"YOU PERV!" pinalo ko sya sa braso at nagtatatawa sya.

Nagkulitan lang kami habang bumabyahe. Nakakatuwa lang isipin na nakagaana ko na sya ng loob. He doesn't act like a big shot rock star. Parang pakiramdam ko ay ordinaryong tao na madaling pakisamahan at pakibagayan. Effective ang ginawa nyang pakikipag-kwentuhan at nawala sa isip ko ang kaba ko.

"Paano ka na-discover? I mean, sa dinami-dami ng mga singers sa paligid, especially dito sa Pilipinas, paano mo sila na-out-shine lahat?"

"Hindi madali ang pinag-daanan ko. Hindi ako overnight sensation. Nagsimula din ako sa mga gigs sa bars. Pasa ng mga demos sa recording company, hoping na mapakinggan man lang nila. Sumabak din ako sa mga contests, pero wala ding nangyari. Lahat na ata sinubukan ko. Ang hirap lang din kasi ng sistema, kailangang malakas ang kakilala mo sa mga istasyon para mapansin ka. Then once time nagtrip kami ng mga ka-banda ko na mag-upload ng covers sa youtube. May nakapansin na isa. Noong nag-check ulit ako ng youtube after a month, yung views na over a hundred thousand na. Naenganyo kaming mag-upload pa ng mga videos at parami-ng parami ang mga sumusubaybay sa amin. Dumami rin ang mga gigs naming, at gine-guest pa kami sa ibang bansa! Hanggang may kumontact na sa amin na recording studio and the rest is history."

"Wow! Ang ganda naman ng story nyo. Pang MMK! Hahahaha!"

"Actually pinalabas na nga sa MMK ang story ko. Hindi ka talaga nanonood ng TV ano."

OOOOOoopppppssss... eto na naman! Pahiya na naman ako! Namula tuloy ang mukha ko.

"Don't worry, hindi ako offended... I actually find it cute." Pinindot nya yung ilong ko, dahilan na naman para magwala ang puso ko! I really have to tame this heart of mine. It's getting out of hand! Ganito ba talaga ang magnet nya sa girls?! Imposible talagang hindi mainlove ang mga babae dito! Halos nasa-kanya na nga lahat. Ayun lang, pamin-san minsan ay lumalabas ang pagkapresko at masyadong mahilig mang-asar! Oh, well. Mabuti na lang at last day ko na syang kasama. My heart is safe from falling in love with him. Kapag hindi ko na sya nakikita, malamang ay mamatay na itong nabubuong pagtingin ko sa kanya.

"What if you didn't make it as a singer, would you be doing something else?"

"Music is my life! Hindi ko maimagine ang sarili ko na gumagawa ng ibang bagay. Kung hindi man ako naging successful na singer, siguro ang ginagawa ko ay in-line din sa music. I can be a composer, sound engineer, arranger. Basta, anything to do about music."

Talagang mahal na mahal pala nya ang musika nya.

"Wala ka bang balak mag-artista? Diba dito sa Pilipinas, kahit singer ka pinag-aartista ka? Especially sa mga sikat na katulad mo, halos pinapasok na lahat. Kailangan nga well rounded ka."

"There are tons of movie offers. Hindi ko lang pinapansin. Pero, baka sakaling mapapayag nila ako sa isang offer sa akin. Nabasa daw kasi ni Gaygie yung story sa isang pocket book. Well... Sabi nya, it fits my image perfectly. " Nagkibit balikat sya." Mukhang maganda din daw ang story... Tignan na lang natin. Babasahin ko muna, kung magustuhan ko at magkasundo kami ng producer, then why not."

"A talaga?" Ano kayang story yon.. base sa pocketbook? Hmmmm I wonder.

"Kanina ka pa nagtatanong sa akin, nakakalamang ka na. How about you? What would you be doing after you graduate?"

"Hmmmmm.. Actually, hindi ko pa nga naisip yon.. Hehehehe... Maghahanap ng trabaho? Siguro.. Magtatayo ng negosyo? Ano naman kayang negosyo? Hindi ko pa alam. As of now, ang goal ko ay maging suma cumlaude! Hahahahaha!!!! Ang taas ng panagarap e.. Wagas lang! Hahahah!"

"Well, you can achieve it, if you will put your mind into it.. Tiwala lang."

Nagkibit balikat ako...

The AIR i BreatheWhere stories live. Discover now