Air

"Are you even listening to me?!"

Natauhan ako ng galit na nagsalita si Madz.

"I'm so sorry, my mind is just drifting off to somewhere."

We are having our late lunch. Pero ang isip ko ay lumilipad, at wala sa kasama ko.

"Obvious naman! Alam mo, ever since na umuwi ka galing sa San Sebastian ay palagi na lang na ang lalim ng iniisip mo. Ano ba talaga ang nangyari sa inyo? Si Gaygie, tuwing tinatanong ko ay iniiwas ang sagot! What the hell is wrong with all of you! May kailangan ba akong malaman?"

"Look Madz, I'm so sorry. There are just some things na iniisip ko ngayon.. Katulad ng... " naghanap ako sandali ng rason na pwede nyang paniwalaan. "Katulad ng mga bagong kanta na dapat kong irecord. Si Gaygie naman, masyadong na-trauma dahil nga muntik na kaming mamatay noong pagkakasira ng tulay ng San Sebastian. "

Huminga ng malalim si Madz.

"I'm sorry din. Akala ko kasi nine-neglect mo na ako. You can tell naman everything to me. I'm your girlfriend."

"Yeah. I know." But I can't tell you what's on my mind right now, because defeinitely, you're not gonna like it.

Tinawag ko ang waiter para kunin ang bill namin.

"We better go. Alas tres ang calltime namin para sa mall show and it's almost 2."

"Haaay, wala ka na namang time para sa kin. Simula na naman ng hectic mong schedule."

"I'll make it up to you, I promise."

Ngumiti na sya. "Sige. Wala naman akong magagawa kindi magintay ng bakanteng oras mo. "

Naghiwalay kami ni Madz sa parking lot dahil may modeling stint din sya ngayong hapon. Inantay kong makaalis ang kotse nya bago ako sumakay sa van ko.

Maganda si Madz. Isa nga sya sa pinaka sought after na model ng bansa. Pero bakit ang hinahanap ko ay isang maamo at mala-diwatang mukha? Everybody seems to fade compared to her beauty. She also possess a smile that captivates my heart. Her lavender scent that makes me want to be near her and smell her sweet scent. Kahit ang katarayan nya ay hina hanap hanap ko din. She's the most interesting girl I've ever met. She intrigues me at first. Pero habang nakikilala ko sya, I feel like I was really drawn to her. She's like a drug that is sooo adicting at hinahanp hanap mo.

Noong naghiwalay kami noon sa bus station ay hindi ko na nagawang habulin sya dahil alam kong hindi naman ako malaya. And Kyle is a keeper. Hindi sya yung tipo ng babae na pinaglalaruan. Actually, I don't deserve someone like her.

Inilabas ko ang cellphone ko at binuksan ko ang contact numbers ko. Lingid sa alam ni Kyle ay sinave ko ang number na tinawagan nya noong nasa bus kami. Ilang beses kong tinangkang tawagan sya. Pero, pinigilan ko lang ang sarili ko. Dahil ang sabi ko non, I'll leave it all to fate. Kung makita ko syang muli, that means we are destined for each other. I am willing to let go of everything para lang sa kanya. I will let go of my old ways. At katulad din ng sinabi ko sa kanya. Once na nagkita kaming muli ay hinding hindi ko na sya pakakawalan. 

Kyle

"Ate Ja naman. Halos araw-araw naman ay nandito tayo sa mall. Hindi ka na ba nagsawa?"

Ano na naman ba ang gusto nya? Magkakape na naman? E halos magkanda nginig nginig na kami sa dami ng caffein na ipinapasok namin sa katawan namin! Tambay mode palagi sa iba't ibang coffee shop. Pero ok na din yon, at least nakakapag update ako ng stories ko, habang sya, nag-aabang ng gwapong tatambay don. Hahahaha! Pasaway!

"Hindi.. Basta.. May panonoorin lang tayo."

"Ano bang magandang palabas ngayon? Aaa! Marami nga pala. Sige! Gusto kong mapanood si Kenshin Himura! Showing na ngayon yon! "

"Ano ba yan! Hanggang ngayon, hindi mo pa rin na-out -grow yang pagka anime freak mo!"

"Bakit ba.. Ang gaganda kaya ng plot ng anime. As in suuuppeeer. Kung tutuusin nga, they are the best story tellers in the whole world! Napaka wild ng imagination ng mga hapon na yon. Never silang naging cliche kaya ma-hu-hook ka talaga. "

"O sige na, sige na. Agree na ko don. Pero hindi tayo manonood. Halika na nga! Madami na sigurong tao. Ang tagal mo kasing maligo e! Ilan bang kilo ng libag ang nakukuha mo araw-araw at ganon ka katagal sa banyo?"

"Ano ka ba! Ang yabang naman nito. E na-eenjoy kong maligo e. Hindi katulad mo na para kang palaging ligong uwak! Hahahhahaa!"

Doon kami napadpad sa activity center at pansin ko na napakadaming tao. Nakipagsiksikan kami ni ate Ja para lang makalapit ng konti sa stage.

"Ano ba meron? Napakarami namang tao! Naso-soffocate ako!"

"Ang arte mo talaga kahit kelan. Magtiis ka na lang muna dyan kahit sandali. Ilang kanta lang sila--"

Hindi na natapos ni Ate Ja ang sasabihin nya nang lumabas ang emcee at nagsimulang maghiyawan ng bonggang bongga ang mga tao! Nagtatatalon, nagpapapadyak, yung iba parang hindi makahinga, yung iba parang napo possess! My gosh!!!

Kinuha ko ang atensyon ni Ate Ja pero isa pa sya sa nag hyhysterical! I tug on her sleeves just to get her attention.

"Ate ja! Hindi ko kaya energy ng mga tao dito! Antayin na lang kita----"

Hindi ko na natapos ang sinasabi ko dahil napatulala na lang ako sa stage ng lumabas ang lalakeng umookupa sa isip ko nitong mga nakalipas na araw...

Oh my gosh!!!! SI AIR!

AIR

It feels so good to be on stage again. Napabuti din naman ang isang linggo kong bakasyon, pero hinahanap hanap ng katawan ko ang entablado.

Nagsimulang tumugtog ang banda and I am lost in the music. The crowd is on their feet, singing, dancing, shouting, chanting my name over and over again!

When I’ve finished my last song, sobrang wild na ng mga tao. They are desperately asking for more. But as usual kabilin bilinan ni Manager, 5 songs and that’s it.

Oh well, kilala naman nya ako na parating sumusuway sa utos nya, what’s the difference if I sang one last song?

She’ll live.

Sinenyasan ko ulit ang banda at nagkatingan na lang sila. Wala na rin silang magagawa kundi tumugtog na lang. As I was about to sing, napalingat ako sa crowd at napatulala.

Kyle?

Hindi ako nakapasok sa cue na ikinagulat ng mga kabanda ko.

“AIR! Anong nangyayari?!” Sigaw ni Dino at parang natauhan ako, then I started singing but my mind is no longer into it.

Tinignan ko ulit ang lugar na akala ko ay nakita ko si Kyle. Pero wala na sya don! Naalimpungatan ba ako, nananaghinip o ano? Baka naman nag-hahalucinate na ako dahil sya ang laman palagi ng isip ko?

“Hey man snap out of it!” sabi sa kin ni Dino at na-realize ko na napahinto pala ako ng kanta.

I did some adlib just to make it up to the crowd and they’re on their feet again.

Tinapos ko lang ang kanta at nagpaalam na ako. I ran to the backstage and out to the area where I saw Kyle na ipinagtaka ng mga kabanda ko.

Pero wala na talaga sya. At siguro ay hindi na ako nakapag-isip ng matino dahil parang ipinain ko ang sarili ko sa napakaraming aso!!!!!!!

Bigla akong dinumog at parang nagka-riot!

The AIR i BreatheDonde viven las historias. Descúbrelo ahora