TRES

32 5 4
                                    

Dear Diary, 09/21/18

              Nasa room ako ngayon habang sinusulat ito. Gusto ko lang ikwento sainyo yung nangyari kani-kanina lang sa cr. Kanina kasi habang nasa cr ako nakabantay lang sa labas yung apat. Tapos may nag uusap na dalawang babae patungkol saakin. Eto ang mga pangyayare kanina.

"You know Magdalene? She's a psycho. Kanina may kinakausap siya kahit wala namang tao. Tapos nakita ko siya na lumabas na may konting dugo yung uniform. Isn't she creepy?" Sabi iyon nung isang babae.

"Yah you're right. Nakita ko rin siya na bumubulong at tumatawa. What the hell?" Sabi nung isa namang babae.

Ayan ang pag uusap na narinig ko kanina habang nasa cubicle. Matapos yung ilang segundo bigla na lang akong nakarinig ng kalabog. Paglabas ko ng cubicle natagpuan ko na yung dalawa na duguan. Base sa nakikita ko silang apat ang may kagagawan non. Nag kibit balikat na lang ako at lumabas ng cr. May nakasalubong pa ako na babae na papuntang cr at narinig ko mula sa malayo ang tili niya. Sinaway ko sila na bawas bawasan ang pagiging mainitin ang ulo dahil baka ako ang mapahamak sa mga pinag gagagawa nila. Kasalukuyan ng nagtuturo ang teacher namin at kunwari akong nag te-take down notes. Nagulat ako ng bigla niya akong tawagin, tinanong niya ako tungkol sa tinuturo niya. Hindi ako nakasagot at sinabihan akong hindi nakikinig at walang alam sa klase. Nagtawanan naman ang iba at nakita ko sila Annalie na nanlilisik na ang mata sa aming professor. Agad naman akong umiling sa kanila at itinuon na ang pansin sa blackboard. Nasa kwarto na ako habang isinusulat itong karugtong. Kanina habang pauwi ay madadaanan namin ang faculty, pagsilip nila Leanna ay yung prof nalang namin kanina ang naiwan kaya agad agad nilang pinuntahan ito at pinagtatapon ang mga gamit niya sa sahig. Nanginginig na ito sa takot habang ako nasa labas at nanonood lang sa ginagawa nila. Bigla na lang may tumusok na ballpen sa lalamunan niya at tuluyan na siyang nalagutan ng hininga. Matapos ang insidenteng iyon nakauwi na kami dito sa bahay ng maluwag ang pakiramdam.
       

-Magdalene

Magdalene's DiaryWhere stories live. Discover now