Chapter 2

6 2 2
                                    

"Class, meet your new classmates." Sabi nung professor. "Say hi and state your name." Sabi niya sa 'min ni Chadey baby. Chadey baby? Hahaha. Ang cute naman. *_______*

Lahat na yata ng babae nakatitig kay Chad. Parang matutunaw na yata 'tong partner ko sa kakatingin nila. Psh.

"Hi everyone! My name is Chadey Art Cordova and I'm from Holland. Bumalik ako para dito na mag-aral and to be with my father also."

Na amaze lahat sa sinabi niya. Parang mga ignorante naman 'tong mga taong 'to. Porket galing Holland, naghiyawan na sa tuwa. Tse.

"Chad dito ka umupo sa tabi ko." -Girl 1

"Dito oh!"-Girl 2

"Dito ka nalang."-Girl 3

Lahat na ng babae nag-offer. Halos paghahampasin na nga ang mga katabing lalaki para pa upuin lang si Chad. Sus. Eh ako kaya? Subukan ko nga. Ahem.

"Hi guys." Pasigaw kong sabi."My name is Coliene Santos, call me Colie and I'm from Manila."Nakatulala lang silang lahat. Nasilaw yata sa ganda ko. "Hellooo?" Bati ko sabay kaway sa kanila. ^_____^

Diring-diri kung makatingin sila atii at koya ah. Ano ako tae? Eh kung paghahampasin ko ka'yo? Ano?

"Chad, dito ka na lang." Sigaw nung isa sabay tulak sa katabi niya.

"Here."Dagdag nung isa.

"Girls,girls, easy. Me and Ms. Santos will sit at the back."

"What?!!!!!!" Sabay nilang sigaw. Yung totoo ? Speech Choir member kayo no? Hahaha.

Hinila ako ni Chad papunta sa likod ng klase. Lahat ng babae parang gusto akong saksakin. Kung ganito man lang ang mangyayari edi sana nagsuot ako ng bullet proof . Hahaha. Inggit lang kasi kayo! Tse.

"Hi Anna." ^______^ Sabi nung lalaking may braces ang ngipin na naka-eyeglass at jumper ang suot at kumaway siya sa 'kin.. Yung totoo? Kapatid ka ni budoy ano? Hahaha.

"Hello. What's your name?" Tanong ko sa kanya. Feeling ko magkakasundo kami neto. :)

"My name is Tod Lopez. Nice meeting you Anna."Wagas ang smile neto parang high araw-araw.

"You know what? I like you. Pwede bang maging mag-bestfriend tayo?" I asked him while giving the biggest smile I have.

"I like you too. Bff!" Pasigaw niyang sabi habang nakangisi yung tipong kita na ang gilagid. XD

Ang saya naman at first day of school may nakilala na agad ako. Si Tod na walang ibang ginawa kundi magkwento at tumawa. Si Chadey baby ko na parang nandidiri pag nahuhuli kong nakatitig sa'kin. Ang sarap niyang asarin 'yung tipong parang gusto na niya akong sapakin. Hahaha.

I winked at him and he gave me a 'I'll kill you' look. Parang lumipad kaluluwa ko nun ah. Nakakakilig naman kasi ang mga mata niyang color brown. Ang tangos pa ng ilong at ang sarap lamugin ng labi. Perfect talaga kaming dalawa. Hahaha. *______*

"Class? You can go now." Sigaw ng professor namin habang nililigpit ang mga gamit niya.

Lahat ng lalaki nagsilabasan papuntang canteen at ang mga babae naman ay naghihintay sa labas ng classroom namin. For sure hinihintay nilang lumabas si Chadey

baby ko. Hm. Maunahan nga kayo.

"Ahm. Chadey bab. . ay Chad ?" Muntikan na 'yun ah.

"Yes? What can I do for you?" Patanong niyang sabi habang nakasimangot.

Ang cute niya talaga pag nakasimangot ang mukha niya. Ang sarap kurutin at hampasin ng bonggang bonga.

"Pwede bang sumabay ka sa'min ni Tod mag-lunch?"

"Oo nga Chad. Sabay ka nalang sa'min ni Colie." Sigaw ni Tod habang nakangisi.

"Okey lang. 'Wag na kayong mag-abala pa."

"Sige ka! Maraming babae ang nag-aabang sa'yo sa labas baka dumugin ka nila pag nalaman nilang ikaw si Chad."

Napatitig siya sa 'kin bigla. Hahaha. Effective 'ata ang pananakot ko. ^____^

"I don't care."

"Okey. Tara na Tod. Eh tayo na nga 'tong nagmamagandang loob siya pa 'tong suplado." Sigaw ko kay Tod habang palabas na ng classroom.

"Okey." Sigaw ni Tod pabalik.

"Huy! Siya ba si Chad?" - Girl 1

"Sumagot ka kundi tanggal yang mga braces mo!"- Girl 2

Wow ha! Grabe naman kung makapagtanong sila ate parang papatayin na ako.

Tiningnan ko si Chad at nanlaki ang mga mata niya. Ang cute niya talaga! ^___^ Well kung sasabihin ko sa kanila na siya si Chad aba baka 'di na ako makalapit sa baby ko. Walang sa inyo girls, akin lang ang baby_Chad ko! Akin lang!

"Ah siya ba? Hindi. May mas gwapo pa sa kanya kaya lang nakaalis na kanina pa. 'Di niyo lang siguro namalayan. Ayun oh! Kakadaan lang!" Pasigaw kong sabi habang tinuturo ang lalaking kakadaan lang.

Lumingon sila lahat at nagsisipagtakbuhan. Mga shunga naman kasi sila naniwala agad.

Back to Chad, parang bumalik bigla ang kaluluwa niya sa sinabi ko. Ang cute niya pa rin kahit namumutla na.

"Ano? Gusto mo parin bang mapag-isa?" Pangiti kong tanong yung tipong kita talaga ang gilagid para naman cute akong tingnan. ^___^

"Fine!" Sagot niya habang nakasimangot parin sa'kin.

Sabay kaming tatlo naglakad patungong cafeteria. Syempre marami pa rin ang nakatitig ky Chad yung tipong halos maglalaway na.  Kaya naman nagkaroon agad ako ng bright idea.

Dumaan kami sa may likod ng building. Ninja moves mga dre eh kasi nga ayokong tinititigan ang baby ko ng mga maduduming mata. Gusto ko ako lang. Ako lang talaga.

Nakarating kami sa cafeteria na puno ng putik ang sapatos. Syempre yung dalawang kasama ko parang papatayin na ako sa galit eh halos putik na talaga ang sinuot nila. Buti nalang at may dalang extra shoes si Tod kaya pinahiram niya si Chad. Halos magkasing-tangkad lang sila ni Chad at magkapareha lang ng features except sa mukha.

Ayon kumain kami ng matiwasay sa cafeteria eh kasi naman ala-una na ng hapon. Jusko! Halos maubos ang oras namin sa kakalinis ng mga sapatos namin. Mabuti nalang wala kaming mga pasok at nagkataon rin na magkaklase kami sa lahat ng subjects.

"Chad? Tanong ko lang, ba't ka pala bumalik dito?"

                      xxxxxxxxx

Vote, share and read for more updates. :))

Hope you guys like it :))

Call Me Colie [On Hold]Where stories live. Discover now