4

1.7K 4 1
                                    

Liwanag nalang ng buwan ang nagsisilbing ilaw ng paligid, malamig ang ihip ng hangin, mahimbing ng natutulog ang mga tao sa kanya kanya nilang kwarto, heto ako, naglalakad sa kawalan at iniisip kung bakit ba ako narito sa kalagayan nato. Maya-maya ay may lumapit sa akin, nginitian niya ako kaya't nginitian ko rin siya.

"Kamusta ka?" Tanong niya.

"Nagkakilala na ba tayo?" Tanong ko sa kanya.

Nginitian lang niya ako at saka siya umupo sa bench sa likod namin.

"Upo ka" yaya niya kaya umupo narin ako.

"Alam mo, maikli ang buhay, hindi mo alam baka bukas makalawa, wala ka na. Kaya kung ako sayo, maging masaya ka nalang." Saad niya.

"Masaya naman ako ah"

"Hindi iyan ang sinasabi ng mata mo"

"Ewan ko ba, ang hirap maging masaya sa panahon ngayon. Ang daming demand."

"Alam mo, nakikita ko, sa hinaharap magiging mas masaya ka sa iniisip mo, ikaw yung magiging pinakamasayang tao sa mundo. Marahil tinatasa kalang ng buhay"

Sandali akong nanahimik sa mga sandaling yon, pumikit at dinama ang sarap ng hangin. Iniisip ko na sana nga tama siya. Sana nga...

"Sige na, dito nako hinahanap nako ng pamilya ko." Paalam niya.

"Sandale! Sino ka?"

"Ako si RJ"

Rj... rj ang pangalan ko.

"Ako ay ikaw"

[Comment naman kayo kung napangitan kayo hehez]

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 21, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

100 DagliWhere stories live. Discover now