Ang simula

29.8K 547 9
                                    

Simula

Chezalle Annicka "Cheska" Quintosse

"Ms. Quintosse and Ms. Degour, we are sorry to inform you that your scholarship program is no longer in the line for the next semester."

Napahawak ako sa aking noo. I feel like my world collapsed. Hindi ko alam ang gagawin. Alam kong mangyayari ito dahil natalo sa eleksyon ang nagbigay ng scholarship na ito sa amin. Hindi ko lang inasahan na agad-agad. Nasa huling taon na kami at gagraduate na. Tapos... tapos...

"Ma'am wala ba talagang ibang paraan para ipanatili namin ang pag-aaral dito?" naiiyak na tanong ng kaibigan kong si Joreen.

"Iyon ay kung makakahanap pa kayo ng scholarship ngayong araw. Kung bukas, sorry na lang po. Hanggang ngayon na lang ang extension ng enrollment for this semester."

"Saan naman kami makakahanap nang agad-agad na scholarship? Ma'am, sige na o. Kahit ito na lang. We can't afford your tuition fee here. Isa pa, graduating students na kami! Just please consider us!" Joreen said desperately.

"I'm sorry, Ms. Degour. I am only following the order from the head. Sorry."

Naibagsak ko na lang ang aking balikat at malungkot na lumabas ng scholarship office.

"Cheska, transfer na lang tayo. Wala na tayong choice. Hindi natin kaya ang tuition nila dito. Kung ibebenta naman natin ang ating katawan, kulang pa din ang makikita nating pera doon."

No! Walang katawang ibebenta! Why the hell she is thinking that way?

Ibinalik ko ang tingin kay Joreen na siyang pinagsakluban ng langit at lupa katulad ko. Kinuha ko ang kamay niya at hinawakan. Binigyan ko siya ng ngiting pilit at napaiyak siya.

"Ches. Ang sakit nung sinabi nung registrar. Hindi man lang niya dinahan-dahan." I sighed as I watched her sobbing.

She's right. Napaisip din ako. Kahit doblehin ko pa ang pagtatrabaho sa canteen dito, ay kulang pa din iyon na pangbayad sa isang sem. Sa sobrang mahal ng paaralang ito, kumakapit din sa scholarship ang iba para lang makapag-aral dito. Pero kami, kahit anong kapit pa ang gawin namin, wala ding silbi. Dahil mismo ang nagbigay ng scholarship program sa amin ay bumitaw na.

Napatingin ako sa makulimlim na kalangitan na tila naging repleksyon ng aming damdamin. Nasa huling taon na kami sa kursong I.T at isang taon na lang ay matatapos na sana ang paghihirap naming ito.

"We have a choice, Joreen. We have a choice." I said with a little hope in my heart.

Reaching You Down (MUST Series #2) PUBLISHEDWhere stories live. Discover now