62

407 41 18
                                    

Inaasahan ko party ang dadatnan ko sa bahay nila Felix pero hindi...madilim, Tanging ilaw lang ng mga kandila ang makikita na nagiilaw sa daanan papunta don sa may garden nila.

Sinamahan ako ni Hyun Jin na maglakad hanggang sa may kalagitnaan ng pathway at umalis rin na rin sya. Nagtataka ako kung tapos ang creepy pa.

Umihip ang malakas na hangin at namatay lahat ng ilaw na kandila at wala akong nagawa.

"Kuya!Nasaan ka?".

"Wag kang magalala nandito ako".Ng bigla kong narinig ang malalim na boses ni Felix at kasabay pa noon ang paghawak nya sa kamay ko at ang pagbukas ng spotlight sa tapat ng isang table sa gitna ng garden. Napatulala na lang ako sa sobrang ganda ng ayos sa garden.

Humawak sya ng mahigpit sa kamay ko at naglakad kami papunta doon at pinaupo nya ako sa upuan. Ngumiti naman sya sa akin na dahilan upang ang puso ko'y tumibok ng malakas.

"It's been a year". Sabi nya habang nakatingin sa mga mata ko na dahilan napan para yumuko ako dahil hindi ako sanay sa mga ganon.

"Wag ka mag alala, pumayag si Guanlin dito". So ibig sabihin pinamimigay migay nya na lang ako ganon?!

"Felix...it's time to move on". Bigla na lang lumabas sa bibig ko yun na dahilan naman para mahiya ako, birthday nya kailangan nyang maging masaya.

"Sorry". Dagdag ko.

"Okay lang....".

"Happy Birthday nga pala". Sabay kuha ko sa bag ko ng regalo ko sa kanya na ibibigay ko sana last birthday nya kaso nga.....

Iniabot ko naman sa kanya yon at ngumiti sa kanya ng peke.

Bubuksan na sana nya pero kaagad ko syang pinigilan.

"Wag muna...kapag nakaalis na ako tsaka mo na lang buksan". Tumango na lang sya at nagiwan ng ngiti sa kanyang mga mata.
__

SML {Seen Mo Lang}  ❥ Lee Felix [Completed] Where stories live. Discover now