Chapter 4

101 44 10
                                    

Shane

   "Eto hija ang magiging silid mo." Wika sakin ng mommy ni Dennis. "Binilhan na rin pala kita ng mga damit."

   "Naku maraming salamat po. Pano nyo nga po pala alam na dito po ako makikitira?" Nagtataka lang kasi ako.

   "Sinabi na sakin ni Dennis kanina lahat at kung saan at paano ka napunta dito sa mundo namin." Malumanay na sabi nya.

   "Sya nga pala, pakitignan na lang yung mga damit panloob kung sakto sayo. Ang sabi kasi ni Dennis malusog ang dibdib mo at ang pang upo mo." Namula tuloy ako sa sinabi nya. Tinignan ko si Dennis, nagkibit balikat lang sya.

   "Hehe, salamat po mommy." Nahihiyang sagot ko. "Kelan po pala kayo namili nito?"

   "Kanina lang hija. Tamang tama nasa mall ako ng tumawag sya sakin."

  "Ah." Tangong sabi ko.

   "O sya magpahinga ka na. Kung may kailangan ka pa wag kang mahiyang magsabi sa amin. Nandyan lang sa kabilang kwarto si Dennis." Lumabas na sya ng kwarto. Naiwan kami ni Dennis sa loob. Katahimikan ang namayani.

   "Thank you for everything." Nakayuko kong sabi.

   "Wala ka dapat ipagpasalamat. Sige na magpahinga ka na." Isinara na nya yung pinto ng kwarto. Hinanap ko kung may cr ba yung kwarto. Hay salamat meron naman. kumuha ako ng pantulog. Infairnes ang daming pinamili. Halatang mayaman. Pumasok na ako ng cr.

   Hating gabi na pero hindi pa rin ako makatulog. Natatakot ako sa pwedeng mangyari sakin dito. Sinigurado kong nakalock lahat ng bintana ko.

   Bumaba ako sa kama para kumuha ng maiinom. Feeling ko kasi natuyo na yung lalamunan ko.

   "Di ka makatulog?" Nagulat ako sa nagsalita. Si Dennis pala. Nakasandal sa may pintuan. Ang cute nya ngayon. Nakapantulog rin sya.

   "Oo eh. Namamahay lang siguro ako." Palusot ko. Pero napaparaning lang talaga ako sa takot.

   "Ganon ba? Wag kang mag alala masasanay ka rin."

   "Hanggang kelan ba ako dito? Saka pano ako nagkaroon ng kakayahang magpagaling?" Di ko mapigil na itanong sa kanya.

   "Hindi ko rin masasagot yang tanong mo."

   Bumuntong hininga na lang ako. Wala rin pala syang alam.

   "Akyat na ako." Sabi ko at nilagpasan ko na sya. Nag give way naman sya sakin.

———
   Iminulat ko yung mga mata ko dahil pakiramdam ko may nagmamasid sakin. Nagulat pa ako ng bumungad sa mukha ko yung mukha nila ate Charlene at Jenny na nakangiti.

   "Kumusta ang tulog mo?" Parang pusang tanong ni ate Charlene.

   "Okay lang naman ate. Pano kayo nakapasok dito?"

   "Di mo kasi nailock yung pinto mo. Bihis ka na para makapasok na tayo." Si Jenny yung sumagot.

   "Ah. Sige maliligo lang ako."

   Kumilos na nga ako para pumasok. Pag dating namin sa school napahinto ako sa paglakad.

   "Bakit Shane?" Takang tanong ni Jenny sakin.

   "Para kasing may sumusunod satin." Nagpalinga linga pa ako.

   "Halika na bilisan na lang natin." Suhestyon ni ate Charlene. Binilisan namin ang paglalakad hanggang makarating kami sa hallway na wala masyadong dumadaan.

   "Waahhh!" Napasigaw kaming tatlo ng biglang may tumalon sa harapan namin. Ito yung guro na nakita ko kanina sa baba.

   "Hahaha." Malademonyong tawa nya.

Living In A Ghost Fighter WorldWhere stories live. Discover now