay isang sophomore na babae na may salamin mukhang nerd.
"Ate ikaw yong nasa bulletin board diba? May pictures kasi don naka dikit at may nakasulat na malandi." Inosente niyang sabi.
"What?" Sabay sabi namin ni Fiola.
Tumakbo kami kung saan ang bulletin board at sa wakas nakaabot rin kami kahit medyo hiningal sa kakatakbo bakit ba kasi sobrang lawak ng school kainis!
"OMG! Look at the pictures bes mygaaaad! Sinong walanyang naglagay rito?" Sigaw niya.
Parang nag karerahan ang puso ko sa mga nakita ko.
Isang picture na hinawakan ko ang braso ni Zian. Ito yong time na nag confessed ako sa kanya.
At ang isa ay yong hinatid ako ni Fiola na galing kami sa mall at nasa labas kami ng gate non ang naturang larawan.
Wala namang malisya kung tutu-usin pero ang mas ikinagagalit ko ay yong malaking sulat na may nakalagay Beware of this ugly whore!
"Seriously? Sinong may pakana ng ito!! Sino!? Kung sino kamang nilalang kang putangna mo!!!" Sigaw ko nanlisik ang mga mata ko sa galit.
Wala akong paki sa pictures ang ayoko sa lahat ay tawagin akong whore! Shit!
"Calm down bes,"
Umiling ako. "Kakalma pa kaya ako sa lagay kong 'to bes?"
Nakakainis sa tanang buhay ko ngayon lang nila ako ginaganito pambihira anong akala nila sa akin pokpok naba talaga?
Okay lang naman kung tawagin nila ako ng ganon kung may ebidensya sila na nakikipaglandian ako. Duh Nicole eh ano yanh pictures na nakita mo? Sabi ng konsensya ko, iba naman yan eh ang yong malaswa talaga kung totoo man.
Bakit ba mapanghusga ang mga tao?
"Tara na nga bes! Humanda talaga sa akin yang gumawa nito sa akin!" Akala nila hindi ako lalaban kahit ganito ako palaban parin ako!
Natapos na ang klase pati rin ang mga classmates ko ay hinuhusgahan nila ako grabe na talaga sila!
Nakita ko si Zian sobrang lamig ng awra niya kita ko sa mga mata niya ang galit.
Uwian na at nakita ko si Seth na papunta sa direksyon namin ni Fiola.
Kinakabahan ako sa itsura niya malamang nalaman na rin niya.
"Can we talk?" He said bakas ang lamig ng boses niya.
Napalunok ako at pinisil ni Fiola ang kamay kong hawak niya.
"S-sure... Saan?" Nauutal kong sabi kasi kinakabahan na talaga ako, sinabihan ko si Fiola na hintayin na muna niya ako at sabi niya sa library lang daw siya.
Sabay kaming naglakad ni Seth tahimik kaming dalawa hanggang huminto kami sa isang classroom ng walang tao.
"May problema ba Seth?" Tapang kong tanong.
Kumuyom ang kamay niya at hinilot niya ang kanyang sentido.
"I saw the pictures... Tell me Nics, ano yon?" Seryoso niyang sabi.
Sasabihin ko ba? Wala namang mali don diba?
"A-ah ano Seth wala namang ibig sabihin don." Kinakabahan kong sabi.
I bit my lower lip and gulped.
"Really? Totoo ba yong tsismis na patay na patay ka kay Cruz?" He gritted his teeth.
Sheet of paper! "Sinong nagsabi niyan? Grabe ah ano naman at bakit naniwala kaba don Seth?" Tinignan ko siya sa mata.
"Oo! Shit Nics alam ko naman sa ating dalawa ako lang ang nagmahal pero putangna ang sakit pala!" Halos pasigaw niyang sabi sabay sabunot sa kanyang buhok.
Parang maiiyak ako sa sinabi niya. "Bakit Seth? Ganyan ba ka babaw ang tingin mo sa akin? Na mas naniniwala kapa sa tsismis, grabe ka naman! Kung nasasaktan ka nasasaktan rin ako!"
"You knew what? Mas kailangan muna natin ng space." Sabi niya.
Sinapo ko ang noo ko. "Nakaka dismaya ka Seth.. Sige yon bang gusto mo? Okay fine!" I walked out.
Sana hindi ko nalang siya sinagot kasi napagtanto ko na may konting nararamdaman na ako sa kanya. Hindi pa nga kami naka-abot ng isang linggo.
Mapait akong ngumiti, mas naiinis ako sa nakita ko. Si Natalia alam kong tinitignan niya kami kanina.
Nagtama ang mga mata namin at inismiran ako.
Bruha talaga!
BINABASA MO ANG
A Game Called Chasing
Teen FictionPaano kung ang palaging humahabol sa 'yo ay bigla nalang huminto, at paano kung bumaliktad ang sitwasyon ikaw naman ang hahabol sa taong unang humabol sa 'yo. Magulo diba?
Chapter 8
Magsimula sa umpisa
