FFG (walang selfie) IX.

59 10 5
                                    

              Pareho kaming nakatitig sa bintana. Tahimik naming pinagmasdan ang mga sasakyan. Wala akong maisagot sa tanong niya. Mukhang hindi rin naman siya naghahanap ng sagot.

               Kasi matagal na niyang alam ang sagot. Tulad ko. . .

"ZOMBIEEEES!!!" 

               Isang baliw ang biglang tumambad sa salamin at nagsalita ng "ZOMBIEEEEEEEES" hindi ko narinig ni lip-read ko lang. Baliw talaga tong si Mike bigla nalang sumusulpot kung anu-ano pang sinsabi.

            Tumawa si Rex. Natuwa nalang rin ako ng makita ko siyang masaya.

"so-bakit nga ba kayo magkasama?" tanong ni Mike na ngyun ay nakatabi sakin.

"ahh-"ang tangi kong nasabi. Ayan umaandar na naman ang pagka anti-social ko.

"kasi-" kamot ulong sabi ni Rex.

" could it be that youre cheating on me?" tumingin si Mike sakin.

           Ano raw?! kung ganun?!

"kung ganun- may relasyon kayong dalawa? YAOI?! BROMANCE! " halos mapasigaw ako sa gulat.

          Hindi na talaga mapagkakatiwalaan ang mga gwapo ngayon. Kasi madalas sa kanila bading.

           Napatahimik silang dalawa. Tapus sabay silang tumawa.

"parang addict lang eh no?" patawang sabi ni Mike tapus nag apir pa sila.

 " wow- ang saya-" galit kong sinabi.

          Inubus ko nalang yung libre pagkatapos nito aalis na talaga ako! Wala akong maintindihan sa ginagawa nila, pinagtritripan lang yata ako. Nakakainis naman! Gusto ko silang kainin!

"ahh- Leo" biglang sinabi ni Mike pagkatapos nilang tumawa.

"oh!" pagalit kong sagot.

"gusto mong mag skate?" ngiti niya.

             Napalingon ako sa kanya. Ang cute naman ng smile niya. Bakit ganun, nawala lahat ng inis ko.?

" yun lang!" tumawa ako ng konti "wala akong dalang skate"

"ahh- may extra si Rex diba! diba! " 

             Tumango naman si Rex sabay subo sa kanin . Halatang halatang anak mayaman hindi man lang kinamay yung chicken fillet at ginamitan talaga ng tinidor.

" tsaka malapit lang bahay nila dito, maaga pa naman, Rex manuud tayo ng movie! " padire-diretsong suggest ni Mike na parang bata. Lingon sakin tapus lingun kay Rex.

" huy! umayos ka nga! ayan ka na naman" sita ni Rex. 

            Ang galing! kuyang kuya ang dating. Hindi ko tuloy maisip kung ano ang ikinagagalit ng Mama niya sa kanya.

"wala rin namang tao dun eh- hindi uuwi ng maaga si Tita. " seryusong sinabi ni Mike. Parang bahagyang sinabi "tanggapin mo nga ang katotohanan" 

                Palibhasa, rich kid. Tiningnan ko ng masama si Mike. Nakakainis, spoiled brat siguro. Ang saya siguro ng buhay nito nakatawa palagi oh- parang baliw na nga.

" Ayan ka na naman " mahinang sagot ni Rex na bahagyang nakangiti.

Sa bahay ni Rex.

                For some reason, nakasama ako sa kanila. Hindi ko gusto tong si Mike pero lahat ng sinabi niya gusto ko. Gusto ko ng movie at namimiss ko naring mag skate. Kasi naman parang nailigtas din ako ng skateboard dati.

FB FREE GANG (walang selfie)Where stories live. Discover now