CODE 4(edited)

6 0 0
                                        

Myra's POV

Nandito kami sa isang malaking bahay na maraming  stock ng pagkain, kumpleto ang household appliances pero putol ang mga communication lines. At isa pa walang tao sa bahay na to bago sila dumating, ibig sabihin hindi naka lock. 



Things are getting weirder and weirder kaya nakapang hihinala. Hindi ko gusto itong mga pumapasok sa isip ko. Feeling ko kasi nakaplano na ang mga bagay na nangyari sa aming lahat. I think isa lang sa amin ang may kagagawan nito. I'm not that sure pero kasi ang lakas ng kutob ko ehh... Imagine........ After naming maaksidente lumakad lang sila ng diretso tapos nakita na nila itong bahay na para bang  alam ng suspect kung saan kami dadaan at kung saan kami mag iistay. Kasi kung minor injuries lang natamo namin, ibig sabihin hindi niya kami gustong patayin.



Argh! Ang weird ng feeling ko. Feeeling ko ang weird ng mga kinikilos nila, as in lahat nalang ng nasa paligid ko ang weird. Somethings not right....Ako lang ba ang nakakaramdam at nag iisip ng ganito?



Pinag masdan ko silang lahat. Wala si Zara at Nicole at  hindi ko alam kung anong gagawin nila. Hindi ko na kasi napakinggan pa yung sinabi nila kina Bery dahil nasa outer space yung utak ko.


Sina Berylluim at Xavier.... as usual nag aaway pa rin sa walang kwentang bagay. Si Rider naman mas naging weird pa lalo kasi sobrang tahimik niya. I mean... normal lang naman sa kanya yung pagiging tahimik pero ang weird kasi ehhh... 


Paano ba naman kasi titingin siya sa akin na parang may gustong sabihin but in the end sisimangot lang siya tapos titingin sa iba. And palagi niya lang ginagawa yun. Abnormal lang. Pero para kasing kinakabahan ako ehhh... bahala nga siya diyan.



"Uy! Lalim ng iniisip mo Myra? Anong nangyayari sa yo? Nawala na ba yung utak mo at napipi yan kagaya ng sinabi ni Xav?" - tanong ni Bery na natatawa pa

Sa pag kakatanda ko naalog lang ang sinabi ni Xavier ahh... Ang brutal talaga ng isip nito.



Huminga muna ako ng malalim bago sumagot sa kanya. "Ganon talaga pag matalino ka, kailangan mong tumahimik at mag isip hindi yung salita ka ng salita." - pag papalusot ko sa kanya



Ayoko ko namang sabihin sa kanya na may pinaghihinalaan ako sa aming gumawa ng lahat ng ito. Atsaka hindi pa naman ako sigurado. Maybe I'm just thinking too much....... am I?


"Gaga ka talaga! Akala ko naman seryosong dahilan ang meron ka kaya ang tahimik mo? Kagaguhan lang pala." - sabi niya sabay binatukan ako.... Ang sakit non ahhh...


"Sa lahat ng seryosong problema ko, kulang na pagkain lang ang pinakamalala"- tapos binatukan ko rin siya.


"GUTOM NA AKO!!" - Xavier

"MAMATAY KA SA GUTOM, GAGO!" - Bery

"MALULUNGKOT YUNG MGA MAY CRUSH SAKIN KAYA WAG NALANG!" - Xav

"Hindi ba pwedeng mag usap kayo ng hindi nag sisigawan?"-  inis kong sabi

THE CODEWhere stories live. Discover now