Bumukas naman ang pinto at naka-topless na ito.

"Ikaw babaeng multo, ano ba kailangan mo at ako pa talaga?"

Natahimik ako at napayuko.

"Hindi ko alam. Wala akong alam. Baka kaya hindi ako makaalis sa mundong ito dahil wala akong alam kaya baka ikaw ang susi dahil nakikita mo ako."

Mahina kong tugon.

Umalis siya sa aking harap at pumasok muli sa maliit na pinto pero bumukasito kaya napatingin ako sa kaniya.

"Tutulungan kita, 'wag mo lang akong takutin ulit ha?"

sumarado ang pinto, kumabog ng malakas ang dibdib ko at wala sa sariling napangiti. Ang palad ko naman, pogi na hot pa yung tutulong sa akin.

"G*ga tigilan mo 'yang iniisip mo!" Saway ko sa sarili ko, naupo ako sa kama. Napatingin ako sa salamin sa gilid, wala akong makitang replika. Aray--multo nga talaga ako.

April 17 2010, aww ilang araw na rin pala ang nakalipas, pumikit ako at pilit inaaalala ang aking nakaraan pero wala, wala akong maalala kahit anong bagay.

"Ayos ka lang? Bakit ka nakapikit?" Tanong ng lalaki sa akin.

"Oo naman, iniisip ko lang na nagagandahan ka sakin kaya pumayag kang tulungan ako."

Napangiwi naman siya. Ewan ba kung saan ko natutunan ang pagsasalita ng ganoon.

"Asa ka, ano bang pangalan mo?"

Naka-cross arms pa ito na akala mo chicks. Sinimangutan ko siya.

"Nang-aasar ka ba? Hindi ko nga alam!"

Sinigawan ko siya sa inis. Tinaasan niya lang ako ng kilay at bumaba. Sumunod naman ako, sa kusina siya nag punta at kumuha ng pagkain.

"Anong gusto mo?"

Sabi nito na lalo kong ikainis.

"Alam mo kung nahahawakan ko lang itong upuan malamang binato ko na ito sa'yo"

Malutong naman siyang tumawa.

"Gano'n ba? Edi maglaway ka."

Naiinis na iniwan ko ito sa kusina at nagpunta nalang sa sala.

"Pang-asar na tao yun. Nananadya ba? Kaninin ko siya ng buhay makita niya. Kainis!"

"Hoy babae, ako na magpapangalan sa'yo ha." Sabi nung lalaking pang-asar. Diko nga nilingon bahala siya d'yan.

"Momo..."

"Alam kong multo ako duh!"

"Yun ang tawag ko sa'yo." Napairap ako sa ere.

"Paano mo ako matutulungan kung wala akong matandaan aber?" Nagpamewang ako, lumapit naman siya sa akin at pumitik sa ere na akala mo naka isip ng edeya.

“Hindi ba at wala kang maalala? May mga video akong ipapanood sayo in one week, mga basics lang muna para hindi ka bano sa paligid mo.”

“Tulad ng ano?”

“Ng tawag sa mga pagkain at tawag diyan sa malaking screen which is TV”

“Ah, TV…”

Tumango siya.

“Kailan mo narealize na patay kana?

"Loko-loko ka ba? Hindi nga kita mahawakan e!"

Napasabunot siya sa buhok niya at sinimangutan ako.

"I mean, Paano mo nalaman na hindi ka na buhay?"

Yun pala ibig niyang sabihin, hindi naman agad sinabi.

My Special Ghost (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon