One shot no.1

20 0 0
                                    


•••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••
He's so possessive




"—yes, I know. You're so inlove with me. But, alam mo ba na Nakakasakal ka na? Lagi mo na lang ako nilalayo sa mga taong mahalaga sakin. Lucas! Best friend ko yung sinuntok mo! Sagutin mo ko, bakit ako hindi magagalit sayo?"

"Ara, I'm jealous! Di mo ba alam yun?! Kasalanan ko bang makita kayo sa daan na magkahawak ng kamay?! Damn Ara! I can't control my emotion pagdating sayo!"

"Yan! Diyan ako naiinis! Di mo makontrol ang emosyon mo! Nagseselos ka? Jusko Lucas! Ikaw lang ang mahal ko! Bakit ka pa nagseselos na iba?!"

"Di ko mapigilan! Kasalanan ko ba kung gustong akin ka lang?"

Nakita ko kung paano tumulo ang luha niya patungo sa kanyang pisngi. I don't deny the fact that I hate seeing her cry. Lalo pa't ako ang dahilan ng paiyak niya.




Nasasakal ko na ba siya? Ayaw ko lang naman na mawala siya sakin. Ang gusto ko akin siya habambuhay. Ang maging ina ng mga anak namin. Yung siya yung makikita mo pagkagising mo sa umaga.

Lumapit ako sa kanya at niyakap siya patalikod.

"Mahal, sorry na ha? Ayoko lang naman na may ibang lalaki na lumapit sayo kahit bestfriend mo pa yan. Sorry kasi masyado na kitang nasasakal, sorry kung masyado akong nagiging possessive sayo. Pero mahal ah? Huwag na huwag mo akong susukuan. Di ko kasi na mawala ka sa akin. Mahal di ko kakayanin...di ko kaya."

Sabi ko sakanya. Kumalas siya sa pagkakayakap sakin. At hinawakan ako sa pisngi gamit ang dalawa niyang kamay.

"Lucas hinding hindi ako magsasawang mahalin ka. Ang gusto ko lang naman ay huwag mo akong pigilan na makisalamuha mga taong mahahalaga sakin. Oo nasasakal ako minsan sayo pero di ako susukong mahalin ka. Kasi di ko rin kayang mawala ka sakin eh."

Napangiti ako sa sinabi niya. Damn I love this girl so much. Hindi na ako nakapagpigil at hinalikan ko na siya mga 5 seconds lang. Bitin.

"Oh, bakit ka nakasimangot dyan? Kani-kanina lang nakangiti ka ah?"

"Bitin"

"Che! So okay na ba tayo?"

"Syempre mahal ko pero huwag kang lalapit sa ibang lalaki ah? Baka kung anong magawa ko sa kanila."

Napasimangot naman siya. At hinampas ako sa braso.

"Awww! Bakit na naman?"

"Pinagusapan na natin 'to ah? Napakaseloso mo talaga."

"Seloso na kung seloso mahal. Basta you're mine and mine alone. That's a promise love."

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 08, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

One ShotWhere stories live. Discover now