Chapter 2 : Boogsh!

411 9 28
                                    

                 Bagong umaga sa university. Busy ang lahat ng tao sa dorm. Aligaga dahil may klase na naman. Unahan sa pagluluto at paghahanda. May ibang kalmado lang. May ibang nagkakainitan na ng ulo.

" Reeeeeex!" sigaw ni Percy habang natakbo pababa sa ground floor. Malakas ang lagabog ng bawat hakbang nya. Madali nyang nabaybay ang distansya mula s kwarto nila hanggang sa Common Area. Hindi pa nya nailalagay ang belt ng pants nya kaya mejo nalalaglag to at nakikita ang garter ng panloob nya. Hinanap nya si Rex, ang pasaway at malokong na kaibigan at ka-share nya ng kwarto, sa Common Area pero wala sya dun. Nagtanong na lang sya mag-BFF na sina Zoeey at Blaire na nakaupo sa sofa. Busy sa paglalagay ng make-up.

" Nakita nyo si Rex?" tanong nya.

                 Sumagot si Blaire. Hindi nya nilingon ang kaibigang nagtanong. Nag-co-concentrate sya sa paglalagay ng kolorete sa singkit nyang mata. " Hindi ee." sabay lagay ng liquid eyeliner pero kumalat to sa eyelids nya. " Shit!" daing nya habang nakuha ng tissue. Binura nya ang kumayat na parte.

" Ee ikaw Zoeey?" tanong naman nya kay Zoeey.

                 Nilingon sya nito habang nagsusuklay ng mahaba at straight nyang buhok. " Parang nasa dining room ata. Nandun din kasi yung iba mong tropa ii. So I assume nandun din sya." 

" Salamat." sagot ni Percy.

" Yeah. Parang nakita ko nga sila dun." dagdag ni Blaire. Tapos na nyang burahin ang kumayat na eyeliner. 

                 Tumakbo na sya sa Dining Room. Pagbukas nya ng pinto, nakita nya si Rex na nagkakape kasama sina Donnie, Von at Gus.

" Oy pare! Kape na." yaya ni Gus. Nakasuot sya ng isang knitted black and white French painter's cap with a small sun brim. Pero kahit pilit nyang itago ang kulot nyang buhok, may iilan pa ring kumpol nito ang lumalabas sa sumbrero. Nagbigay buhay ang sumbrero na to sa simpleng "Pwede bang kamayan ang Boss" na shirt nya at maong jeans. Tipical na porma nya tuwing may klase.

Since wala silang uniform, may liberty sila para magdesisyon ng susuotin sa pagpasok. Walang restriksyon. Walang pinagbabawal.Sila ng bahalang pumorma at dumiskarte. Hindi sila pakikialaman ng mga nakakatatanda.

Nakaupo sa tapat ni Gus si Von. Sya ang pinakamatangkad sa buong klase. Pero sya din ang madalas loko-lokohin ng mga kaibigan. Kahit ang mga babaeng kasama nila ee trip din sya. Ngunit kahit ganun, hindi pa sya nakitang galit ng mga kasamahan nya. " Kuha ka nalang dun sa coffee maker." dagdag naman ni Von.

                 Hindi nya sinagot ang mga kaibigan nya. Inis pa rin sya sa ginawa ni Rex. Kaya nilapitan nya to. " REX!"

                 Nilingon sya ni Rex na napatigil sa kalagitnaan ng pag-inom ng kape. " Bakit pre?" tanong nito. Maangas si Rex. Malakas ng dating. Kung baga sa salitang kalye, mahangin. Matalik na magkaibigan sila ni Percy, ang tanging tao na nagtitiis sa immature nyang ugali. Pero may mga pagkakataon, tulad nito, na napupuno din si Percy. At pag ganito ang sitwasyon, siguradong gulo ang kahihinatnan.

" Pre ka jan! Takte naman Rex! Yung itim kong t-shirt. Yung hiniram mo nung isang linggo. Nasan na?! BAKIT HINDI MO PA BINABALIK?! Sabi mo nung~"

The Covenant [ON HOLD]Där berättelser lever. Upptäck nu