Pinagtuunan ko ulit ng pansin ang grupo ko.  Nasa loob pa rin ang karamihan sa kanila.  I zoomed out the satellite cameras to check kung nasaan na ang missile na pinakawalan ng base ng Griffin.  Napamura ako ng makita ko malapit na ito sa Pilipinas.

“Guys, this is bad.  I can now see the missile through the satellite cameras.  Please get out of there!”

“Titus, the third room to your right has a window.  Use that to get out.”

“Kyran, you need to go to the upper floor.  There’s no exit from your position.” Nanlalamig na ang mga kamay ko dahil sa nerbyos.  Please, please, let them get out of there.

“Putangina!! Bakit hindi sila maubos-ubos?!!” Grey.

I don’t think we can make it.”

“Don’t say that!! You -” Hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil sa sunod na nangyari.

I heard it first bago ko nakita sa monitor ko ang nangyari.  I’m using two computers – one for the CCTVs at the hideout and one for the satellite cameras. Una kong narinig ang sobrang lakas na pagsabog to the point na nagri’ring ang tenga ko. I have to remove my earpiece because of that. Pagkatapos kong marinig ang ingay na yun, nag blackout ang isa kong monitor kung saan nakikita ko sina Ran kanina samantalang sa isang monitor naman ay nakita ko ang pagsabog ng target naming hideout.  Masyadong makapal ang usok kaya hindi ko mahagilap kung ano na ang itsura nito.  Sinuot ko ulit ang earpiece ko.

“Ran? T? G?” Kahit na silang tatlo ang tinawag ko, wala akong natanggap kahit na isang sagot. I tried calling other names na alam kong nandoon kanina sa loob pero wala pa rin akong nakuhang sagot.

“Snipers.  Please tell me that they were able to get out of the building.” Hindi ko alam pero kahit sa kanila ay wala akong nakuhang sagot. After few more seconds, I finally lost it.

“ANSWER ME!!” Sinuntok ko ang monitor na ginagamit ko kanina para panuorin sina Grey. Nagkaroon ito ng butas sa gitna at nagsimulang tumulo ang dugo galing sa kamay ko.

Em! Calm down.” Lumapit na silang tatlo sakin at sinabing papunta na sa hideout number 4 ang mga grupo nila. Sinubukang bendahan ni Yan ang kamay ko pero binawi ko ito sakanya.  I started typing at my keyboard again.

“Kailangan nating patigilin ang pagdurugo ng kamay mo, Zeph.”

“If no one answers me within the next three seconds, I’ll fucking go there.” Pinagpatuloy ko ang pagta’type dahil naghahanap ako ng ibang anggulo para makita ko ulit ang hideout.

“They didn’t make it, Boss.” Parang nabingi ako sa narinig ko galing sa kabilang linya. Tumigil din sa pag galaw ang mga kamay ko.  Ang tanging ingay na maririnig mo lang ay ang patak ng dugo galing sa kamay ko papunta sa keyboard. I don’t know what to say.  Walang lumalabas na kahit anong salita galing sa mga bibig ko. Gusto kong umiyak.  Si Ran, si T, si G, sina Xev.  Nanduon silang lahat sa loob. Hell, gusto kong magwala pero I tried to compose myself. Nang maka’ipon na ako ng lakas para magsalita, naunahan ako ng mga tauhan ko sa kabilang linya.

“Open fire!” What? Agad kong tinignan ang camera feeds at nakita kong papalapit na sa kanila ang mga miyembro ng Griffin. Fuck, halos kalahati ng grupo ko ang nakasama sa pagsabog ng building.  I need to focus kung ayaw kong malipon ng tuluyan ang grupo ko.

“Clark, gaano katagal pa bago makarating sa hideout number 4 ang grupo mo?”

Mafia of Mafias: Heir Apparent [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon