MSG : 1

1.1K 105 52
                                    

MSG 1 :

"Her POV"

"Aaaaaah! I hate you Rhyi!"

Mtapos nito sumigaw ay nagpapadyak bago ako lagpasan. Napahawak ako sa bibig, Ibig sabihin hindi niya ako nakita? Napasapok ako sa ulo ko, akala ko naman kasi nakita niya ako. Naiiling na pumasok ako sa pinto at hinawakan ang magkabilang pisnge ko.

"Teka lang, nakabukas pa rin yung pinto, bakit hindi sinarado ng babaeng 'yon?"

Bahala na nga hindi ko rin naman masasara 'yon. Walang tao sa baba kaya umakyat ako sa hagdan, may nakita akong pintong nakaawang kaya pinasok ko. May lalaking nakatihaya at inunan nito ang mga braso at nakapikit.

Dahan-dahan akong pumasok at lumapit sa kaniya, ang bango naman niya! Napa atras ako ng wala sa oras. Nailing ako sa iniisip ko at bumalik tingin sa lalaking nakahiga.

"Paano kaya kita magigising?"

Parang nabuhusan ako ng malamig na yelo nang magmulat ito ng tingin at manlaki ang mga mata.

Napaayos ako ng tayo at parang nakaramdam ng hiya.
Narinig niya kaya ako?

Nakahiga pa rin siya paglingon ko.

Aww awkward!

"Sino ka? Kaibigan ka ba ni Patricia? Sabihin mo wala akong gusto sa kaniya."

Napalunok ako. Hindi ko alam ang sasabihin. Teka paano ba 'to?

Nilingon ko siya at sumeryoso. Nagtaka ata siya kung bakit hindi pa ako umaaalis. Umupo siya at nakipagtitigan din sa akin.

"Ano kasi, ahm 'diko alam paano ko sasabihin ito... ano kasi... multo ako!"

*insert uwak*

"Ha? Miss content ba ‘to? May camera ba?"
Lumingon siya sa paligid.

“Kung iniisip mo na binibiro kita nagkakamali ka dahil isa talaga akong multo."

Sana naman maunawaan niya ako.

"Eh? Tatawa na ba ako?"

Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng inis at itinaas ang kamay ko para sapakin siya.

"Nabab*liw ka ba!? Bat mo ako sasapakin?"

"Ah oo magandang ideya para malaman mo na multo ako." Sasapakin ko na sana siya ulit nang sigawan ako nito.

"Are you crazy?! Pag ako nagka-pasa kahit babae ka papatulan kita!"

Natigilan ako sa pag-akmang sapak sa kaniya at sa hindi malamang dahilan natagpuan ko nalang ang sarili ko na tumatawa.

"Hahahahaha! grabe ang OA mo naman!" Natigilan ako, ano ang ‘oa’?

"Tawang tawa? Close tayo?"  Lumapit ako sa kaniya at sinapak siya. Nanlaki ang mga mata nito sa ginawa ko.

"Ah, Nagkapasa ka ba?" Tanong ko.

Natulala siya.

"Hoy!" Winagayway ko ang aking kamay sa harap niya.

Nawalan ng kulay ang mukha nito,  dahan-dahan lumingon sa akin.

"Mu-mu-multoooo!" Tumalon siya sa sahig at nagkanda dadapa pa at biglang pumasok sa maliit na pinto.

Natulala ako, muntik na rin ako mapasigaw buti nalang naalala kong ako pala yung multo. Geez! lumapit ako doon sa pinto.

"Magpapatulong lang naman ako--"

"Lumayas ka masamang espiritu!"

Espiritu? Kakaibang tawag ba ‘yon sa multo?

"Takot ka ba sa multo?" Tanong ko pero wala akong narinig na sagot. Nag-aalala naman ako kaya pumasok ako at agad na umabas dahil may 'di dapat ako nakita.

My Special Ghost (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon