Hindi sya lumingon.

                “HOY, BAKIT MO GINAWA YUN???” Sigaw ko.

                “Good luck charm yun!” tumawa sya na tumingin sandali saakin saka nanakbo pababa ng hagdan.

                Hinawakan ko yung noo ko kung saan sya humalik, nanlalamig ako. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Para akong kinikilig na nananakit na natatawa na naiiyak. Pumasok ako ng classroom na nakangiti, hindi ko mapigilan yung mga labi ko na ngumiti eh, ito kasing si Alfred. Nagtataka lang ako, bakit hindi ako nagalit sa kanya? Bakit hinayaan ko lang? Bakit nga ba?

****

               

               

                Sabi nila, ang mga lalaki daw madalas magloko, madalas kumaliwa, madalas mababae. Oo, aminado ako, maraming babae dyan sa paligid na talaga nga naming makakapukaw ng atensyon mo pero iba kasi kapag natuto ka ng magmahal. Kahit gaano pa kaganda yang kurba ng katawan ng nasa harapan mo, at the end of the day, iisang babae pa din talaga ang nasa isip mo.

                Sampung taon ako, may isang tao na karamay ko sa lahat ng pagkakataon. Si Steph. Hindi nya ako binibigyan ng advice, ang ginagawa nya, nanloloko lang, nangungulit, nandadamba, nangangagat. Sampung taon ako, si Steph, dalawang tao palang. Sya yung nakababata kong kapatid. Kaso, sa maagang edad, kinuha na sya ni Lord. Sobra akong nalungkot nung mga panahon na yun. Sila Mama at Papa, madalas kasing magaway nung bata pa kami kaya kaming magkapatid nalang yung magkakampi. Kaso yun nga, kinuha sya agad tapos dahil dun, nagkabati na din sila mama. Kaso ang laking epekto saakin ng pagkawala ni Steph na hanggang sa paglaki ko, nadala ko. Tapos may nakilala akong lower year nung college ako. Second year ako nun, sya first year palang. Nasa iisa kaming organization, unang kita ko palang sa kanya, naalala ko na agad si Steph.

                May pagkakahawig sila ni Steph, maputi na maputla at lagging nakangiti. Angelie Fernan ang pangalan nya. Siguro kung lumaki pa si si Steph, halos parehong pareho sila. First year palang si Angelie, nakita ko na agad yung dedication nya sa org. Nung mga panahon na yun, girlfriend ko si Cyril, kilala sya sa pangalang Cy. Naghiwalay kami, una, parang nawala na yung spark na pareho naman naming naramdaman yun kaya walang bitter, pangalawa, parang mas naituon ko yung oras ko sa pagbantay sa paglaki ni Angelie sa kolehiyo. May mga panahon na kailangan nya ng tulong, ako yung tahimik na umaasikaso ng mga papeles nya, bukod kasi sa miyembro ako ng isang grupo sa school kung saan kami ang namimili ng mga susunod na magiging lider, kami din ang sumasala sa mga taong may potential. Weird kami, parang secret society sa school na may kapangyarihan. Kakaiba man, natural lang to sa lahat ng mga kolehiyo. Isa si Angelie sa mga tao na minamatahan ng grupo, yung inaalagaan, lahat ng records, pinapanatiling malinis para maaring mamuno sa buong school. Ako yung nagvolunteer na tumingin kay Angelie. Hindi ko din naman inakala na magiging magkaibigan talaga kami at nung lumaon, parang hindi na duty kundi sariling free will na yung pagbantay ko sa kanya. Halos hindi na nga sya kailangan pang alagaan dahil sya mismo, kayang kaya nya ang sarili nya at bihira na yung mga taong ganun. Ang pagkapanalo nya bilang president ng org, wala na kaming kinalaman dun, qualified na qualified naman din kasi sya at asset naman talaga sya ng school.

                Kapatid. Kapatid lang naman talaga ang turing ko sa kanya noon, nung mga panahon na bago palang yung pagkakaibigan naming, kapatid lang turing ko sa kanya, nung mga panahon na magkasama sila ni Mike, nakababatang kapatid ang tingin ko sa kanya pero nung nasaktan sya. Iba na. Hindi na pala kapatid ang turin ko sa kanya. Dahil kahit ako, sobrang nasaktan. Hindi nya deserve ang iwan, hindi nya deserve ang lokohin. Naglaon, hindi ko namalayan, mahal ko na nga pala talaga sya. Mahal ko na sya, at patuloy ko pang mamahalin.

Liempo ( A story of Rival Colleges)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon