Chapter Three: Mysterious

1.5K 28 14
                                    

AUTHOR'S NOTE, PLEASE READ!

HELLO PO!

I am very happy sa mga feedback na natatanggap ko. thank you for the Reads, votes and comments. Sobrang naappreciate ko lahat un. thank you po talaga!

So here's chapter 3. kapag naguguluhan po kayo, ask lang po kayo sa akin. binabasa ko po lahat ng comments. Rereplyan ko din po kayo agad. ^___^ pero hindi po ako sasagot ng spoiler questions. hehe. 

I wanna dedicate this chapter to seohyunnie, happy reading!

Picture ni Victoria sa gilid ---->

Read, Vote and comment. Thank you!

Enjoy!

==========================================================================

Haley's POV

5:00am

*ALARM RING*

Bumangon ako para patayin ang alarm at para makapag-ready na for school. Monday ngayon, ayoko malate. And baka masilayan ko si nathan.. or si lucas. bakit pati si lucas? hahaha. siguro dahil sa nangyari kahapon. hays.

Naligo na ako at nag-bihis ng uniform, nagpatuyo ng buhok at nag-ayos ng mukha. Dahil hindi naman ako mahilig magmake-up, pulbo lang at kaunting lipgloss lang ang nilalagay ko. pagkatapos kong mag-ayos ay agad akong bumaba para mag-almusal. nakita ko si manang na nag-hahanda ng pagkaen.

"Good morning po manang. salamat sa almusal. kaen na po tayo." Ngimiti si manang sa akin at sinabing mauna na raw akong kumaen at baka malate pa ako sa school. Nagsimula na akong kumain ng maalala ko ang insidenteng nangyare kahapon. 

*Flash back*

"Hi I'm victoria! Girlfriend ako ni nathan." napatingin kami ni emz sa kanya at tumayo kaming dalawa para makipagkilala. ewan ko ba, parang hirap na hirap ang kalooban ko na makipagkamay sa kanya. haha. siguro dahil nga sa girlfriend sya ni nathan. Hindi naman sa imposible syang magka-girlfriend, pero meeting her is not a really interesting thought for me. Lalo na ung nakita ko kanina... ung pag-halik nya kay nathan.. T_T

Despite that, inabot ko pa rin ang kamay ko para naman hindi sya ma-offend. "I'm Haley, Haley Schick. And this is my friend Emma Clear." nakipagshake hands kami ni emma sa kanya. "Nice meeting you victoria." sabi ni emz kay victoria ng nakangiti. pero makikita mo ang pagka-uneasy nya. siguro nga dahil alam nyang apektado ako. 

"Friends kayo nila nathan? bihira lang kasi akong makakita ng babaeng kasama nila, bukod sa mga nagiging girlfriend sa dalawang yan." sabay turo kay kenneth at kierby. natawa ung dalawa at nanahimik ulit. "Si lucas kasi hindi naman nagdadala ng girlfriend yan. ewan ko ba dyan." pero parang walang naririnig si lucas, tahimik pa rin sya. Napaka Misteryoso talaga nya, ano kayang tumatakbo sa isip nya ngayon?

Pero teka, kailangan ko ng makaalis dito. Kailangan ko ng hangin. Nahihirapan akong tignan si Victoria at Nathan, ang sweet ni victoria sa kanya. si nathan naman parang ewan? hindi ko alam kung nag-eenjoy ba sya o naiirita. Ah basta! I want to get out of here! Someone help!

Biglang tumayo si Lucas at lumapit sa akin. Na talaga namang ikinagulat ko. pati si emz nagulat rin. napaatras nga sya eh. "Gusto mo ng umuwi? ihahatid ko na kayo ni Emma." Nakangiti nyang sinabi sa akin. THANK YOU LUCAS! YOUR MY SAVIOUR! Pero bago pa ako makapagsalita tinalikuran nya ako at humarap kay Nathan, "Nate, mauna na ako. may aasikasuhin pa ako eh. Isasabay ko na si Haley at Emma." Nag-nod lang si Nathan kay lucas at ngumiti. "Nice to see you again Vicky." Pagkasabi nya kay vicky humarap na ulit sya sa amin ni Emz.

"Let's go?" nakangiti pa rin sya. "Okay. Mag-papaalam lang kami sa kanila." We said our goodbyes, si kenneth naman may pahabol pang asar kay emz, "Bbye Emma! Madapa ka sana!" binatukan sya ni kierby pagkatapos nyang sumigaw. nakakatuwa si kenneth at emz. para silang bata.

Anyway, we started walking. sumusunod lang kami ni emz kay lucas. tahimik kami pareho. Parang naging weird kasi ung aura kaya hindi na kami nagsasalita. Pero halata mo kay emz ang pagkairita nya kay kenneth kanina. haha. Si lucas naman may kausap sa phone nya. Pagkatapos nyang makipag-usap humarap sya sa amin. "Nag-aantay ung driver namin sa labas. bilisan na natin." teka, kanina parang ang bait bait na nya, ngayon naman ang sungit. Sumagot nlng ako ng "Okay."

Binilisan na namin ni emz ung lakad dahil ang bilis nga maglakad netong si Lucas. Tahimik kaming sumakay sa kotse. Si lucas nasa front seat, kami naman ni emz ang nasa likod. tinanong nya kami kung saan kami nakatira. We gave him directions, hindi naman mahirap hanapin ung bahay namin. Una nyang pinahatid si emz. Pagkahatid nya kay emz ay lumipat sya ng pwesto. Hindi ko alam, pero parang bumilis ung tibok ng puso ko. 

Nginitian nya ako, at nag-salita sya. "Okay ka lang ba? kaya kita inaya umuwi kasi napansin ko ung reaction mo kanina nung dumating si victoria. pati ung mga tingin mo sa kanila habang sweet silang nag uusap." teka, napansin nya lahat un? "kaya gumawa na ako ng paraan para makaalis na tayo dun. sa totoo lang ayoko kitang nakikitang malungkot." Nagulat naman ako, kaya tinanong ko sya. "Bakit naman?" nagtataka kong tanong. "Eh kasi, nalulungkot din ako kapag nakikita kong malungkot ka."

*END OF FLASHBACK*

Tinapik ni manang ang aking braso. "Iha, kanina pa yang pagkaen mo ah? Malalate ka nyan sige ka." hala ka! Oo nga pala. anong oras na ba? 6:05am na pala! amp naman! hirap talaga pag nag-daday dream eh, ang bilis ng oras. haha. Binilisan ko na ang aking pagkain at nag toothbrush. Kinuha ko na ang aking mga gamit at nagpahatid na kay Manong Ruben sa school.

Nang makarating ako sa school, habang naglalakad sa hallway... hinanap ko si nathan at lucas, baka kasi pakalat kalat sila. hindi pa naman kasi nagsisimula ang klase. pero hindi ko sila nakita. kaya dumiretso na ako ng room. Sinalubong naman ako agad emz. Ang aga naman neto.

"Good Morning Hal! Kamusta naman ang pag-hahatid ni papa luke sayo kahapon? nag-usap ba kayo ng matagal?" Basta talaga chismis eh, mabilis tong si emz. Sasabihin ko na ba sa kanya ung nangyare? hindi muna siguro. "wala lang, ok lang naman." Magsasalita pa sana si Emma ng biglang mag ring ang bell. Yes! Literal na saved by the bell ako. haha! Maya-maya lang ay pumasok na ang aming teacher at nag-sipagupuan na kami.

"Good Morning class. Merong tayong bagong makakasama." Wow, tranferee.. lalaki kaya toh? Pogi sana. haha. joke lang. paano na si nathan diba? haha. Nangarap nanaman ako. bakit ba? libre kayang mangarap!

"Ms. Victoria, pumasok ka na." Tama ba ung narinig ko? Victoria daw? Nagkatinginan kami ni emz.. Parang pareho kami ng iniisip. At pumasok na ang Victoria na sinasabi ni Mam. Oh my gosh.. sya nga. Si Victoria, ung girlfriend ni nathan! "Magpakilala ka na." sabi ni mam kay Victoria. "Hi I'm Victoria Dizon. Nice meeting you all." pumalakpak ung iba naming classmates. "Thank you Ms. Dizon, you can sit beside Ms. Schick." Schick? ako un ah! "You wouldn't mind it naman di ba haley?" Sabi ni mam. Uhm, YEAH! I DO MIND! GIRLFRIEND SYA NG CRUSH KO FOR CHRIST SAKES! "Sure po. I don't mind."

AISH! This is going to be one hell of a school year!

==========================================================================

Forgive my typo's and grammar errors. Hope you enjoyed this.

Thank you so much.

Vote and comment? <3

isshi~

Arranged or not?(REVISING)Where stories live. Discover now