Chapter 11

49.2K 1.7K 158
                                    

"What?! You'll work as their secretary? And you'll even live with them?" gulat na tanong ni Daize habang patuloy na pinapahid ang moisturizer sa pagmumukha niya.

Tumango naman ako bago ipagpatuloy ang pag-iimpake ng mga gamit ko. Nasa gilid ko sila Vivrianne at Red na abala rin sa pagtulong sa akin. Itong baklang 'to, daldal lang ang iniambag. Sabagay, baka kasi mamaya kapag nakita nito mga panty at bra ko nakawin niya pa.

"This is weird. Alam mo, Eerrah, hindi sila basta basta nagtitiwala sa ibang estyudante. There are some confidential informations they hold, may mga bagay silang pinag-uusapan na hindi pwedeng marinig ng ibang tao. Kaya nagtataka lang ako kung bakit gano'n na lang kadali para sa kanila na kuhanin ka," mahabang pagdadrama ni Red sa tabi ko.

Kinagat ko ang ibabang labi bago ihanda ang sarili sa pagyayabang. "Feeling ko nga crush ako ng councils, e." They all laughed in chorus na ikinatawa ko na rin. Hindi naman ako seryoso sa sinabi ko, kailangan ko lang silang biruin para hindi na nila ako usisain ng mga tanong na pang-out of this world.

"Shemay, lumayas na kayo. Salamat sa pagtulong, kailangan ko nang magmadali. Ang taray kasi ng Primo na 'yon akala mo naman kaya kong makapag-empake sa loob ng isang oras," gigil na saad ko habang pabalyang nilalagay ang mga hindi ko pa natutuping damit sa loob ng maleta.

"Primo? Nakausap mo si Primo?" gulat na tanong ni Vivrianne sa akin. Nakakunot noong tumango ako. Ano namang big deal kung nakausap ko si Primo? Ay hindi, siya, siya pala ang nag-initiate ng usapan namin. Kung hindi ko lang talaga nasaksihan 'yung kabrutalan niya edi sana ang saya kong natutulog ngayon sa kama ko.

"Anong m'eron?" tanong ko pabalik nang mapansin na hindi pa rin makapaniwala ang mga reaksyon nila. 

"N-Nagulat lang kami. Hindi kasi nakikipag-usap si Primo sa kahit na sinong tao, kaya nakakapanibago. Also, he doesn't usually show himself infront other people. Dalawang beses pa nga lang naming siyang nakikita," paliwanag ni Red.

Daize nodded his head. "Omg, tumpak ka girl! But you know what Eerrah-girl? Noong nakita ko siya sa personal, he's like an angel talaga! Pero scary nga lang, super handsome pero super nakakatakot, omg." Tumawa pa ito habang nakapatong ang palad sa bibig.

Mabilis ko siyang binato ng lapis, Daize immediately throw death glares over me na sinuklian ko lang ng irap. "Nagpapantasya ka na naman! Ha?! Hindi mo pa nga tapos 'yung aasikasuhin nating papers kay professor Salih! Akala ko ba magaling ka sa subject niya?" inis kong tanong.

He gave a laugh. "Of course, duh! Malapit ko na kayang matapos. Ang laki ng ambag ko sa project natin, I'm so maganda kasi at the same time I'm so smart din like a goddess. Omg, you can't make abot my level of intelligence nga!" Talagang nag-twerk pa sa harap ko!

Bago ko pa siya mabalibag ay mabilis na silang nakatakbo papalabas ng kwarto ko. Pinilig ko na lang ang ulo bago asikasuhin ang mga maletang nakahanda sa ibabaw ng kama ko.

"Ako na diyan Eerrah!" nakangiting alok ng mga council bago agawin sa kamay ko ang maleta at bag na bitbit ko. Nag-aagawan pa sila sa pagtulong sa akin, akala mo ako ang nagluwal sa kanila.

"Naks. Magkano ba kailangan ninyo mga alipin? Piso lang yata pera ko rito," pagbibiro ko. Nagtawanan ang mga babae habang nakangiting napailing na lang ang apat na lalaki sa gilid. Puwede na pala akong magtrabaho bilang comedian. Magkano kaya sweldo ko. Feeling ko malaki-laki kasi bonus pa 'yung pagiging maganda ko.

"You're so cute talaga, Eerrah! I really like your personality!" nakangiting irit ng cute size na babae sa tabi. Ngumiti naman ako sa kaniya nang pure na pure. Gustong-gusto ko talaga 'yung mga honest.

"Ano nga palang mga pangalan ninyo? Sensya na ha? Famous kasi ako, hindi ko kayo kilala," saad ko habang marahang kinakamot ang pisngi. Sinundan naman agad 'yon ng tawanan.

"Hi, Eerrah! I am Black Maverick Light." Nakangiting nilahad ng lalaking nakasalamin ang kamay niya na agad ko namang tinanggap. Sumunod sa kaniya ang katabing babae. "I am Diamond Clemestine, Black's girlfriend."

Tinanggap ko rin ang kamay niya bago balingan ang isa pang pares na nasa harapan ko. "Hello! I'm Czalette Montervo Park, Senses' girlfriend." Ah, ito pala ang girlfriend ng ex-crush ko. Nice.

Ngumiti sa akin ang babaeng katabi niya. "I am Dice Montevergo, right here is my boyfriend, Silver." Pabalang na hinila ng babae ang syota niyang nahihiya pang yumuko sa akin. "I'm sorry. Mahiyain kasi 'tong impakto na 'to."

I just smiled awkwardly. Sana all na lang sa mga may syota. Kaya siguro walang relasyon ang councils sa ibang estyudante, sila-sila rin pala ang nagkakatalunan. Nakangising bumaling ako kila Kaliber at Aeiou na agad akong pinanlakihan ng mga mata.

"Mag-jojowa pala 'tong mga ka-myembro ninyo. Kayo kaya?" pang-aasar ko na sinapawan pa ng ibang miyembro ng councils. Namumulang umiwas ng tingin ang dalawa sa akin.

Bumaling ang tingin ko sa ex-crush ko nang ilahad nito ang kamay sa harapan ko. "Hi, I'm the vice president of councils, Senses—"

"Huwag ka na, kilala na kita, naging crush pa nga kita for 5 secods," pagputol ko sa kaniya. Agad naman akong bumaling kay Czalette. "Pero huwag kang magselos kasi 5 seconds lang 'yon, may panibago na akong crush, si Primo. Nasaan ba 'yon? Miss ko na siya," dire-diretsyo kong sabi. Natawa naman sila sa sinabi ko.

"What are you still doing here?" Halos mapatalon ako sa gulat nang may magsalita sa likuran ko. Agad akong bumaling kay Primo na wala man lang karea-reaksyon ang pagmumukha.

"Nice, walang baril," bulong ko habang bahagya pang sinisipat ang katawan niya. Mamaya maglabas 'to ng samurai tapos pugutin leeg ko. Sayang naman pagpapakilala ng councils sa akin kung mamamatay lang ako sa harapan nila. Common sense naman.

 "Go upstairs and fix your things," utos niya sa akin bago bumaling sa mga tao sa likuran ko. "Councils, meeting in 5 minutes. Eerrah, join us." Pagkatapos niyang sabihin 'yon ay tinalikuran na niya kami. Senses and Black immediately followed me to help me with my things. Pero hindi pa kami nakakatapak sa unang hagdan ay agad na tinulak ni Primo ang noo ng dalawa.

Tatlo yata kaming nanigas sa kinatatayuan namin nang makita kung gaano kasama ang titig niya sa dalawang lalaki. "Prepare the meeting room, ass holes." Pabalang na kinuha ni Primo ang maleta at ang backpack ko mula sa dalawa.

I just waved my hand to Black and Senses na sumaludo na lang sa akin bago bumalik sa kaninang pwesto. Nakasimangot na sinundan ko si Primo papaakyat sa second floor. Nang ilapag niya ang maleta sa harapan ng pintuan ng kwarto ko ay agad siyang bumaling sa akin.

"You're here to help my members and work as our secretary, hindi kita pinapayagang makipaglandian sa mga miyembro ko," malamig niyang saad. Napangiwi ako sa sinabi niya.

Sapul na naman ako, wala naman akong ginagawang masama, eh. Bwisit 'to.

KNIGHTS I-1: Empires High (Primo Knights)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora