11RFTE | 41

247 9 0
                                    

~Kean Brylle Park~
Nandito na ako sa labas ng Amusement Park hinihintay ko na lang na dumating siya. Nakasandal ako sa may puno habang nakikinig ng kanta...

Nang biglang may tumapik sa balikat ko at napangiti ako nang makita ko na siya...

"Sorry... Natagalan ako... Ayos lang ba suot ko?" sambit niya sabay tingin sa damit niya

"Oo naman... Bagay sayo" sambit ko

Napangiti naman siya at hinila niya na ako papasok sa Amusement Park

"Grabe! Ngayon lang ako ulit nakapunta dito!" sambit niya sabay ipinikit ang mata niya

"Ganun? Hmm. So anong gusto mong itry na rides muna?" sambit ko

Napatingin siya sakin sabay hawak sa baba niya...

"Hmmm... Roller Coaster!" sigaw niya sabay taas ng kamay

"Sige!" sambit ko sabay taas rin ng kamay at nagtawanan kami

At nagpunta na kami sa may roller coaster buti hindi ganun kahaba kasi mas mahaba dun sa may Ferris-wheel

"Ah two tickets please" sambit ko sabay abot ng bayad

"Here Sir"

At kinuha ko na yung ticket kinakabahan na ako sa totoo lang takot ako sa matataas eh pero eto gusto ni Althea I have nothing to do about it...

"Ahhhhhhhhhhhhhhhhhh!"

Mas lalo akong kinakabahan ng marinig ko hiyawan ng mga nakasakay sa roller coaster

"Kean! Kean! Mukhang masaya no?!" sambit ni Althea habang pinagmamasdan yung roller coaster

"Ah oo nga haha" sambit ko

"Pagkatapos nito try natin yun! Yung tataas tapos biglang bababa!" sambit niya

"H-huh? Sigurado ka?" tanong ko

"Oo! Mukhang masaya rin eh! Tapos sunod Viking!" sambit niya

"At yung zip line!" dagdag niya

Papatayin yata niya ako sa kaba ah? Kakaiba itong babaeng ito! Hindi ba siya natatakot? Makalaglag puso yung mga gusto niyang subukan!

"Ah sige lang" sambit ko

Tapos natapos na rin ang paghihintay namin isa isa na kaming sumakay sa roller coaster syempre magkatabi kami ni Althea

"Wah! Nakakaexcite!" sambit niya habang nakahawak siya sa may hawakan

"Oo nga eh!" sambit ko sabay ngiti

At napalagok na lamang ako nang nagsimula ng umandar ang roller coaster hanggang sa para na kaming nahulog at paikot ikot sobrang bilis...

"AHHHHHHHHHHHHHHH!" sigaw ko

"Ahhahahahaha!" natatawang sinigaw ni Althea

Napatingin ako sa kanya nakangiti siya kahit na nakakatakot itong sinasakyan namin...

"Wah. Grabe ang saya sa susunod susubukan ko ulit ito!" sambit niya

Habang ako parang pakiramdam ko naiwan kaluluwa ko sa itaas...

"Uy... Ayos ka lang ba?" tanong niya

Napatingin ako sa kanya sabay ngiti

"Oo naman ayos lang ako... Tara na subukan naman natin yung isang iyon" sambit ko sabay turo dun sa tataas na biglang bababa

"Oh sige tara!" sambit niya sabay hinawakan niya kamay ko

Mas lalong bumilis tibok ng puso ko...

11 Roses From The Elite BoysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon