DOS

40 5 3
                                    

Dear Diary, 09/15/18

Kanina sa school habang nasa klase nasa tabi ko lang ang mga kaibigan ko anytime and anywhere, di nila ako iniiwan dahil baka daw may mang away saakin. A while ago i was talking to them nang sabihan ako ng isa kong kaklase na baliw. Annalie get mad easily kaya agad niyang sinugod iyon at inumpog sa pader ang kanyang ulo. Lumabas naman kaagad ako 'coz for sure they will blame me for what Annalie did. I decided to talk to her for what she have done, she says na sadyang makulit at masama lang daw ang ugali nung kaklase kong iyon kaya niya iyon pinatay. Naiirita daw siya, kaya hinayaan ko na lamang siya. Sabagay lagi naman akong inaasar non at binubully. Kesyo baliw daw at may sa demonyo daw ako. Pero hinahayaan ko lang siya non dahil hindi naman mainitin ang ulo ko. Pero sila Annalie, Sachzna, Caridad and Leanna sobrang short-tempered nila. Pero saakin hindi sila masyadong pikunin minsan lang kapag nakakainis na talaga ang ugali ko. Binubugbog nila ako at inuumpog ang ulo sa pader. Kapag ganon ay hinahayaan ko lang sila pero kapag nag kaayos na kami ginagamot nila ang sugat ko at nag so-sorry sa ginawa nila. Pero sa ibang tao, lalo na sa aking teacher na lagi akong pinagiinitan tinorture nila iyon at kinabukasan ito'y natagpuan nang patay sa condo unit niya. Siguro dito na lang muna ang sulat patungkol sa araw ko.

-Magdalene

Magdalene's DiaryWhere stories live. Discover now