Chapter 61: Love Is A Losing Game

84.6K 1.6K 328

Chapter 61: Love Is A Losing Game


AGAIN, THANKS FOR THE COMMENTS SA LAST CHAPTER! ANG HABAAAA! SANA PALAGING GANON. CHOSS XD

Maikli lang 'to. Medyo rattled pa rin ako dahil dun sa Habagat. Keep safe guys!

Comment and vote after/pag nagustuhan nyo ang update, okay? 

--

JANUARY


Siguro January ang pinakaayaw na buwan ng graduating HS students. Kasi yung June-December, di pa nila feel na gagraduate sila. Chill lang.

Kaso pag nagsimula na ulit ang taon, ayun na. Ramdam na.

So.. the countdown starts now.

-

"ANO BA YAN BARBS! NEW YEAR NA NEW YEAR NAKASIMANGOT KA!"

Kumunot na lang ang noo ni Barbs, as always. "Eh ikaw, New Year na New Year nakasigaw! Are you high, Viv?"

"Hindi naman kasi ako high, B. What I'm trying to say is.. New Year na o! Smile naman!"

"Kelan ka pa naging Hallmark greeting card? Psh." Natulog na lang ulit sya sa desk nya. Distracted sya buong Christmas vacation. Imbes mag-aral para sa Quarterly Exams (na next next week na) at manuod ng series, isang bagay lang ang naiisip nya.

"Two months ago, I went to the wrong house."

Hindi nya maarok kung ano ang ibig sabihin ni Cyrus dun sa linyang yon. Two months ago.. October? Anong nangyari nung October? As usual marami. Pumunta ba ito sa bahay nila?

Maling bahay nga raw ang napuntahan. Eh ano nang ibig sabihin nun?

"B!!"

"AY CHEKWA!!!" sinamaan nya ng tingin si Vivien. "Lakas ata ng sapak natin ngayon ah!"

"Wala lang! Ang seryoso mo na kasi dyan. Smile na dali!"

'Eh kasi ikaw masaya ka, ako nawawarla na rito,' yan ang gusto nyang sabihin kay Vivien kaso ang taray naman ata masyado nun. Effective nga ang birthday surprise nilang dalawa ni Lean. Haaayyy [:(]

Tatanungin ba nya si Cyrus? She's afraid to do that. Don't ask questions if you're not ready for the answers nga.

Bakit hindi nya makuha yun?

--

ROCKY'S POV

Countdown starts.. now.

Nakakalungkot naman!

3 months na lang, Graduation na. Ayoko paaaa (>,<)

*knock knock*

"ATE!!! DALIAN MO DYAN!"

Ano ba 'tong si Brylle atat masyadong mag-CR! "Wait lang kakapasok ko lang eh!"

"Si Kuya Wes kanina ka pa hinihintay!"

(=. What? I glanced at my watch. 6:15am pa lang! Ba't ang aga manundo nito?

Oh yes, manundo. Parang 10 meters lang ang layo ng mga bahay namin tapos may pagsundo na nagaganap. Ewan ko dito sa eps na 'to, parang mawawala ako. In fairness, sumusunod si Kuya sa usapan! Mukhang seryoso naman po sya.. kaso di nawawala yung asar  Kainis!

Pag punta ko sa dining room para magbreakfast..

(O____O)

"Good morning beh! Kain na!"

"AT TALAGANG FEEL AT HOME KA NA AH?!"

Kapal ng mukha!! Nauna pa saking kumain ng breakfast! At sya pa ang pinaghahainan ng nanay ko!!

"O Chel upo na! Malelate na kayo ni Wes!"

Wow, aware pa pala ang nanay ko na anak nya ako.

Inabot sakin ni Wes yung plato ng sinangag. "Kain ka na beh!"

=.= "Anong usapan natin?"

"Na.. hindi kita tatawaging beh?"

"ALAM MO NAMAN PALA EH! BAKIT MO PA AKO TINATAWAG NUN?!"

He placed his arms on my shoulder. "Para cute."

At tinanggal ko naman. "Excuse me lang ah, makaakbay."

"Okay okay. Eat up. Malelate na tayo." Grabe, ang dami ba namang nilagay na rice!

"Bakit ang damiiiii.."

"Para healthy ang beh ko. Diba tita?" Tawang-tawa pa si Mama! "Pano tayo magiging tayo kung weak ka?"

"ISA PA!!"

Bigla nya akong sinubuan ng pagkain. "O wag na dumaldal! Kain na. First day of classes ngayong January malelate pa tayo."

What's with him? Nakakapanibago 'tong Wes na sweet ah.. which is a good thing. Alam kong phase lang 'to, pero sana magtagal. Haha ano raw?

Nang matapos na ko kumain at magtoothbrush..

"Let's go?" yaya nya sakin with matching smile.

"Bye Ma! Alis na po ako!"

Sumimangot sya. "Ikaw lang aalis? Iiwan mo ko dito?"

"Bakit ba ang tampuhin mo?" he pouted. "Fine. Ma! Alis na po kami ni Wes!"

Automatic naman syang ngumiti. "Bye Ma.. este Tita! Una na po kami!"

*PAAAK*

"MA KA DYAN!!!"

"Binawi ko naman diba? Tara na nga!" he extended his hand. "Ayaw mo?"

"Wait lang diba?" I held his hand. "Happy?"

Hinigpitan nya yung hawak sa kamay ko. "Ayos na ayos. Fit diba?"

=.= "Bakit ang corny mo, Wes?"

He glanced at me. "Tinatanong pa ba yan, beh? Tara na, baka malate na tayo sa assembly."

This is really reaaally creepy.. but in a good way. [;)]

-

Unang klase ngayong taon.. free cut.

"SHET BINATA KA NA CHESTER!!! WOOOHHOOO T@NGINA MANGLIBRE KA!!!"

Todo hampas si Barbs sa bestfriend nyang in a relationship na ngayon.

(='.' "B-barbs naman.. masakit.."

"EH GRABE KASI!! GRADUATE NA KAYO NI WES SA TU!! WOOHOOO!"

"Nasama naman ako dyan B?" tanong ni Wes na nag-aayos ng bag.

"BABAGAL NYO KASI! AKALA KO DI NA KAYO GAGALAW!"

Nagkatinginan naman ang dalawa lalaki.. at may nabuo silang evil plan. "Barbs.." sabay nilang sabi habang naglalakad sila papunta kay B.

"Pakyu anong gagawin nyo sakin?!"

Nagsmirk ang dalawa. "Wala lang.."

"Hehehe umayos nga kayo.." medyo lumayo si B sa kanila.

"Kasi B.. ikaw na lang ang walang love life sating tatlo.." panimula ni Chester.

"..at dahil mahal ka namin.. gusto rin naming makita kang maging dalaga!" pagtatapos ni Wes.

(O______________________O) "PUCHA LUMAYO-LAYO KAYO SAKIN!!! WAG NYO AKONG LALAPITAN!! SISIGAW AKO NG RAPE!!! RAPE!!!"

( _ _) "OA! Ihahanap ka nga namin ng lalaki eh!"

"ANO KAYO, PIMP?"

"Para ebribadi hapi!"

"LUL! WAG NYO AKONG ISAMA SA KALOKOHAN NYO!" nagtago sya sa likod ng teacher's table. "SISIPAIN KO KAYO SA KAYAMANAN NYO!"

Agad namang napatakip ang dalawa down there. "AH WALANG GANYANAN!"

"UMAYOS KASI KAYO!"

Unang lumapit sa table si Chester. "Barbara kasi.. dati naman gusto mo ng Betty Boo-"

"DATI KASI YON!"

"Maging babae ka na nga ulit kasi!" sabay sabi ng dalawa.

"A-YO-KO!! KAHIT BUMALIK SI ZUMA DITO SA EARTH AYOKO!!"

Ayaw pa ring patinag ng dalawang kaibigan nya. "Nagawa mo nga nung muse compet diba? Kayang-kaya mo na yun!"

"NAPILITAN LANG KASI AKO NUN!"

"Maganda ka kaya B! Ang daming nagkacrush sa--"

"MABUBUSOG BA AKO KUNG MAGANDA AKO? TATALINO BA AKO? HINDI NAMAN DIBA!!!"

Saktong pumasok si Cyrus sa classroom at ito ang napagtuunan ng pansin ng dalawa.

"Oy Cy!" tawag ni Wes dito. "Di ba maganda naman si Barbs?"

Nagkatinginan sina Barbs at Cyrus. Ngayon lang ulit sila nagkita after ng December 24 scene na yun. Ni follow-up text o message wala.

Si Cyrus ang unang umiwas ng tingin. "Si Barbs? Okay lang naman. Pwede na."

Nainis naman si Barbs. "Gago. Ako pa nadamay sa kalokohan nyo."

May sasabihin pa sana si Cyrus nang pumasok si Rocky sa classroom. "Archi! Announcement!"

"No need to shout beh!" paalala ni Wes. Sinamaan tuloy sya ng tingin ni Rocky.

Nang nakasettle na ang lahat, binasa na ni Rocky ang announcement.

"So.. January na. And that only mean.. 3 months to go na lang." Nag-aaww ang classmates nya. "At dahil dyan, nirelease na ang final dates of activities natin. Mark your calendars, guys!

Seniors' Sched:

January 14-17: Quarterly Exams
January 31: Yearbook Photoshoot
February 23: Junior-Senior Prom
March 4-8: Student's Week
March 12-15: FINALS
March 22-23: Retreat
March 29: Seniors' Ball

APRIL 1: GRADUATION


Tahimik ang lahat nang matapos si Rocky sa kanyang announcement. Wala atang natuwa dun, maliban kay Wes na tumapat sa JS Prom ang birthday.

"Guys! Nakopya nyo ba? Iiwan ko naman sa corkboard 'to. Tignan nyo na lang."

If I FallRead this story for FREE!