11RFTE | 95

153 5 2
                                    

~Althea Francheska Blaire~
Nahihilo ako nang unti-unti kong iminulat ang mga mata ko pagkamulat ko ay nanlaki mata ko...

"Nasaan ako? Takte! May ginawa ba sakin ang mga manyak na yon!" nauutal kong sinabi habang pilit kong inaalala lahat ng pangyayari pero ni isa wala na akong maalala

Nang magbukas ang pintuan at nakita ko si Nath...

"Teka! Anong ginagawa mo dito!" sigaw ko sabay tayo at tinakluban ko sarili ko ng kumot

"Nakakaawa ka kasi eh muntik ka lang naman madakip ng mga manyak na gagong yun" sambit niya

"Eh! Bakit mo ako niligtas?! Ano na naman ba binabalak mo!" sigaw ko nararamdaman kong kumukulo na dugo ko sa inis

"Nasaan ba mga tagapag bantay mo huh? Akala ko ba poprotektahan ka nila eh sa nangyari kanina parang useless lang din sila tulad ko" sambit niya sabay uminom siya ng wine

"Sagutin mo ang tanong ko! Bakit mo ako niligtas! Sana pinabayaan mo na lang ako!" sigaw ko

"Oh halika dito! Ibabalik kita sa mga gagong yun!" sigaw niya sabay hinawakan niya braso ko

"Teka! Bitawan mo ako!" sigaw ko

"Ano bang problema mo?! Ikaw na nga itong niligtas ikaw pa itong galit!" sigaw niya

"Bakit mo ako niligtas!" sigaw ko

"Wala lang! Trip ko lang!" sambit niya sabay uminom ulit siya ng wine

"Pwede ba Nath? Huwag mo na akong iligtas... Huwag ka ng magbigay ng motibo kung saan aasa na naman ako!" sambit ko

Dadaanan ko na siya nang biglang nagsalita siya...

"Hindi kita maintindihan... Hindi ko rin alam ano ba nagawa ko sayo para ganituhin mo ako" sambit niya

"Binigay ko naman ang lahat lahat sayo wala na ngang natira sakin eh!" usal niya

"Althea... Hindi ko matanggap... Minahal kita pero niloko mo ako in a way na hindi mo nga ako pinagpalit nagsinungaling ka naman sakin" sambit niya

"Alam mo bang mas masakit pa yun kesa sa niloko? Minahal kita pero yun pala yung minahal ko ay hindi ikaw kung hindi yung pekeng Althea!" naiiyak niyang sinabi

Hinarap niya ako sabay binato niya ang wine sa sahig tapos itinulak niya ako sa pader...

"Now, tell me! Paano kita mapapatawad! Paano kita matatanggap! Sa kabila ng lahat ng kasinungalingan mo! Tangina! Althea! Ano bang meron sayo? Bakit ako nagkakaganito!" sigaw niya habang umiiyak na siya

"Nasasaktan ako Nath" sambit ko dahil ang higpit ng hawak niya sa kamay ko

"Nasasaktan? Anong sabi ng sakit na nararamdaman mo sa sakit na nararamdaman ko huh?!" sigaw niya

"Sige nga Althea sabihin mo sakin! Ipaunawa mo sakin! Ngayon!" sambit niya

"Hindi ko masabi dahil hindi ka naman makikinig sakin! Na kahit ilang beses ko pang ipilit na ipaintindi sayo hindi mo maiintindihan dahil yung sa tingin mo na yun ang iniintindi mo! Paano ko maipagtatanggol sarili ko kung hinuhusgahan mo na ako!" sigaw ko

"Sa tingin mo ba Nath madali para sakin itong mga ginawa ko? Sa tingin mo ba pinaglaruan kita? Ginawa ko yun kasi ayokong madamay ka! Kapag nalaman nila na may alam ka tungkol sakin! Maaari kang mapahamak! Tanda mo ba yung sinabi ko na kahit babae ako poprotektahan kita kasi nga MAHAL KITA!" sigaw ko

"Pero hindi sapat ang salitang Mahal Kita sa mga taong tulad mo... Nath... Kung ayaw mo na sakin... Kung hindi mo ako matanggap at patuloy na huhusgahan... Then let me go... Kalimutan na natin ang isa't isa dahil doon lang tayo magiging maay~"

11 Roses From The Elite BoysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon