Hey! Daydreamer!

351 5 3
                                    

Nandito ako sa mall ngayon. Stroll lang. Boring masyado sa bahay kapag Sabado eh. Sino kayang pwedeng i-meet dito?

Text: Sino nasa SM? Kita po tayo :") GM.GalaMode.

Send to group.

Naglibot libot pa ako sa kung saan. Maya-maya may nagtext na.

Text: Jen, andito din ako sa SM. Sa may Centerstage. Punta ka dito dali!

From: Angie

Si Angie pala, bestfriend ko.

Text: Sige punta na ako dyan. Wait mo ko huh.

Send to: Angie 

Pumunta na akong Centerstage after I sent my reply. Wait. Ba't ang daming tao?

I just dialled Angie's number kasi di ko siya makita.

"Oi bruha nasan ka na ba? Daming tao dito sa Centerstage eh, nu bang meron?"

"Wait dito pa ako sa Starbucks bumibili ng inumin HAHA! Madaming tao dyan kasi ngayon yung perf ng Boyfriend. Sige na hintayin mo ko dyan pabalik na ako! Bye!"

Binaba ko na yung phone ko at nagtingin-tingin sa paligid. Kaya naman pala ang daming tao eh. May KPOP Group pala ngayon dito. Di ako super fan nung group na yun kaya di ko alam. Maraming nakasalampak sa sahig. As in upo talaga ah. Buhay fangirl :)

“Jen!!!!” she hugged me. Namiss ako agad ne’to. Kahapon lang kami nagkita. Sarcastically speaking. HAHAHA!

“Kailangan sumisigaw?”

“Sorry naman ah. Naexcite lang ako kasi nandito ka.”

“May ticket ba tong event na ‘to? Daming tao ah.”

“Yep meron. May isa nga akong ticket eh, yung friend ko may tatlo. Gusto mo ba manood?”

“Okay lang, nandito na din naman ako eh.”

“Sige wait lang.”

At ayun, sumigaw ba naman sa loob ng mall?

“JAKEEEEEEEEE!!!!!!” ang eskandalosa talaga ne’to ni Angie kahit kelan. Bakit ko ba ‘to naging bestfriend? :D

May lumapit sa amin na guy. 0_0

OTL. Ba’t naman ang gwapo niya?

Ay leshe.

Hinawakan ako bigla ni Angie sa braso. Anglamig ng kamay niya. -_- Nabalik yung katinuan ko.

“Jen, this is my friend, Jake. Jake, my bestfriend, Jenicka, Jen for short.”

Inabot niya yung kamay niya sa akin, yung parang shake hands. Ay ‘di pala parang, nakikipagshake hands pala talaga siya. =)

OMG! Ang lambot ng kamay niya.

“Nice to meet you Jen.” He smiled at me and I melt. Joke.

“Nice to meet you too Jake.” Ngumiti na lang din ako. Di dapat ipahalatang nadadala ako ng kagwapuhan niya.

“Angie!!!!!” aray ko naman. Ang sakit naman sa tenga nun.

Another friend nanaman yun ni Angie for sure. Grabe lang. Ang ingay talaga ng mga fangirls noh? (Parang ako hindi fangirl eh >:D)

“Ui, Jake samahan mo muna yang bestfriend ko ah. Puntahan ko muna sila Nain doon. ” sabi niya sabay nguso doon sa isang babaeng nasa kabilang ibayo pa.

“Eto nga pala yung ticket mo.” Abot ni Jake sa akin nung ticket pagkaalis ni Angie.

Kinuha ko yung ticket, “Thank you.”

Nag-uusap lang kami tungkol sa mga bagay-bagay nung biglang may lumapit sa amin.

“Kuya,diba ikaw po yung Youngmin ng Namjachingu?” weh? Siya yun? Kaya pala mukhang pamilyar siya eh.

Namjachingu, yung cover group ng Boyfriend dito sa Pinas.

“Ah. Ako nga po. Bakit po?” nahihiya niyang sagot. Di pa ba siya sanay sa atensyon?

“Kuya favor naman po. Sayawin niyo naman po yung Boyfriend na kanta. Di na po kasi naming sila mapapanood eh. Naubusan na kami ng ticket.” Malungkot yung tono nia. Halatang disappointed.

“Isa lang ah? Nahihiya kasi ako kapag wala yung mga kagrupo ko eh.” He’s so cool. >:) Bakit ganun? Ang astig talaga ng dating niya sa akin.

“Opo kuya. Kakanta po kami.” Ngumiti na yung dalawang girls. Napangiti ni Jake :))

Ayun nga, kumanta na sila nung Boyfriend na song at nagsimula na rin sumayaw si Jake.

Yung mga tao doon sa paligid ng Centerstage napatingin sa kanya. Agaw eksena eh HAHA! Pero ang galling niya naman kasi sumayaw. Kuhang kuha yung steps.

Nakita ko nga si Angie eh, patawa tawa na lang doon sa may pwesto niya. Pisti kasi tong taong ‘to. >////<

After 3 minutes siguro yun, natapos na yung kanta sabay takip ni Jake ng mukha niya at nilagay yung hood ng jacket niya. Sus. Hiya pa ‘tong taong ‘to eh ang galling naman niya sumayaw >:|

“Punta tayo doon Jen.” Sabi niya sabay turo sa may seaside.

Di na niya ako pinasagot. Hinatak niya na ako agad. Shete. KINIKILIG AKO. KDOT. >///<

“Hoy Jen!” lumingon ako sa likod ko habang natakbo kami ni Jake. Wala naman akong kakilala doon na pwedeng tumawag sa akin.

“Jen! Anyare sa’yo? Nagdedaydream ka ba?”

“H-ha? A-ano yun?” bigla akong nagising mula sa pagkakatulala ko. TSK.

“Nag-idle ka kanina. Sure akong nagdedaydream ka dyan.”

Si Angie yung kasama ko, nandito kami samay Starbucks. Yung table sa labas tapos may payong.

Ang saklap naman nun? Ba’t nga ba ako natulala?

Ayy. Alam ko na. May dumaan na lalaking nakajacket at hawig ni Youngmin.

Daydream lang pala. </3  

(A/N: Di ko na 'to naproof read kaya paki-intindi po kung may mali man :)))

Tropang One ShotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon