Part 23

5K 99 1
                                    


<NIA's POV>

Dahil araw ng sabado, naisipan namin ni Tamara na gumawa ng juice at popcorn. " Mauubos ba natin 'to?" ani Tamara sa'kin nang bahagyang maparami ang popcorn na ginawa ko. "oo naman, mag hohorror movie marathon tayo diba? Sigurado akong mauubos natin 'to" sagot ko naman sa kanya. "unless ayaw mong manood ng horror." dagdag ko pa "of course not, hindi naman ako matatakutin no," sagot niya naman sa'kin na pinagkrus pa ang braso at umirap,natawa naman ako sa tinuran niyang iyon. "AHHHH" isang malakas na sigaw ang umalingawngaw sa buong bahay habang nakasiksik sa'kin si Tamara at ang mukha ay pilit na itinatago sa likod ko. "oh, akala ko ba sabi mo hindi ka natatakot?" tanong ko sa kanya. Kahit ang totoo'y maging ako ay takot na takot na rin. Dahan dahan siyang kumawala sa pagkakasiksik sa'kin at pagkatapos ay nagsalita. " sorry, I was just surprised, that's it," sagot niya sa'kin habang pilit na ibinabalik ang composure. Muli ay bumalik sa normal ang lahat, nakapatong pa pareho ang mga paa namin sa sofa habang panay ang subo ng popcorn. "AHHHH" sabay kaming napasigaw ni Tamara sa gulat. Muli itong sumiksik sa'kin. Ilang sandali pa'y biglang napalabas si Tyrone sa kanyang kuwarto saka inis na inis na nagsalita "ano ba ang iingay niyo," angil niya sa'min. "s-sorry kuya, we're watching scary movie kasi." sagot naman ni Tamara sa kanya. Bumaling naman siya sa'kin saka nag salita. "I don't care kung ano pa ang pinapanood ninyo,but can you please shut up! May kausap ako sa phone yet ang iingay ninyo." pagkasabi nun ay tumalikod na siya sa'min. Nagkatinginan nalang kami ni Tamara pagkatapos ay sabay na tumawa.

<Narrator>

Pagkabalik ni Tyrone sa kuwarto niya ay kinuha niya ang kanyang phone saka muling tinawagan si Laura. "Hello babe," aniya sa kabilang linya. "what happened there? I heard a horrible scream." anito sa kanya. "well, it was Nia and my sister. Nanonood kasi sila ng horror." sagot niya naman dito. "what? Parang bata naman yang wife mo! Talagang kinukuha niya pa ang loob ng sister mo ahh," inis na sabi naman ni Laura sa kanya. "don't worry babe, everything will be okay soon, kumikilos na si Charles, in fact magkasama na nga sila kanina sa mall eh," nakangiti namang sagot niya dito. " oh really, I think I should treat him for his good job," natutuwa namang sagot ng nasa kabilang linya. Napangiti naman siya sa sinabi nito. "by the way babe I have to go, Kayla will be here soon,they're having a sleep over here at my house tonight." paalam pa nito sa kanya. "baka naman may mga guys pa kayong kasama diyan babe ah" aniya dito. "of course not! puro lang kami babae dito no" natatawa naman sagot nito sa kanya. "okay fine, but make sure na puro babae lang yan ah," aniya dito. "of course, sige na bye na, I love you" paalam pa nito sa kanya. "I love you too" nakangiti namang sagot niya dito. Pagkatapos nilang mag-usap ng kasintahan ay naisipan niya munang lumabas.

<NIA's POV>

Dahil hindi ako madapuan ng antok, naisipan ko munang maglakad-lakad sa labas. Tamang -tama at maganda ang gabi. Iginala ko ang paningin ko sa paligid napakaliwanag ng buwan. Habang patuloy ako sa paglalakad ay may napansin akong isang tao na nakaupo sa isang tabi, nakatingala ito sa langit. At dahil nga maliwanag ang buwan, namukhaan ko agad kung sino ito, walang iba kundi si Tyrone. Alam kong hindi kami magkasundo at pareho naming hindi gusto ang isa't isa,pero hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at bigla akong napaupo sa tabi niya. "what are you doing here?" tanong niya sa'kin nang makita ako. "wala lang,hindi kasi ako makatulog kaya naisip kong maglakad-lakad na lang muna." sagot ko naman sa kanya. "ikaw ano naman ginagawa mo dito?" tanong ko. "just meditating, " matipid namang sagot niya sa'kin. "ha? Tungkol saan naman?" kunot noong tanong ko sa kanya. "about everything, andami lang kasing nangyari ngayong taon na'to, especially my sudden marriage with you, it seems like, my life is going to nowhere." aniya sabay lingon sa'kin. Hindi ako nakasagot sa sinabi niyang iyon. Pero sa totoo lang, nasaktan ako sa narinig ko. "p-puwede ba akong magtanong sa'yo?" sabi ko sa kanya. "go ahead" aniya habang ang mga mata ay nasa kalangitan. "ever since kasi nag move ako dito, ni hindi ko kayo nakitang nag-usap ng daddy mo. May problem ba kayo?" sandali muna siyang nanahimik bago sagutin ang tanong ko. " how would I talk to him kung lagi siyang wala? Besides, hindi naman kami nag e-exist for him eh." sagot niya sa'kin. Pansin ko ang lungkot at hinanakit sa sinabi niyang iyon. Pero hindi ko alam kung pa'no ito iibsan. Ilang sandali pa ay tumayo na ito. "I'll go ahead,inaantok na kasi ako eh," paalam niya sa'kin at pagkatapos ay dire-diretso nang pumasok sa loob. Naiwan akong nakaupo habang pinagmamasdan ang buwan. Pero maya-maya pa ay nagdesisyon narin akong tumayo at pumasok. Habang binabaybay ko ang daan patungo sa kuwarto ko, ay muntik na akong napasigaw nang may biglang humawak sa braso ko. "Tamara! Grabe ka ginulat mo ako." sabi hapu-hapo ang dibdib kong sabi sa kanya. "Ate Nia pwede bang doon ka nalang sa room ko matulog?" tanong niya sa'kin. "b-bakit naman?" tanong ko naman sa kanya. "k-kasi natatakot ako eh, naiisip ko kasi yung pinanood natin kanina." aniya. Wala na akong nagawa kundi pagbigyan ang hiling niya.

Nang sumunod na araw naman ay isang kakatwang bagay ang nangyari, hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ni Tamara at basta niya na lang akong pinaupo sa tapat ng desk niya na may nakapatong pang malaking salamin . "anong gagawin ko dito?" nagtatakang tanong ko sa kanya. "I'm gonna give you a make over,"sagot niya sa'kin. "ano?" gulat kong tanong sa kanya. "may napanood kasi akong tutorial sa youtube. So I'll try to do it." aniya. "okay,"sagot ko naman sa kanya. "oh my god ate Nia you're so pretty." manghang sabi niya sa'kin nang matapos akong ayusan. Maging ako ay namangha, hindi ko alam na ganun pala ito kagaling mag-ayos. Ilang sandali pa'y hinila niya ako palabas. "t-teka sa'n tayo pupunta?" tanong ko sa kanya. "I'm gonna ask kuya's opinion about your look." aniya habang hila-hila ako. "ano?" gulat kong tanong dito.

Naabutan namin si Tyrone habang nanonood ng tv sa sala. "kuya look at ate Nia" ani Tamara sa kanya. Bigla akong kinabahan nang tumitig siya sa'kin, tinitigan niya ako mula ulo hanggang paa. "isn't she pretty?" nakangiting tanong ni Tamara sa kanya. Ang tagal bago siya nagsalita, nakatitig lang siya sa'kin. Ilang sandali pa'y sumagot na ito. "kinda," aniya sabay muling ibinaling ang atensyon sa pinanonood. "hissh,wala talagang pakialam to," inis na bulong ko sabay pasimple siyang inirapan. "knock-knock," bungad ni Charles sa'min. "oh, pare napadalaw ka? Dapat tinawagan mo nalang ako para ako nalang bumisita sa'yo" nakangiti namang sabi ni Tyrone sa kanya. "No it's okay pare, hindi naman ikaw pinunta ko dito eh,si Nia" aniya sabay baling sa'kin. Pansin ko namang parang nagulat si Tyrone sa sinabi niyang iyon. "ay oo nga pala, yung project pala natin. Uhmm wait lang Tam ha, may project kasi kami na kailangang gawin." paalam ko kay Tamara. "sure ate, I'm fine" nakangiti namang sagot niya sa'kin. "Wow Nia you look stunning today!" bulalas niya ng makita ang ayos ko. "my creation!" pagmamalaki naman ni Tamara sa kanya. "good job Tam," aniya naman na bahagya pang ginulo ang buhok nito. Bahagya naman akong napayuko dahil sa pagkailang.

< NARRATOR>

"tama ba 'yang ginagawa mo, para kasing may mali" natatawang sabi ni Nia kay Charles habang nag i-sketch ito. "bakit tama naman ah," nakatawa pang sabi nito sa kanya. Lingid sa kaalaman ng dalawa ay palihim silang pina-no-nood ni Tyrone. "gusto mo ba ng juice?" narinig pa niyang tanong ni Nia kay Charles. "sure, 'wag lang masyadong malamig ha,baka kasi sumakit lalamunan ko." sagot naman nito sa kanya. "coffee na lang gusto mo?" muling tanong ni Nia dito. "much better" nakangiting sagot naman nito sa kanya. Hindi maintindihan ni Tyrone kung bakit para siyang naiinis sa ikinikilos ng dalawa. Kahit na aware naman siya na siya ang nakiusap sa kaibigan na lumapit sa asawa niya. Ilang sandali pa'y biglang gumawi ang tingin ni Nia sa kinarorooonan niya. Nagpanggap siyang walang pakialam at muling ibinaling ang tingin sa tv. Nang mapansin niyang hindi na ito nakatingin ay muli niya nanamang ibinaling ang tingin sa dalawa. Nang matapos na ang ginagawa nang dalawa ay nagpaalam na si Charles, nag rekomenda si Nia na samahan ito hanggang sa may sasakyan niya pero tumanggi ito at sa halip ay si Tyrone nalang ang sumabay dito. "good job pre, ang bilis mong nakuha ang loob niya ahh," nakangiting sabi niya dito. "well, hindi naman kasi siya ganun kahirap kaibiganin, she has this jolly personality at napakabait pa." nakangiti namang sagot nito sa kanya. "jolly personality? Mabait? I don't think so" hindi makapaniwala na sabi niya dito. "pa'no mo naman kasi makikilala ang ugali niyang yun kung hindi mo siya panapakitunguhan ng maayos." sagot naman nito sa kanya. "well I have no intention of getting to know her more, I just want to get rid of her" sagot niya dito. "well if that's what you want." kibit balikat lang na sagot sa kanya ni Charles. "but take care, baka mamaya ikaw pa ang mainlove sa kanya" paalala niya sa kaibigan "well, I don't see that as a problem, besides, you're gonna divorce her soon." nakangiti namang sagot nito sa kanya. Wala siyang naisagot sa sinabing iyon ng kaibigan. "any way I have to go" paalam pa nito sa kanya. Hindi niya alam kung bakit tila ba naiinis siya sa sinabi sa kanya nito, bagama't tama naman ang sinabi nitong balak niyang i divorce si Nia. Parang may kung anong bagay na pumipigil sa kanya na gawin ito. Pero isinantabi niya nalang iyon, at naisip na marahil ay hindi niya lang talaga gusto ang asawa para sa kaibigan niya.

My Arranged Marriage With The  President's Son  ✔حيث تعيش القصص. اكتشف الآن